You are on page 1of 7

1

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

NAME OF THE General Education

PROGRAM
COURSE TITLE Panitikang Filipino COURSE CODE FILI101
PREREQUISITE/ CO- None COURSE UNIT 3 units
REQUISITE
COURSE OUTCOME CO2: Makapagsaliksik ng iba’t ibang uri ng mga sulatin o
akdang pampanitikan sa Pilipinas.
MODULE 4 Panitikan ng Luzon
LESSON LEARNING After successful completion of this module, you should be able
OUTCOME/S to:
a. Naipakita ang pagkakaiba ng iba’t ibang uri ng panitikan
sa iba’t ibang dako sa Pilipinas.

TOPICS • Etimolohiya
• Mga Anyo ng Panitikan sa Iba’t ibang Rehiyon sa Luzon
• Mga Panitikan ng Luzon
WEEK / INCLUSIVE 5
DATE September 12-16, 2022
MODALITY Synchronous, Asynchronous (MS Teams, Zoom, or RingCentral)

▪ LESSON PROPER

Pangkalahatang Ideya

Ang panitikan ng Luzon ay naglalarawan sa mga pagtatanim, lamay sa patay,

paglilibang o pampalipas oras, panghaharana, pangangalaga sa mga hayop, halaman, at
kapaligiran, at pakikipagsapalaran. Ang anyong panitikan mayroon sa bawat rehiyon ay
awiting-bayan, epiko, at alamat.
________________________________________________________________________

PAGTALAKAY

Etimolohiya

Ang pangalang Luzon ay inaakalang nagmula sa lusong, isang salitang Tagalog na

tumutukoy sa isang partikular na uri ng malaking mortar na gawa sa kahoy na ginagamit sa
pag-”dehusking” ng bigas.

Isang 2008 research paper nina Eulito Bautista at Evelyn Javier ang nagbibigay ng larawan
ng isang lusong, na nagpapaliwanag:
1

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

_____________________________________________________________________

Sa mga lumang mapa ng Latin, Italyano, at

Portuges, ang isla ay madalas na tinatawag
na "Luçonia" o "Luconia.”

_____________________________________________________________________

Mga Anyo ng Panitikan sa Iba’t ibang Rehiyon sa Luzon

MGA REHIYON Anyo ng Panitikan

Rehiyon I (Ilocos Region)

Ilocos Sur, La Union at Pangasinan Bukanegan (timpalak o laro sa pagtula)
Rehiyon II (Cagayan Valley)
Batanes, Cagayan, Isabela Baliwayway (hele)
Nueva Vizcaya, Quirino Dimulat (kuwentong-bayan)
Kabungi (bugtong)
Rehiyon III (Central Luzon)
Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Kuwentong-bayan, dula, tula, harana
Pampanga at Tarlac-B NEPT

Rehiyon IV-A (CALABARZON)

Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon Dula, nobela, sanaysay, tula, awiting-bayan,
kuwentong-bayan, hele
Rehiyon IV-B (MIMAROPA)
Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan
Rehiyon V (Bicol Region)
Albay, Camarines Norte at Sur, Ibalon (epiko)
Catanduanes)
Masbate at Sorsogon Maikling Kuwento, tula, dula, Tigib (epiko)

CAR (Cordillera Administrative

Region)
1

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga Kabaataken (kuwentong-bayan)

Apayao, at Mt. Province Lajo (awiting-bayan)
______________________________________________________________________

Mga Panitikan ng Luzon

Sa Ifugao, ang Hudhud ay isang mahabang salaysay na patula na karaniwang inaawit

sa panahon ng tagani, o inaayos ang mga payyo o dinadamuhan ang mga palayan.
Inaawit din ito kapag may lamay sa patay at ang yumao ay isang taong tinitingala dahil
sa kanyang yaman o presyihiyo. Kinakanta ang HudHud sa mga naturang okasyon
bilang paglilibag o pampalipas-oras lamang. Hindi naka-ugnay sa anumang ritwal ang
pagkanta ng HudHud. Sumasalamin ang HudHud sa mga paniniwala’t kaugalian ng
sinaunang lipunan ng mga Ifugao, at binibigyang-paliwanag ang mga bagay na
kanilang pinahahalagahan. Noong 2001, kinilala ng UNESCO ang HudHud bilang isa
sa mga Masterpiece of the Oral and Intangible Heritage in Humanity.
______________________________________________________________________

Sinasabing pinaka-popular na epikong -bayan ang Biag-ni Lam-ang na nagmula sa

Hilagang Luzon, kung saan nasa lalawigan ng Ilocos at La Union. Nag-iisa itong
Kristiyanisadong epikong-bayan at pruweba nito ang paggamit ng mga pangalang
naiimpluwensyahan ng Katolisismo. Sinasabing ang paring si Gerardo Blanco ang
nagtala ng epikong-bayan noong 1889 at si Canuto Medina ang nagtala noong 1906.
Sinundan ito ng bersyon na nailathala sa La Luch, ang bersyon ni Parayno noong 1927
at pinagsama niya ang unang dalawang bersyon at ang bersyon ni Leopoldo Yabes
noong 1935. Uniikot ang epikong-bayan sa buhay ng pangunahing tauhan na si Lam-
ang.
1

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

Popular na pangharanang awitin ng mga katutubo. Ang Manang Biday ay naglalahad

ng marubdob na pagsinta ng isang binata sa isang dilag na tinatawag na Manag Biday
(Aling Biday). Ang dalaga ay mas matanda sa binata (ang tawag na “manang” ay
“ate” sa mga Ilokano), hindi ito dahilan, wika niya sa kanta, para hindi niya ipahayag
ang kanyang pag-ibig. Subalit matatag na nagsabi ang dalaga ng kanyang mga
dahilan na hindi karapat-dapat ang sumusuyo sa kaniya. Ang magkabilang pahayag
ng binata at dalaga sa pamamaraang nagsasagutan sila sa kabuuan ng kanta. Ang
“Manang Biday” ay sumasagisag sa kaugalian ng kababaihang Filipino—maganda,
balingkinitan, gunit mayumi at mahirap suyuin.
______________________________________________________________________

Si Maria Sinukuan ay isang napakaganda at mabait na Diwata na pinaniniwalaang

naninirahan sa Bundok Arayat. Suko ang pinaikling tawag sa kanya ng mga tao, bukod
sa ito rin ang nagiging tawag sa bundok. Alinsunod sa alamat ng mga bayan sa paligid
ng bundok, si Mariang Sinukuan ang nangangalaga sa mga halaman, hayop, at
kaligiran. Nahihingan din siya ng tulong ng mga tao upang makaligtas sa bagyo at
peste sa kanilang pananim. Dinadalaw din niya ang mga maysakit at binibigyan ng
lunas. Sa mga bayan sa Bulacan at Nueva Ecija, sinasangguni ng mga magsasaka
tuwing umaga ang bundok. Kapag maliwalas ang tuktok ng bundok,
nangangahulugang aaraw maghapon. Ngunit kapay may “putong” si “Suko”, ibig
sabihin, may maitim na ulap sa tuktok ng bundok, nangangahulugang may darating na
ulan. Mga senyas ito kung dapat silang magtanim ng palay o madaliin ang paggapas
ng palay. Sang-ayon sa alamat, tinawag siyang “Sinukuan” dahil sumusuko sa kanya
ang mga nanligaw na engkantadong nilikha.
1

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

Isa ang Kudaman sa umaabot na animnapong (60) tultul o epikong-bayan ng

pangkating Palawan na nakolekta ni Nicole Revel-MacDonald pagkatapos ng
dalawampong (20) taon ng pananaliksik mula ng 1970. Ang saliksik ni Revel-
MacDonald ay patunay na napakayamang panitikang-bayan ng Pilipinas. Ang
bayaning si Kudaman ay datu ng Kapatagan, may putong na kalapati at may tahanang
naliligid ng liwanag. May sasakyan siyang malaki’t mahiwagang ibon, si Linggisan , na
isang kulay lilang bakaw, na nagdadala sa kaniya sa iba’t ibang lupain at
pakikipagsapalaran. Tuwing aalis siya, iniiwan niya sa mga asawa ang isang bulaklak
ng balanoy na kapag nalanta ay sagisag ng kanyang kasawian.
______________________________________________________________________

Isa sa mga epikong-bayan ng Palawan hinggil sa binatang si Manimimbim na naglakbay sa

paghahanap ng asawa. Nakatagpo siya ng isang babae na iniibig niya ngunit tumutol sa
kaniyang panunuyo. May kapatid ang babae, si Labit na naging kaibigan ng Manimimbin. Sa
pagpapatuloy ng kuwento, nag-away sina Manimimbin at Lambit. Dahil kapwa may
mahiwagang kapangyarihan, tumagal ang kanilang paglalaban at walang manalo. Naisip
nilang lumipad sa langit at humanap ng tagapamagitan. Natagpuan nila ang kulog at bumalik
sila sa lupa. Sa ikalawang paglalakbay ni Manimimbin at sa tulong ng mga mahiwagang ibon
at ang binibini ng mga isda, nagwakas ang epikong-bayan sa sabay na pag-iisang dibdib nina
Manimimbin at Labit. Nakasal si Manimimbin sa kapatid ni Labit at si Labit ay sa kapatid
Manimimbin.
Ang epikong-bayan ay isa sa nalikom at nai-record ng etnolohistang Pranses na si Nicole
Revel sa kanyang pagsasaliksik sa Palawan.
1

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

Ang Ibalon ay nakamihasnan na sa mga salaysay ng pakikipagsapalaran ng mga

bayaning sina Baltog, Handiong. Pinaniniwalaan isang sinauna’t mitolohikong
salaysay ito ng mga Bicolano. Gayunman, pinagdududang epikong-bayan ito dahil sa
kasalukuyang napakaikling anyon nito (240 taludtod) at nakasulat sa wikang Espanyol.
Bahagi ang naturang teksto ng libro ni Padre Jose Castaño, isang paring nadestino sa
Bikol. May makatang nagsalin ng sulatin sa Bikol ngunit walang nakatuklas hanggang
ngayon ng kahit isang orihinal na saknong nito sa wika ng mga Bikolano. May
tumatawag ding Ibalon sa Kabikulan.

▪ SUPPLEMENTAL LEARNING MATERIALS

Biag ni Lam-ang- https://www.youtube.com/watch?v=XZwsXifwQik

Hudhud- https://youtu.be/qDImhwTKMOk
Ibalon- https://www.youtube.com/watch?v=9nvvaRKsaE8
Kudaman- https://proudpinoy.ph/epiko/kudaman-summary-o-buod-author-characters-plot-
and-setting/
Manang Biday- https://youtu.be/Nc2cLyZmEJA
Manimimbin- https://proudpinoy.ph/tag/plot-o-banghay-ng-manimimbin/
Mariang Sinukuan- https://www.youtube.com/watch?v=Dy57MJJnZp8
, ang min

▪ ACTIVITY/ EXERCISE/ ASSIGNMENT

Pangalan: Petsa:
Taon at Kurso: Iskor:

Sagutin ang mga Katanungan:

1. Ilarawan sa pamamagitan ng sanaysay ang kaibahan ni Maria Makiling at Mariang

Sinukuan.
___________________________________________________________________

2. Bakit ang Biag ni Lam-ang pinakapopular na epikong-bayan sa lalawigan ng Ilokos.

Bigyan ng puna sa pamamgitan ng pagre-riserts ng kumpletong kasaysayan at
pangyayari sa epikong-bayan na ito.

3. Sa iyong palagay, bakit kinilala ng UNESCO ang HudHud bilang isa sa mga
Masterpiece of the Oral Intangible Heritage of Humanity. Tunghayan ang bahagi ng
paglalarawan ng konsepto upang maunawaan kung bakit napili.

▪ REFERENCES

Lam-Ang: Hero of the epic Biag ni Lam-Ang of the Ilocano, CCP Encyclopedia of
Philippine Art: Philippine Literature, Volume 9 (Cultural Center of the Philippines,
1994) retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/lam-ang-hero-of-
the-epic-biag-ni-lam-ang-of-the-ilocano/

Garcia, E.M. & Ramboyong, R.T.G. (2021). Panitikang Filipino. Lucena City

You might also like