You are on page 1of 1

Kumpas: Si Lorenzo at ang kanyang mga tugtugin

Anong ugali ang kaya mong kalimutan para sa pagmamahal? Anong sakripisyo ang kaya mong gawin
upang mapatunayang wagas ang iyong pagmamahal?
Namulat sa pagmamahal nina ama at ng inang si Gina Pinton si Lorenzo Pinto noong ika-12 ng oktubre
2009 sa lungsod ng Pantukan.
Pinalaking masunurin si Lorenzo, katunayan sa murang gulang nito na siyam ay natuto na siyang
maghanda ng pagkain para mga nakakatandang kapatid na pagod mula sa maghapong pagbabanat ng
buto.
“Kay ako man ang manghod ug ako man ang mabilin, maong mutabang ko kay mama,” ani ni Lorenzo
Puno man nang pagmamahal, naging mapusok rin siya. Ang likidong kulay pula ang madalas na
pampalipas ng pananghalian ng mga barkada bago pumasok sa panhapong klase. Naging madalas ang
ganitong larawan sa kabila ng paglilingkod sa panginoon.
Umabot rin sa puntong ang linggo na sana’y pagsamba sa panginoon naging pagsamba sa karera ng
motorsiklo. Hindi ito alam ng kanyang mga magulang, dahil ang alam nila ay nagsasanay ito sa pagtugtog
sa simbahan.
Isang hapon habang nakaangkas sa motorsiklo ng barkada ay natabig ito ng paparating na mas malaking
sakyan, nagising na lamang siya mula sa makirot na tuhod na nakapaling na sa ibang direksyon. Siyam na
buwan siya nakakulong sa bahay. Hindi nalos makalakad. Hindi halos makatulong sa paghahanda sa
kusina na una niyang naging munting palaruan.
“Isa ka adlaw ra ang gipangayo sa Ginoo, ako pa gyud gikambyo sa drag race,” dagdag ni pinton
Mula ng araw na siya’y gumaling itinuon niya ang kanyang oras sa pag-aral ng mga piyesa hindi lang para
sa kanilang maliit na simbahan bagkos sa malaking simbahang pangarap niya lang matugtugan noon.
Kasama ang ilan sa mga barkada noon sa pananghaliang tambayan, sabay na nilang pinangunguluhan
ang pagsamaba tuwing hapon ng linggo, ang ilan ay naging sakristan, ang ilan naman ay naging taga-
kanta ng mga piyesang kanang inaaral at inaaral pa.
“Unta ang mga kauban nako sa inom sa una kay makauban nako kada dominggo nga musimba,” dagdag
ni Lorenzo.
Hindi man siya ang mag-aaral na umaakya’t panaog sa entablado para sabitan ng medalya, siya naman
ang batang sa ibang entablado pala nakalaan upang masabitan ng medalya.

You might also like