You are on page 1of 1

Ang Wikang Pambansa

Ang Wikang Pilipino ay ginagamit sa pangkalahatan.

Mapa kalakalan, edukasyon o pamahalaan,

Napaka halaga ng wika lalo na't ito ang ating kinagisnan,

Napakadaling unawain at napaka daling pakinggan.

Ang pakikipag kalakalan gamit ang sariling wika ay mainam,

Madaling magkakasundo at magkakaintindihan,

Mas maganda kesa gumamit pa ng liham,

Upang pakikipagusap ay mas maunawaan.

Sa paaralan nalinang ang ating mga kakayahan,

Kaalaman, pati na rin ang pagiging dalubhasa,

Natutunan natin ang mga ito dahil ating naintindihan,

Ang importansya at kahalagahan ng wikang pambansa.

Sa pag unlad ng pamahalaan, ay ang pagunlad din ng bayan,

Kaya hindi na kataka takang,

Sa pag gamit ng wika umunlad ang bayan,

May magandang edukasyon, kalakalan at pamahalan.

Isang tanong ang nasagot ko,

Bakit mahalaga na pag aralan pa ang wikang ating kinagisnan?

Ang ating wika ay nagbabago sa paglipas ng panahon,

At ito ay patuloy na magbabago dahil ito ay dinamiko.

Dareen Ramos

You might also like