You are on page 1of 1

I.

 Pamagat 

            "PUTOL"

II. May-akda
            Michael M. Coroza

III. Bisang Pampanitikan

a. Bisa sa Kaasalan
            Ang tulang Putol ni Michael Coroza ay katulad sa mga taong mahirap sa Pilipinas at ito ay nagbibigay
pansin sa konteksto ng tula. Sa tulang ito, ipinararating ni Michael Coroza sa mga mamabasa na ang Pilipinas ay
isang bayan na nakakaranas ng kahirapan.

b. Bisa sa Damdamin
            Sa palagay ng mga mambabasa, ang tula ay parang karaniwan lang o kaya tipikong tula pero para sa
manunulat, ito ay isang ganap na bagong bagay. Ang kayarian ng buong tula ay parang hugis ng paa. Ito ay isang
bagay na hindi mapapansin agad dahil sa palagay ng mga mambabasa, ito ay hindi mahalaga. Ang kahalagahan ng
paa ay ito ang nagsisilbing lunawan ng produktong Nike na kung saan imbis na ang paa ang sumusuot sa sapatos,
pinapakita sa tula na ang sapatos na Nike ang sumusuot sa paa. Ito ay ang gustong ipakita ng manunulat sa mga
mambabasa. Napakahalata dito na iba ang ipakahulugan ng manunulat kaysa mambabasa.

IV. Ano ang isyu ng panlipunan ang nakikita o lumilitaw sa tula?

            Isa sa mga isyung aking nakita ay ang mga mahihirap  na namumuhay sa ating bansa sa paraang
pagbubungkal ng basura, sa panahong meron tayo ngayun may mga uso uso ng umuusbong tulad nalamang ng nike,
isa nag nike sa mga pinaka sikat na brand sa ating bansa kung saan maraming Pilipino ang mga tumatangkilik ngunit
pag dating sa local na brand ay di man lang maipagmalaki. Dapat itong pagtuunan ng pansin ng gobyerno dahil mas
kinikilalala natin ang mgadayuhang produkto kaysa sa sariling atin. Dapat ring pagtuunan ng pansin ang mga
mahihirap.Para saakin ay ang tulang ito ay pang mulat sa isyung panlipunan na talagang kinakaharap ngating bansa.
Labis akong naiinis dahil karamihan pa sa nakaupo ay ibinubulsa ang kaban ngbayan. Sana ay imbis na maging
makasarili ay dapat silang gumawa ng mga proyekto para samga mahihirap na patuloy na naghihirap dahil sakanila.
Hindi ito napapansin dahilan ngpagusbong ng mga ganitong produkto na ang estado ng tao ay nakadepende sa mga
ganito.Kung walang korupsyon, ang bansa natin ay pwedeng makabuo ng industriya na maaringmakagawa ng sarili
nating produkto at makakapagbigay rin ito ng trabaho sa mahihirap.

You might also like