You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

National Capital Region


Schools Division Office-MALABON CITY

MATHEMATICS 2
IKATLONG MARKAHAN

Petsa: MARCH 22, 2022 (MIYERKULES)

A. Content Standard:
 The learner demonstrates understanding unit of fractions.
B. Performance Standard
 The learner is able to recognize and represent unit fractions in various forms and
contexts.
C. Learning Competency:
 Visualizes, represents, and identifies unit fraction with denominators of 10 and
below.
I. Layunin
Mailarawan at makilala mo ang mga unit fraction na may denominator na 10 at pababa.
II. Paksang-Aralin
Paksa : Aralin 6
Unit Fractions with Denominators of 10 and Below

Sanggunian: MELCs, SLEMs at Internet (Youtube, Google at iba pa)


Kagamitan: Laptop, Power Point Presentation,
Show Me board, Marker

III. Panimulang Gawain


a. Panalangin
b. Setting of Standards
c. Balik-Aral

Panuto: Kilalanin ang unit fraction na ipinakikita ng larawan. Isulat ang tamang
sagot sa inyong “show me board”

d. Pagganyak

- Ipanood ang “Lets Learn Fraction” pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang napansin mo sa iyong napanuod?
2. Anu-ano ang mga salitang nabanggit sa video?
3. Anu-ano ang mga pagkaing naipakita sa video?

IV. PANLINANG NA GAWAIN

A. Mga Gawain
Pamagat: Ang Mansanas

Ang mansanas ay isa sa malusog at paboritong prutas sa lahat ng panahon. Isang


araw, nagkaroon si Jake ng isang piraso ng mansanas. Hiniwa niya ang mansanas sa
dalawang magkapantay na bahagi. Ibinigay niya ang isang bahagi kay James dahil
gusto niyang ibahagi ang kanyang mansanas sa kanyang kaibigan.

Anong bahagi ang natanggap ni James?

Ngayon, nandito na ang mansanas ni Jake. Hahatiin ko ang mansanas sa 2 pantay na


bahagi o hiwa. Kukulayan ko ang 1 bahagi para i-represent ang mansanas na binigay
ni Jake kay James.”

“Ngayon, magguguhit ka ng mansanas. Pagkatapos, hatiin ang mansanas sa 2 pantay


na bahagi. At kulayan ang isang bahagi nito.”

B. Pagtatalakay/Pagsusuri

- Ilang bahagi ang hiniwa ni Jake ng mansanas?


- Ilang hiwa ang natanggap ni James?
- Ano ang tawag sa bahaging nagsasaad ng kinuha o naka-shades?
- Ano ang tawag sa bahaging nagsasaad, kung gaano karaming mga pantay na bahagi
ang mayroon?

C. . Paglalahat ng Aralin

Muli, ano ang ating talakayan natin ngayon?"


"Ano ang tawag natin sa shaded part?"
"Ano ang tawag natin sa bilang ng mga bahagi na hinahati?"
“Ano ang unit Fraction?”
“Napakagaling! Bigyan ang iyong sarili ng isang Angel Clap!"

D. Paglalapat
(Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa 4 na grupo.)
(Ang bawat pangkat ay bibigyan ng sobre na may iba't ibang gawain na may kaugnayan
sa paksa. Bibigyan sila ng 5 minuto upang tapusin ang gawain.)
Para sa Pangkat 1: Para sa Pangkat 2:
Panuto: Isulat ang fraction ayon sa Panuto: Gumuhit ng linya upang tumugma
ipinakitang mga hugis. sa mga kalahating ibinigay mula sa titik A
hanggang sa titik B

Para sa Pangkat 3: Para sa Pangkat 4:


Panuto: Gumuhit ng linya upang tumugma Panuto: Sumulat ng isang fraction upang
sa fraction na ibinigay mula sa titik A ipakita kung gaano kalaki ang hugis ng
hanggang sa titik B. kulay.
E. Pagtataya

G. Karagdagang Gawain

Panuto: Ipakita ang sumusunod na unit fraction gamit ang pangkat ng mga bagay.
1. 1/8 4. 1/3
2. 1/7 5.1/6
3. 1/5
Submitted by: PATRICK P. ESQUIERRA
Teacher 1

Submitted to: MERCERLITA B. LIVIOCO


Master Teacher II

You might also like