You are on page 1of 24

11

Filipino
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik
Modyul 7: PAGSULAT NG REAKSIYON
Filipino – Baitang 11
Kwarter 1 – Modyul 7: Pagsulat ng Reaksiyon

Isinasaad ng Batas Republika 8293, sekyon 176 na “Walang aangkin ng


karapatang-ari ng anumang akda na gawa ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay gagamitin upang pagkakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang karapatang-ari ng mga hiniram na kagamitan (tulad ng awit, kuwento, tula,


larawan, ngalan ng produkto, tatak atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay taglay ng may-akda
at ng tagapaglathala nito. Ginawa ang lahat ng paraan upang mahanap at makuha ang
pahintulot ng nagmamay-ari na magamit ang mga nabanggit na kagamitan. Hindi
kinakatawan maging inaangkin ng tagapaglathala at ng mga may-akda ang karapatang-ari
sa mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Dorothy H. Gabion


Editor: Maria Ana B. Gojar Emma D. Gonzales
Imelda G. Narvadez Darryl R. Orenciada
Mary Ann Rimpola
Tagasuri: Nora J. Laguda
Sharon A. Vito
Tagaguit: Jotham D. Balonzo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Hannah Deyto; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-
pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa
mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano
gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na
ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga
gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala,
kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka
habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Reaksyon Mo, Isulat Mo

Panimula:

Kaibigan, kumusta ka! Maraming nangyayari sa ating


kapaligiran sa kasalukuyan. Anong masasabi mo tungkol dito?
Halika, sa modyul na ito, tuturuan kitang ipahayag ang
iyong sariling reaksiyon. Sa gawaing ito, matututunan mo ang iba’t ibang uri ng
mabisang pagpapahayag ang kabisaan nito at ang pagsulat ng reaksyon mula sa
binasang teksto.

O, halika na, mag-aral na tayo, now na?

Sa modyul na ito, inaasahang


nagagamit mo ang mabisang paraan ng
pagpapahayag sa kalinawan, kaugnayan at
bisa sa reaksyong papel na isinulat.

Layunin

1
Ito ang mga bagong salita na dapat mong kilalanin
para sa araling ito.

Basahin natin
Talasalitaan

•ito ay pagbabahagi ng saloobin,maaaring ito ay nasa anyong pasalita o


pasulat.
PAGPAPAHAYAG

•ito ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring


magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo ilustrasyon
ng isang tao sa launing maipahayag ang nasa kanyang isipan. Sauco
PAGSULAT
et.al 1998.

•tumutukoy sa wastong gamit ng mga salita sa isang pahayag, gayundin


ang angkop na pagkakabuo ng mga pangungusap. course.hero.com
KALINAWAN

•ito ay pagbabahagi ng saloobin,maaaring ito ay nasa anyong pasalita o


pasulat.
KAUGNAYAN

•ito ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring


magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo ilustrasyon
ng isang tao sa launing maipahayag ang nasa kanyang isipan. Sauco et.al
BISA
1998.

•tumutukoy sa wastong gamit ng mga salita sa isang pahayag, gayundin


ang angkop na pagkakabuo ng mga pangungusap. course.hero.com
REAKSYON

•ito ay ang paglalahad ngmakatarungan, patas o balanseng paghuhusga


sa mga sitwasyong may kinalaman sa mga tao, bagay, pook, at mga
REAKSYONG
PAPEL
pangyayari. coursehero.com

2
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin,
subukin mo nga?

Panimulang Gawain

Pak-Ganern!
Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang PAK kung wasto ang
ipinababatid ng pahayag at GANERN naman kung hindi.

________1. Sa pamamagitan ng pagpapahayag ay nagiging ganap ang pagkatuto


ng isang tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataong makatuklas ng isang kaisipan
buhat sa kanyang nabasa o napakinggang pahayag.
________2. Ang pagbibigay ng reaksyon ay maaaring bunga ng mga kaalaman
natin sa iba’t ibang kaasalan, gawi, at tradisyon.
________3. Sa pamamagitan ng kaugnayan hindi magiging tuloy-tuloy ang daloy ng
diwa ng pagpapahayag.
________4. Ang lahat ng ipinapahayag ay maaaring walang pinagbatayang
katotohanan.
________5. Nararapat lamang na gumamit ng mga salitang may tiyak na kahulugan
nang hindi makapagbigay ng ibang kahulugan.

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 18. ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

3
Paano nga ba ang pagpapahayag?
Paano ito makatutulong sa kalinawan, kaugnayan, at
bisa ng binasang teksto?
Paano ang pagbibigay ng reaksyon sa binasa?

Halika, may inihanda akong aralin upang maging


madali saiyo ang pagpapahayag.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin at unawain mo:

-ito ay pagsasalin sa
-ito ay ang papel o sa anumang
pagbabahagi ng kasangkapang
PAGPAPAHAYAG

mga saloobin, maaaring magamit na


maaring ito ay nasa mapagsasalinan ng
anyong pasalita o mga nabuong salita,
pasulat. simbolo ilustrasyon ng
-nagiging ganap isang tao sa launing
ang pagkatuto ng maipahayag ang nasa
ng isang tao dahil kanyang isipan.
nabibigyan siya ng -ito ay isang paraan ng
pagkakataong
PAGSULAT
pagpapahayag ng isip
makatuklas ng at damdamin ng tao.
isang kaisipan ang mga bagay na
buhat sa kanyang hindi kayang sabihin
pakikinig sa nang pasalita ay
pahayag ng iba. ipinapahayag sa
pamamagitan ng
pagsulat.

Sa madaling sabi, ang pagpapahayag na pasulat ay pagpapalitan ng


makahulugang kuro-kuro kaugnay sa paksa. Hangarin din nito ang mag-ulat
ng mga pangyayari.
Mayroong dalawang bagay na nilalaman sa pagpapahayag na pasulat,
ang paksa at anyo.
Ang paksa ay ideya o kaisipan na tinatalakay sa kabuuan ng teksto.
Ang anyo ay mga alituntunin o patakaran sa pagsulat na nagsisilbing gabay
ng sinumang manunulat.

4
Bilang personal na reaksyon
Bilang reaksyon bunga ng
o ekspresyon at pagbibigay
kaalaman natin sa iba't ibang
din ng kahulugan ukol sa
kaasalan, gawi at tradisyon.
isang paksa.

Bakit tayo
nagsusulat?
Para sa ninanais na
Magkaroon ng layuning
panlipunang pagbabago, sa
behavioral at functional na
mga paksa hinggil sa isyu sa
nangangailangan ng
lipunan, ekonomiya, at
masusing pagsisiyasat.
politika.

Sa pagsulat, alam kong alam mo na ang sulatin ay may talong bahagi,


balikan natin ito.

Panimula o Katawan o Gitna Wakas


Introduksyon
Itinuturing na Pinakamahabang Tinatawag itong
mukha ng sulatin bahagi ng sulatin kalakasan sa
ang bahaging ito. bahaging ito
nagaganap ang
kakintalan .
Nagsisilbi itong Dito ipinaliliwanag
batayan ng Dapat kapulutan
ng manunulat ang ng aral matapos
mambabasa kung kahulugan ng
itutuloy ba o hindi ang pagbabasa.
kanyang pahayag
ang pagbabasa. na inilahad sa
simula.

Ano-ano ang mabisang paraan ng


pagpapahayag?

5
May tatlong mabisang paraan ng pagpapahayag, ang kalinawan,kaugnayan
at bisa. Bawat paraan ay may malaking gampanin upang makapagbigay ng isang
makabuluhang reaksyon sa isang teksto.

Mahahalagang Kaalaman!

KALINAWAN
• Ito ay tumutukoy sa wastong gamit ng mga salita sa isang pahayag,
gayundin ang angkop na pagkakabuo ng mga pangugusap.
• Nagiging malinaw ang mga pahayag kung ang salitang ginagamit ay
angkop para sa kontekstong nakapaloob sa pahayag.
• Iwasang maging maligoy upang hindi magbigay ng kalituhan ang pahayag
na inilalahad.
• Gumamit ng mga salitang may tiyak na kahulugan nang hindi
makapagbigay ng ibang kahulugan.
• Ang mga salitang gagamitin ay nararapat na may pagkakaugnay-ugnay
(pambalarila at panretorika).
• Nararapat na wasto ang pagbaybay kung ito’y pasulat at pagbigkas kung
ito’y pasalita.

KAUGNAYAN
• Ang wastong pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ay nakatutulong upang
maging maayos ang pagpapahayag.
• Maituturing na may ugnayan ang mga pangungusap sa anumang uri ng
pagpapahayag, kung mahusay ang pagkakahanay ng mga ideya o
pangyayaring tinatalakay.
• Sa pamamagitan nito, magiging tuloy-tuloy ang daloy ng diwa ng
pagpapahayag.

Halimbawa: Ang gamit at katuturan ng mga salita na magkasingkahulugan ay hindi dapat


ipagkamali sa isa’t isa.
A. Bumaba ng bahay ang mga bata (Mahina)
B. Nanaog ng bahay ang mga bata (Pinabuti)

6
BISA
• Ito ay tumutukoy sa bigat ng isang pahayag.
• Ipinalalagay na mabisa ang pahayag kung nagtataglay ito ng
sumusunod ma katangian—makatotohanan, nababakas ang katapatan,
binibigyang pagpapahalaga ang dignidad ng isang tao.

Tatlong bisa ang masusumpungang taglay ng mga akdang pampanitikan. Ang


mga ito ay ang bisang pangkaisipan, bisang pangkaasalan at bisang
pandamdamin.
1. Bisang Pangkaisipan- nagbubunsod ito upang tayo ay mag-isip nang may
kabuluhan upang yumabong at yumaman ang ating isipan. Nagiging kawili-
wili at kalugod-lugod ang mabuhay dahil sa bisang ito.
Hal.
Ang pag-ibig ay esensyal na pangangailangan ng bawat tao, anuman ang
edad at kasarian. (Uhaw ang Tigang na Lupa)
2. Bisang Pangkaasalan- ay nakatutulong sa paghubog ng pag-uugali. Ang
pagpapahalaga sa bisang ito ay pagkilala sa pagkaresponsable ng
indibidwal at sap ag-angat sa kaniyang kalagayan.
Hal.
Ang paghahangad ng sobra ay nagdudulot ng hindi maganda. Ang
pagpapakumbaba at pag-unawa sa nagawang kamalian ay nagbubunga ng
muling pagtanggap at pagkakaintindihan.( Kaunting dugo, Kaunting laman)
3. Bisang Pandamdamin- ito ay nagagawa sa pamamagitan ng: (1) pagpukaw
sa ating pandama; (2) alaala; (3) tuwirang pagpapahayag ng damdaming
nais ihatid.
Hal.
Personal kong paborito ang akdang ito. At aaminin kong sa tuwing
nababasa ko ang akdang ito ay nalulungkot pa rin ako, ngunit patuloy pa ring
nabubuhay sa akin ang kakaibang damdamin, ang damdamin ng PAG-IBIG.(Uhaw
ang Tigang na Lupa)

7
Mahalaga ang pagbibigay ng reaksyon sa anumang mga kaisipang
nabasa o narinig, upang mapalalawak ay mabibigyang-diin ang mga kaisipanhg
ipinapahayag sa anumang binabasa, maging ito’y sumasang-ayon o
sumasalungat, pumupuna o pumupuri

ANO ANG REAKSYON?

Ito ay ang damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon, pagsalungat,


pagkatuwa o pagkadismaya matapos makita, malaman, marinig o mapanood ang
isang bagay na may halaga sa isang organismo kagaya ng tao.

Ang hinuha sa binabasa ay tinatawag ding reaksyon. Ito rin ay paraang


intelektuwal na ang bumabasa ay nagpapasya sa kawastuhan at lohika ng binabasa
at emosyonal na ang bumabasa ay humahanga sa estilo at nilalaman ng nabasang
teksto.

Paano tayo nagsusulat o nagbibigay ng Reaksyon?

1. Sa mga bagay na naoobserbahan natin sa ating paigid, sa mga napanood


natin sa iba’t ibang uri ng media, maging sa mga taong nakakasalamuha
natin.
2. Kung minsan,nagiging paksa pa ito ng ating istatus sa mga social networking
site, o kaya naman ay naibabahagi natin sa ating mga kapamilya, kaibigan at
kakilala.
3. Maaaring bunga ng mga kaalaman natin sa iba’t ibang kaasalan, gawi at
tradisyon.
4. Para rin sa ninanais na panlipunang pagbabago, dahil binibigyang-diin sa
ganiting anggulo ang mga paksa hinggil sa isyu sa lipunan, ekonomiya at
politika.

PAGSULAT ng REAKSYONG PAPEL

Ang pagsulat ng reaksyong papel ay bahagi na ng mga gawain ng mga mag-aaral,


sapagkat ito ay mabisang gawain sa paglinang ng kanilang kakayahang magsuri ng
anumang materyales gaya ng teksto, pelikula, programang pantelebisyon, at dulang
pantanghalan.

8
Masasabing ang reaksyong papel ay isang paglalantad ng katotohanan,
sapagkat kailangang maging totoo sa pagbibigay ng opinyon ukol sa sinuri.

Ito ay ang paglalahad ng makatarungan , patas, o balanseng paghuhusga sa


mga sitwasyong may kinalaman sa mga tao, bagay, pook at mga pangyayari. Ayon
kay Unit (2003), ang pagsusuri ay hindi lamang nakatuon sa magagandang puntos
ng kung anumang sinusuri.

KATANGIAN

1. MALINAW- maituturing na malinaw kung ito ay agad na mauunawaan ng


mambabasa. Mahalagang gumamit ng mga salitang tiyak at tuwirang
maghahatid ng mensahe at nakaayos sa pamamaraang madaling
masusundan ng mambabasa.
2. TIYAK- Nararapat na ang nagsuri ay magagawang mapanindigan ang
kaniyang mga inilahad.
3. MAGKAKAUGNAY- sa anumang paglalahad, mahalaga ang maayos na
daloy ng kaisipan.
4. PAGBIBIGAY-DIIN- hindi kailangang matakpan ang pangunahing ideya.
Dapat mabigyang diin ang pangunahing kaisipang tuon ng paglalahad.

KAHALAGAHAN
• Nakikita ang kalakasan at kahinaan ng akdang sinuri
• Nabibigyang katwiran ang sariling reaksyon
• Nakikilala ang sariling pagkatao at sariling kakayahan sa pagbuo ng mga
kaisipan
• Namumulat ang kaisipan sa mga nangyayari sa lipunan.

TANDAAN!

Ang bawat tao ay may kalayaang magpahayag lalo na ng ating mga sariling
opinyon at reaksiyon.subalit palaging pag-isipang mabuti ang mga reaksiyong
isusulat kung ito ba ay makatutulong sa pagpapabuti ng ating sarili, pamilya
komunidad, bansa at daigdig.

9
Naunawaan mo kung ano
ang mga pamamaraan sa
isang mabisang
pagpapahayag?
Paano makatutulong ang
kalinawan sa mabisang
pagpapahayag?

Paano makatutulong ang


kalinawan sa mabisang
pagpapahayag?

Ano ang mga katangian at


kahalagahan ng reaksyong
papel?

Magaling! Natutunan mo na ang mga paraan ng mabisang pagpapahayag at


kung ano ang reaksyong papel. Maaari mo nang gawin ang sumusunod na mga
pagsasanay.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

10
Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Subukan mo!
Panuto: Basahin ang isang uri ng teksto.
Sagutan ang mga katanungan pagkatapos.
Isulat sa malinis na papel ang iyong Pagsasanay 1
kasagutan.

Bakit Mahalaga ang Edukasyon?


Lahat ng magulang ay pangarap ang mapagtapos ng pag-aaral ang kanilang
mga anak. Bakit nga ba?
Mahalaga ang edukasyon dahil ito ang ugat ng maginhawang buhay.
Pangunahing kwalipikasyon sa pag-aaplay ng trabaho ang tinapos na kurso.Kung
hindi tayo nakapag-aral ay mahihirapan tayong makahanap ng magandang
trabahong mayroong sapat na kita. Kung hindi sapat ang ating kinikita ay siguradong
hindi natin mabibili ang mga pangunahin nating pangangailangan. Ibig sabihin
lamang nito ay magiging mahirap ang kabuuan ng ating magiging pamumuhay sa
hinaharap.
Gaya ng lagi nating naririnig sa ating mga magulang na edukasyon lamang
ang kanilang maipamamana sa atin. Ito ang dahilan kung bakit sila nagpapakahirap
magtrabaho para lamang mabigyan tayo ng pamanang ito. Ang kayamanang hindi
mananakaw ng kahit na sino mula sa nagmamay-ari nito.
1. Ang bahaging panimula sa talata ay
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Ang bahaging gitna ay
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Ang bahaging wakas ay
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

11
4. Ang kaugnayan ng paksa sa aking sarili ay
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
5. Napagtanto kong
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 18.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-
aralang muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa ang


isa pang gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman.

Ikonek Mo!
Panuto: Basahin ang buod ng
Geyluv ni Honorio Bartolome De
Dios. Sagutan ang mga Pagsasanay 2
sumusunod na katanungan.
Isulat sa kuwaderno ang iyong
sagot.

Buod ng Kwento (Geyluv)


Unang nakilala ni Mike si Benjie sa media party ng kumpanya nito.
Pagkatapos ng proyekto nila sa Zambales, sobrang naging malapit ang dalawa sa
isa’t isa. Minsan sila ay nag-iinuman, nanonood ng sine o kaya ay simpleng
kumakain lang sa labas. Isang beses, habang nasa bar, sinabihan ni Benjie si Mike
na mahal niya ito. Hindi sila halos nag-usap buong gabi pagkatapos noon. “Masakit

12
ang ma-reject. Lalo na’t nag-umpisa kayo bilang magkaibigan. Nasawi ka na sa pag-
ibig, guilty ka pa dahil you have just betrayed a dear friend and destroyed a beautiful
friendship.” Mataray na uri ng bakla si Benjie, dahil ayaw na niyang masaktan pang
muli. Ito rin ang dahilan kung bakit takot siyang makipagrelasyon. Sa panahong
naging malapit si Mike kay Benjie, katatapos lang nilang maghiwalay ng gerlpren na
si Carmi. Madalas magkasama sina Mike at Benjie. Naisipan nilang pareho na
tumira magkasama sa apartment ni Benjie upang mas maintindihan kung ano ba
talaga ang gusto nilang mangyari sa relasyon.

1. Anong kapakinabangan ang dulot ng mga miyembro ng LGBT community sa


bansa at komunidad natin?
___________________________________________________________
2. Base sa kuwento, nararapat lamang ba nating ibigay ang pagpapahalagang
nararapat sa isang tao na mga miyembro ng nasabing komunidad?
_____________________________________________________________
3. Kung sakaling ikaw ay may kapatid na miyembro ng LGBT matatanggap mo
ba siya? Bakit oo o bakit hindi? Pangatwiranan.
_____________________________________________________________
4. Sa kasalukuyang panahon, marami na ang mga miyembro ng LGBT, paano
silang nakatutulong sa ating bansa?
______________________________________________________________
5. Naniniwala ka bang ang mga miyembro ng LGBT ay may puwang sa sa kahit
na anong larangan? Ipaliwanag.
______________________________________________________________

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.


Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

13
Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga
gawain upang masagutan ang sumusunod na
pagsasanay.

Panuto: Gamit ang mga larawan sa ibaba.


Sumulat ng isang talata na nagbibigay ng
reaksyon batay sa ipinapakita ng larawan. Pagsasanay 3
Isulat sa kwaderno ang iyong kasagutan.

1.

3.

2.

5.

4.

www.TopFunology.com

Mga gabay na tanong sa pagbuo ng reaksyon.


1. Ano ang mga ideyang ipinakita sa larawan?
2. Paano mo ito iuugnay sa iyong:
a. Sarili

14
b. Pamilya
c. Komunidad
d. Bansa
e. Daigdig

Paalala: Bawat talata ay bubuuin ng limang pangungusap lamang.

Rubrik sa Pagsulat ng Reaksyon

Pamantayan 4 3 2 1
1. Maayos ang organisasyon ng pangungusap sa talata.
2. Bunga ng pananaliksik ang nilalaman ng reaksiyon.
3. Wastong gamit ng mga salia/ pahayag na ginamit sa pagsulat
nng reaksiyon
4. Nasunod ang batayang paksa na ginamit sa pagsulat ng
reaksiyon.
5. Naipakita ang kalinawan, kaugnayan at bisa ng
pagpapahayag sa reaksyong isinulat.
Kabuuan

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na


pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 19.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo


sa loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong kayang-
kaya mo ito. Huling pagsubok na lamang ito na kailangan mong
sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Pumili ng paksa na naaayon sa gusto mo. Ngayon ay


bubuo na kayo ng isang reaksyong papel. Gamiting gabay ang Rubrik sa ibaba
upang maging epektibo ang isusulat na reaksyon. Isulat sa isang short bondpaper
ang iyong reaksyon.
Mga Paksa:
1. Pagbabago ng Pasukan ng klase

15
2. Pagtanggap ng New normal na sitwasyon sa ating bansa
3. Vaccine sa Covid-19
4. Pagpapasara ng ABS-CBN
5. Mabagal na Internet Connection sa online learning
RUBRIK SA PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL

Mga Krayterya 10 8 6 4
Mahusay ang
pagkasunud- Maayos ang May lohikal na Hindi maayos
sunod ng ideya pagkasunud- organisasyon ang organisasyon
sa kabuuan ng sunod ng ideya sa ngunit hindi at walang
Organisasyon talata,mabisa talata,may masyadong panimula at
mag panimula at angkop na mabisa ang kongklusyon.
malakasang simula at panimula at
kongklusyon batay kongklusyon kongklusyon.
sa ebidensya.
Napakalalim na Mababaw at Napakababaw
makikita ang Malalim na hindi gaanong at walang pag-
pag-uugnay ng makikita ang makikita ang uugnay ang dati
Lalim ng
dating kaalaman dati at bagong pag-uugnayan ng at bagong
Repleksiyon
at karanasan sa kaalaman. dati at bagong kaalaman.
bagong kaalaman.
kaalaman.
Mapakahusay ang Kailangang
Mahusay dahil
paggamit ng wika, Maraming mali baguhin dahil
kakaunti lamang
walang mali sa sa grammar at halos lahat ng
Paggamit ng ang mali sa
grammar, baybay pangungusap ay
wika at grammar,
baybay, at gamit ganundin sa may mali sa
mekaniks baybay at gamit
ng bantas, may gamit ng bantas. grammar,baybay
ng bantas.
mayamang at gamit ng
bokabularyo. bantas.
Malinis ngunit Mahirap
Malinis at May kahirapang
hindi maayos basahin, hindi
maayos ang unawain ang
ang maayos at
Presentasyon pagkakasulat pagkakasulat ng
pagkakasulat ng malinis ang
ng talata mga
talata pagkakasulat ng
pangungusap.
talata
Ginamit ang sapat
Natapos at
na oras upang Natapos at
naisumite isang Naisumite ngunit
ihanda at naisumite sa
Pamamahala lingo hindi handa at
tapusin at takdang oras o
ng oras pagkatapos ng hindi tapos.
naibigay isang deadline.
deadline.
araw bago ang
deadline.

16
Sa wakas!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 19.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat  1 hindi nagawa


 2 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

Ang ganda ng aralin natin.


Ang dami kong natutuhan.
Na-enjoy ko rin ang mga
gawain at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto ko
pa ng karagdagang Gawain.
Tara magtulungan tayo!
Karagdagang Gawain
NAUNAWAAN MO…GAWIN MO!
Panuto: Magbigay ng reaksiyon sa isinaad ni William Faulkner tungkol sa halaga ng
paninindigan sa gitna ng kawalan ng karunungan. Sumasang-ayon ka ba sa sinabi
niya? Magsulat ng dalawang talatang reaksiyon batay sa iyong pagkakilala sa may
akda at pagkakaunawa ng sinabi niya.

“Huwag matakot na magsalita at manindigan para sa karapatan


at katotohanan laban sa kawalan ng hustisya, kasinungalingan at
kasakiman. Kung lahat ng tao sa buong daigdig ay gagawa nito,
mababago ang mundo”.
WILLIAM FAULKNER

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang


saya-saya ko at napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kaibigan!

17
18
Panimulang Gawain
1. PAK
2. PAK
3. GANERN
4. GANERN
5. PAK
Pagsasanay 1
1. Ang bahaging panimula ng talata at isang pagpapahayag tungkol sa
pangarap ng isang magulang na makapagtapos ang kanilang mga anak.
2. Ang bahaging gitna ay nagpapahayag ng kaugnayan sa kahalagahan ng
edukasyon sa realidad ng buhay.
3. Ang bahaging wakas ay paglalahad ng bisa at kalinawan na ang ating
mga magulang ay nagpapakahirap upang ang edukasyon ay ang ay
maibigay sa atin.
4. Subhetibo ang sagot
5. Napagtanto kong ang edukasyon ay kayamanang hindi mananakaw sa
atin ninuman.
Pagsasanay 2
1. Ang kapakinabangan ng LGBTQ community sa ating bansa at komunida
ay ang kontribusyon nila sa larangan ng sining, politika. Nakatutulong sila
sa mga kapwa nila LGBT na magkaroon ng identidad sa komunidad.
2. Base sa kwento nararapat na ibigay natin ang pagpapahalaga sa isang
miyembro ng LGBT dahil tao rin sila at hindi nila kasalanan ang pagkatao
nila.
3. Para saakin tatanggapin ko dahil kapatid ko siya.
4. Nakatutulong sila sa kahit na anong larangan mapa-showbiz, politika,
negosyo, sining at marami pang iba na nakakapagbigay ng popularidad sa
ating bansa.
Susi sa Pagwawasto
19
5. Naniniwala ako na ang LGBT community ay Malaki ang puwan sa kahit
anong larangan, dahil kayang kaya nila.
Pagsasanay 3
Subhetibo ang kasagutan
Panapos na Pagsubok
Gamitin ang rubric sa pagmamarka ng kanilang awtput.
Karagdagang Gawain
Subhetibo ang kasagutan
Sanggunian
Aklat

Dayag, Alma M. et.al. Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t


ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.Phoenix Publishing House.Inc. Lungsod ng
Quezon.
De Laza, Crizel S. 2016 Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Rex Book Store. Manila
Elektroniko
https://www.modules.arvicbabol.com
https://www.coursehero.com/u/file/43539072/COMPLETEdocx/?justUnlocked=1#doc
/qapinoyweekly.org
Larawan
www.TopFunology.com

20
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 1781288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like