You are on page 1of 2

BANGHAY-ARALIN Sa Filipino 9

9-D (Batch 1)
Ika-1 ng Pebrero,2023

I. Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga anyo at kahulugan ng matatalinghagang pahayag.
2. Naibibigay at natutukoy ang pagkakaiba ng mga anyo ng matatalinghagang pahayag.
3. Nakasasagot ng mga gawaing tungkol sa natalakay na anyo ng mga pahayag..

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Mga Matatalinghagang Pahayag
Sanggunian: Ayonayon, Anabelle P. "Parabula", Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9,Ikatlong
Markahan,Unang linggo. pahina 8-10.
Kagamitan: Modyul sa Filipino 9, isang buong papel, Kagamitan pampagtuturo (manila paper) ,
sipi ng tula para sa mga mag-aaral

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a. Pagbati sa mga mag-aaral
b. Pagtatala ng mga mag-aaral na lumiban at nahuli
c. Pagbabalik-aral tungkol sa nakaraang aralin na parabula

B. Paglinang ng Gawain
a. Pagganyak
- Babasahin ang tulang " Bansang Maunlad, Tanging Pangarap " at sasagutin ng klase ang mga
katanungan.

C. Pagtalakay
a. Paglalahad
- Tatalakayin ng guro at mga mag-aaral ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag at mga anyo
nito.
b.Paglalapat
- Magbibigay ang guro ng mga halimbawa idyoma at bibigyang mga mag-aaral ng
pagpapakahulugan.
1. "kaaway ng liwanag"
2. "magbatak ng buto"
3. "magdildil ng asin"
c. Paglalahat
- Ibubuod ng mga pipiliing mag-aaral ang natalakay na aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga katanungan ng guro.

IV. Pagtataya
* Pangkatang gawain
Pagsasanay 1
PANUTO: Ipaliwanag ang kahulugan ng mga nasalungguhitang matatalinghagang pahayag .
Isulat ito sa kalahating papel.
1. Ang Pilipinas ay lupang ligaya.
2. Hangad ng ating bansa ay marating ang ulap.
3. Itinuturing na lundo ng ating pangarap ang pagtatamong pambansang kaunlaran.
4. Mahahango sa hirap kung may pagkakaisa ang mga mamayan ng bansa.
5. Malambing na waring nota ang pangalan ng ating bansa.

Pagsasanay 2
PANUTO: Gamitin sa wastong pangungusap ang mga halimabwa ng matatalinghagang pahayag.
1. di mahulugang karayom
2. anghel ng tahanan
3. kilos pagong
4. ningas-kugon
5. magdilang anghel
V. TAKDANG ARALIN
PANUTO: Bumuo ng 10 pangungusap na ginagamitan ng mga matatalinghagang pahayag .
Salungguhitan ang mga matatalinghagang salitang ginamit at ibigay ang kahulugan. Isulat sa
kalahating papel. Dalawang puntos sa bawat tamang pangungusap.

Inihanda ni:
CLEOFELYN P. BESTRE
GurongMag-aaral

Binigyang-puna at Minasid ni:


JESSICA L. LARUAN
Guro sa Filipino 9

You might also like