You are on page 1of 21

Modyul 5

Panitikan ng LUZON

BENEDICT Q. TORDILLOS
Instraktor, Kolehiyo ng Sining at Agham
Nilalaman

1. Etimolohiya
2. Mga Anyo ng Panitikan sa Iba’t ibang Rehiyon sa
Luzon
3. Mga Panitikan ng Luzon

Modyul 5: PANITIKAN NG LUZON FILI101: Panitikang Filipino


Lesson Learning Outcome/s:

1. Naipakita ang pagkakaiba ng iba’t ibang uri


ng panitikan sa iba’t ibang dako sa Pilipinas.

Modyul 5: PANITIKAN NG LUZON FILI101: Panitikang Filipino


Etimolohiya

Modyul 5: PANITIKAN NG LUZON Etimolohiya


Etimolohiya
• Ang pangalang Luzon ay inaakalang nagmula
sa lusong, isang salitang Tagalog na
tumutukoy sa isang partikular na uri ng
malaking mortar na gawa sa kahoy na
ginagamit sa pag-”dehusking” ng bigas.

Keat Gin Ooi (2004). Southeast Asia: A Historical Encyclopedia, from


Angkor Wat to East Timor. ABC-CLIO. p. 798. ISBN 978-1-57607-770-2.

Modyul 5: PANITIKAN NG LUZON Etimolohiya


• Isang 2008 research paper nina Eulito Bautista at Evelyn Javier ang nagbibigay ng
larawan ng isang lusong, na nagpapaliwanag:

Traditional milling was accomplished in the 1900s by pounding the


palay with a wooden pestle in a stone or wooden mortar called
lusong. The first pounding takes off the hull and further pounding
removes the bran but also breaks most grains. Further winnowing
with a bamboo tray (bilao) separates the hull from the rice grains.
This traditional hand-pounding chore, although very laborious and
resulted in a lot of broken rice, required two to three skilled men
and women to work harmoniously and was actually a form of
socializing among young folks in the villages.
Bangkang pinawa, an ancient Philippine
mortar and pestle.

Bautista, Eulito U.; Javier, Evelyn F. (2008). "Rice Production Practices: PIDS Research Paper Series
2008-02" (PDF). Philippine Institute of Development Studies Research Papers Series. Philippine
Institute of Development Studies: 44.

Modyul 5: PANITIKAN NG LUZON Etimolohiya


• Sa mga lumang mapa ng Latin,
Italyano, at Portuges, ang isla ay
madalas na tinatawag na
"Luçonia" o "Luconia.”

Hondius, Jodocus (1606). "India Orientalis". Barry Lawrence


Ruderman Antique Maps Inc.

Modyul 5: PANITIKAN NG LUZON Etimolohiya


Mga Anyo ng
Panitikan sa
Iba’t ibang
Rehiyon sa
Luzon

Modyul 5: PANITIKAN NG LUZON Mga Anyo ng Panitikan sa Iba’t ibang Rehiyon sa Luzon
Mga Anyo ng Panitikan sa Iba’t ibang Rehiyon ng Luzon.

MGA REHIYON Anyo ng Panitikan


Rehiyon I (Ilocos Region)
Ilocos Sur, La Union at Pangasinan Bukanegan (timpalak o laro sa pagtula)
Rehiyon II (Cagayan Valley)
Batanes, Cagayan, Isabela Baliwayway (hele)
Nueva Vizcaya, Quirino Dimulat (kuwentong-bayan)
Kabungi (bugtong)
Rehiyon III (Central Luzon)
Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga Kuwentong-bayan, dula, tula, harana
at Tarlac-B NEPT

Modyul 5: PANITIKAN NG LUZON Mga Anyo ng Panitikan sa Iba’t ibang Rehiyon sa Luzon
Mga Anyo ng Panitikan sa Iba’t ibang Rehiyon ng Luzon.

MGA REHIYON Anyo ng Panitikan


Rehiyon IV-A (CALABARZON)
Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon
Dula, nobela, sanaysay, tula, awiting-bayan,
Rehiyon IV-B (MIMAROPA) kuwentong-bayan, hele
Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan

Rehiyon V (Bicol Region)


Albay, Camarines Norte at Sur, Catanduanes) Ibalon (epiko)
Masbate at Sorsogon Maikling Kuwento, tula, dula, Tigib (epiko)

CAR (Cordillera Administrative Region)


Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga Apayao, Kabaataken (kuwentong-bayan)
at Mt. Province Lajo (awiting-bayan)

Modyul 5: PANITIKAN NG LUZON Mga Anyo ng Panitikan sa Iba’t ibang Rehiyon sa Luzon
Mga Panitikan ng Luzon
Modyul 5: PANITIKAN NG LUZON Mga Panitikan ng Luzon
• Isang mahabang salaysay na patula na
karaniwang inaawit sa panahon ng tagani, o
Hudhud inaayos ang mga payyo o dinadamuhan ang
(Epiko ng Ifugao)
mga palayan.
• Inaawit din ito kapag may lamay sa patay at
ang yumao ay isang taong tinitingala dahil sa
kanyang yaman o presyihiyo.
• Kinakanta sa mga naturang okasyon bilang
paglilibang o pampalipas-oras lamang.
• Noong 2001, kinilala ng UNESCO bilang isa sa
mga Masterpiece of the Oral and Intangible
https://ich.unesco.org/en/RL/hudhud-chants-of-the-ifugao-00015 Heritage in Humanity.

Modyul 5: PANITIKAN NG LUZON CAR (Cordillera Autonomous Region)


• Pinaka-popular na epikong –bayan a nagmula sa
Biag ni Lam-Ang Hilagang Luzon.
(Epiko ng mga Ilocos at La Union) • Nag-iisa itong Kristiyanisadong epikong-bayan at
pruweba nito ang paggamit ng mga pangalang
naiimpluwensyahan ng Katolisismo.
• Sinasabing ang paring si Gerardo Blanco ang
nagtala ng epikong-bayan noong 1889 at si
Canuto Medina ang nagtala noong 1906.
• Sinundan ito ng bersyon na nailathala sa La Luch,
ang bersyon ni Parayno noong 1927 at pinagsama
niya ang unang dalawang bersyon at ang bersyon
ni Leopoldo Yabes noong 1935.
• Umiikot ang epikong-bayan sa buhay ng
https://buklat.blogspot.com/2009/09/biag-ni-lam-ang-ti-biag-ni-lam-ang-ang.html.
pangunahing tauhan na si Lam-ang.

Modyul 5: PANITIKAN NG LUZON Rehiyon I (Ilocos Region)


• Popular na pangharanang awitin ng mga katutubo.
• Ito ay naglalahad ng marubdob na pagsinta ng isang
Manang Biday binata sa isang dilag na tinatawag na Manag Biday
(aling Biday).
(Awiting-bayan ng Ilocos)
• Ang dalaga ay mas matanda sa binata (ang tawag na
“manang” ay “ate” sa mga Ilokano), hindi ito
dahilan, wika niya sa kanta, para hindi niya
ipahayag ang kanyang pag-ibig.
• Subalit matatag na nagsabi ang dalaga ng kanyang
mga dahilan na hindi karapat-dapat ang sumusuyo sa
kaniya.
• Ang magkabilang pahayag ng binata at dalaga sa
pamamaraang nagsasagutan sila sa kabuuan ng
https://youtu.be/Nc2cLyZmEJA
kanta.
• Ang “Manang Biday” ay sumasagisag sa kaugalian ng
kababaihang Filipino—maganda, balingkinitan,
ngunit mayumi at mahirap suyuin.

Modyul 5: PANITIKAN NG LUZON Rehiyon I (Ilocos Region)


• Si Maria Sinukuan ay isang napakaganda at
mabait na Diwata na pinaniniwalaang
Mariang Sinukuan naninirahan sa Bundok Ararat.
(Alamat ng Ilocos) • Alinsunod sa alamat ng mga bayan sa paligid ng
bundok, si Mariang Sinukuan ang nangangalaga sa
mga halaman, hayop, at kaligiran.
• Sa mga bayan sa Bulacan at Nueva Ecija,
sinasangguni ng mga magsasaka tuwing umaga
ang bundok.
• Kapag maliwalas ang tuktok ng bundok,
nangangahulugang aaraw maghapon. Ngunit
kapay may “putong” si “Suko”, ibig sabihin,
may maitim na ulap sa tuktok ng bundok,
nangangahulugang may darating na ulan.
https://www.youtube.com/watch?v=Dy57MJJnZp8
• Mga senyas ito kung dapat silang magtanim ng
palay o madaliin ang paggapas ng palay.
• Sang-ayon sa alamat, tinawag siyang “Sinukuan”
dahil sumusuko sa kanya ang mga nanligaw na
engkantadong nilikha.
Modyul 5: PANITIKAN NG LUZON Rehiyon III (Central Luzon)
• Isa ang Kudaman sa umaabot na animnapong (60)
Kudaman tultul o epikong-bayan ng pangkating Palawan na
(Epiko ng Palawan) nakolekta ni Nicole Revel-MacDonald
pagkatapos ng dalawampong (20) taon ng
pananaliksik mula ng 1970.
• Ang saliksik ni Revel-MacDonald ay patunay na
napakayamang panitikang-bayan ng Pilipinas.
• Ang bayaning si Kudaman ay datu ng Kapatagan,
may putong na kalapati at may tahanang naliligid
ng liwanag. May sasakyan siyang malaki’t
mahiwagang ibon, si Linggisan , na isang kulay
lilang bakaw, na nagdadala sa kaniya sa iba’t
ibang lupain at pakikipagsapalaran. Tuwing aalis
siya, iniiwan niya sa mga asawa ang isang
bulaklak ng balanoy na kapag nalanta ay sagisag
ng kanyang kasawian.

Modyul 5: PANITIKAN NG LUZON Rehiyon IV-B (MIMAROPA)


Isa sa mga epikong-bayan ng Palawan hinggil sa
Manimimbin binatang si Manimimbim na naglakbay sa
(Epiko ng Palawan) paghahanap ng asawa. Nakatagpo siya ng isang
babae na iniibig niya ngunit tumutol sa kaniyang
panunuyo. May kapatid ang babae, si Labit na
naging kaibigan ng Manimimbin. Sa pagpapatuloy ng
kuwento, nag-away sina Manimimbin at Lambit.
Dahil kapwa may mahiwagang kapangyarihan,
tumagal ang kanilang paglalaban at walang manalo.
Naisip nilang lumipad sa langit at humanap ng
tagapamagitan. Natagpuan nila ang kulog at bumalik
sila sa lupa. Sa ikalawang paglalakbay ni
Manimimbin at sa tulong ng mga mahiwagang ibon
at ang binibini ng mga isda, nagwakas ang epikong-
bayan sa sabay na pag-iisang dibdib nina
Manimimbin at Labit. Nakasal si Manimimbin sa
kapatid ni Labit at si Labit ay sa kapatid
Manimimbin.
Modyul 5: PANITIKAN NG LUZON Rehiyon IV-B (MIMAROPA)
Ibalon Ang Ibalon ay nakamihasnan na sa mga
(Epiko ng Bicol) salaysay ng pakikipagsapalaran ng mga
bayaning sina Baltog, at Handiong.
Pinaniniwalaan isang sinauna’t mitolohikong
salaysay ito ng mga Bicolano. Gayunman,
pinagdududang epikong-bayan ito dahil sa
kasalukuyang napakaikling anyon nito (240
taludtod) at nakasulat sa wikang Espanyol.
Bahagi ang naturang teksto ng libro ni Padre
Jose Castaño, isang paring nadestino sa Bikol.
May makatang nagsalin ng sulatin sa Bikol
ngunit walang nakatuklas hanggang ngayon ng
kahit isang orihinal na saknong nito sa wika ng
mga Bikolano. May tumatawag ding Ibalon sa
Kabikulan.
https://www.goodreads.com/book/show/4022259-ibalong

Modyul 5: PANITIKAN NG LUZON Rehiyon V (BICOL REGION)


Supplementary Learning Materials
Biag ni Lam-ang- https://www.youtube.com/watch?v=XZwsXifwQik
Hudhud- https://youtu.be/qDImhwTKMOk
Ibalon- https://www.youtube.com/watch?v=9nvvaRKsaE8
Kudaman- https://proudpinoy.ph/epiko/kudaman-summary-o-buod-
author-characters-plot-and-setting/
Manang Biday- https://youtu.be/Nc2cLyZmEJA
Manimimbin- https://proudpinoy.ph/tag/plot-o-banghay-ng-manimimbin/
Mariang Sinukuan- https://www.youtube.com/watch?v=Dy57MJJnZp8

Modyul 5: PANITIKAN NG LUZON FILI101: Panitikang Filipino


Sanggunian
Lam-Ang: Hero of the epic Biag ni Lam-Ang of the Ilocano, CCP
Encyclopedia of Philippine Art: Philippine Literature, Volume 9 (Cultural
Center of the Philippines, 1994) retrieved from
https://philippineculturaleducation.com.ph/lam-ang-hero-of-the-epic-
biag-ni-lam-ang-of-the-ilocano/

Garcia, E.M. & Ramboyong, R.T.G. (2021). Panitikang Filipino. Lucena City

Modyul 5: PANITIKAN NG LUZON FILI101: Panitikang Filipino


Maraming Salamat
sa pakikinig!

BENEDICT Q. TORDILLOS
Instraktor, Kolehiyo ng Sining at Agham

You might also like