You are on page 1of 4

Division of City Schools

HERMINIGILDO J ATIENZA ELEMENTARY SCHOOL


Port, Area Manila

Banghay Aralin sa Mathematics


Ikatlong Baitang
Ika-apat na Markahan

Mayo 17, 2021


1:00 na hapon (Lunes)

Aralin: Pagpapakita (Visualizing) ng Dissimilar Fractions

I. LAYUNIN
Sa loob ng 40 minuto ay inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral:

a. naipapakita ang dissimilar fractions


b. nakaguguhit ng dissimilar fractions
c. nakikibahagi at nakikiisa sa pangkatang Gawain

II. PAKSANG ARALIN

A. Kasanayan: Aralin 59
PAGPAPAKITA (VISUALIZING) NG DISSIMILAR
FRACTIONS
B. Pag-uugali: Pakikiisa at pakikisalamuha sa bawat pangkat.
C. Sanggunian: K to 12 CG M3NS-IIIc-72.6, Mathematics 3LM pahina 230-234
D. Kagamitan: Mga larawan, Story problem, Powerpoint presentation

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik- aral

Panuto: Ano ang tawag sa mga fractions na ito?

1.

2/5 3/5 4/5

2.

6/8
3/8 4/8

3.

1/7 3/7 4/7


Tanong:

Bakit ang mga ito tinawag na similar fractions?

2. Pagganyak

Story Problem

3. Pagmomodelo

Isang buo ½ ¼

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad

STORY PROBLEM
Ngayon, ay araw ng pagpapabakuna para sa COVID-19, kaya naman si
Aling Maria ay magpapabakuna. Nilaan niya ang kalahating araw ½ sa
pagpila at pagpapabakuna. Nabalitaan niya na mayroon pila para sa Baseco
Community Pantry. Nilaan naman niya ang sangkapat ¼ sa pagpila sa
pantry. Ang natirang sangkapat naman ay ¼ ay nilaaan niya sa pagluluto.

Tanong:

1. Ano- anong fractions ang nabanggit sa kuwento?

2. Paglalahat

DISSIMILAR FRACTIONS

½ ¼ nasa baba – Denominator

Ang fractions na may magkakatulad


na denominators ay tinatawag na
similar fractions.
Ang fractions na may magkakaibang
denominators ay tinatawag na dissimilar
fractions

3. Malayang Pagsasanay

Panuto: Isulat ang tamang Fraction.

IV. PAGTATAYA:

PANUTO: Lagyan ng ekis (×) ang bawat patlang kung ang pares ng fraction ay
dissimilar. Isulat ang sagot sa papel.

_______ 1. 3/8 5/8


_______ 2. 7/3 4/3

_______ 3. 2/3 3/2

_______ 4. 8/10 7/10

_______ 5. 3/6 3/7

V. TAKDANG – ARALIN

Panuto: Basahin ang story problem at sagutan.

Si Camille ay may 2 hugis bilog. Itinupi niya ang isa sa 4 na bahagi na

magkaka- sinlaki. Ang ikalawang bilog naman ay itinupi niya sa 8 bahagi na

magkakapareho rin ang laki. Kung kinulayan niya ang 3 bahagi ng unang bilog

at 3 bahagi naman sa ikalawang bilog, magkapareho pa ang bahaging

may kulay? Iguhit ang 2 fraction na nabuo ni Camille.

Inihanda ni :

JENIFER Z. OLFINDO T-I

You might also like