You are on page 1of 3

Department of Education

Region IX, Zamboanga Peninsula


Division of City Schools
AYALA NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
Ayala, Zone 6, Zamboanga City

REVIEWER SA FILIPINO (KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT


KULTURANG FILIPINO)
Inihanda ni : G. Jerome J.B. B. Estrada
Guro sa Filipino

 Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura
 Pitong (7) Katangian ng Wika
1. Masistemang balangkas
I. Titik/Letra
II. Salita
III. Pangungusap
IV. Talata
2. Sinasalitang tunog
3. Pinipili at isinasaayos – upang maging malinaw ang mensahe
4. Arbitraryo – ang bawat salita ay pinagkakasunduan ng mga tao
5. Ginagamit – upang manatiling buhay ang wika
6. Nakabatay sa kultura – walang wika kung walang kultura
7. Dinamiko – nagbabago sa paglipas ng panahon
 Diyalekto – varayti ng wika na nagdudulot ng pagkakaiba sa bigkas, tono o accent
 Wika – masaklaw na termino na ginagamit ng iba‟t ibang lahi o pangkat
 Bernakular – wikang panrehiyon
 2 Sitwasyong Pangwika
1. Homogenous – lugar o bansa na may iisang wikang sinasalita
2. Heterogenous - lugar o bansa na may dalawa o higit pang wikang sinasalita
 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Ito ay nakasaad sa Artikulo XIV Seksiyon 6 ng
1987 Konstitusyon.
 Ang mga wikang opisyal naman ng Pilipinas ay Filipino at Ingles. Ito ay nakasaad sa Artikulo
XIV Seksiyon 7 ng 1987 Konstitusyon.
 Sa panunungkulan ni dating Pangulong Corazon Aquino naisulat sa konstitusyon na ang
pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino.
 Lingua Franca – wikang nagsisilbing tulay ng komunikasyon
 Patakarang Bilingwalismo – Paggamit ng 2 wika sa pagtuturo
 Patakarang Multilingwalismo – Paggamit ng higit sa 2 wika sa pagtuturo
 Ipinatutupad ang paggamit ng Mother Tongue-Based Multilingual Education sa Kindergarten
patungong Grade 3.
 Unang Wika – wikang unang natutuhan sa tahanan, tinatawag din na “inang wika”
 Pangalawang Wika – wikang natutuhan matapos niyang matutuhan ang unang wika.
 7 Gamit/Tungkulin ng Wika ayon kay M. A. K. Halliday
1. Instrumental – pagtatanong, panghihikayat
2. Interaksyunal – pakikipag-ugnayan sa kapwa (pormal o „di pormal ang usapan, biruan
man o seryoso)
3. Regulatori – pagkontrol sa ugali o aksyon ng ibang tao
4. Personal – paglalahad ng sariling opinyon, pagpapahalaga sa panitikan
5. Imahinatibo – gumagana ang pagkamalikhain ng isipan
6. Heuristiko – pagkuha o paghahanap ng impormasyon
7. Impormatibo – pagbibigay ng impormasyon
 3 Instrumento ng Wika – batay sa Speech Act ni John Austin
1. Lokusyonaryo – literal na kahulugan ng pahayag
2. Ilokusyonaryo - kahulugan ng mensahe batay sa kontekstong pinagmumulan ng
nakikinig at tumatanggap nito.
3. Perlokusyonaryo - epektong aksiyon matapos marinig ang mensahe.
 Biglaang pinalakas ng dating Pangulong Marcos ang paggamit ng iba‟t ibang wika sa
Pilipinas dahil nakita ng SWP sa kaniyang panahon na hindi na sapat ang Tagalog upang
magrepresenta sa buong bansa
 Tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa" si Pangulong Manuel Quezon dahil sa panahon niya
naisulong na magkaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas.
 Kasaysayan ng Wikang Pambansa
1. Panahon ng Katutubo
o May sarili ng panitikan ang ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga
Kastila sa ating kapuluan.
o Ginamit nila sa pagsulat ang mga tinulisang bato at kahoy samantalang mga
balat at dahon naman ang naging sulatan nila.
2. Panahon ng Kastila
o Layuning magpalaganap ng Kristiyanismo
o Maliban dito, layunin din nilang magpayaman at magpalakas ng
kapangyarihan.
o Pinalitan ang pananampalatayang pagano
o Ang mga espanyol mismo ang nag-aral ng ating wika
3. Panahon ng Rebolusyong Pilipino
o Propaganda – ginamit ang kakayahan sa pagsusulat upang ilanta ang
mapang-abusong sistema sa panahon ng mga Amerikano.
o Himagsikan – gumamit ng dahas upang isulong ang karapatan at kalayaan ng
mga Pilipino
4. Panahon ng Amerikano
o Nagtapos sa pagpapalit ng isang panginoon sa ibang panginoon.
o Dumami ang nailimbag na panitikan bunga ng kalayaan sa pamamahayag, sa
salita, sa relihiyon, at sa mga samahan.
o Lumitaw ang makatotohanang panitikan
o Pagkatatag ng Pambansang Wika
5. Panahon ng Hapones
o Gintong Panahon ng Panitikang Filipino
o Ipinagbawal ang pagsulat gamit ang Wikang Ingles
o Ordinansa Militar Blg. 13 – nag-uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at
Nihonggo.
o Isinilang ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas)
6. Panahon ng Pagsasarili
o Tagalog (1937)
o Pilipino (1959)
o Filipino (1987)

“Grades, good or bad, don’t define you, but you need good grades because they’ll grant you
opportunities, bad grades cannot.” – Mike Ssendikwanawa

You might also like