You are on page 1of 4

hay-Aralin sa Filipino 7

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. Masasagutan ng tama ng bawat mag-aaral ang mga tanong sa tinatalakay na kwentong-
bayan batay sa nakatakdang oras na ibinigay.
b. Ang bawat pangkat ay naisasagawa ng tama ang pangkatang gawain na batay sa
pamantayan na ibinigay.
c. Ang bawat mag-aaral ay nakasusulat ng isang sanaysay na naglalahad ng kahalagahan
ng Panitikan na makikita sa bidyo
Banghay-Aralin sa Filipino 10

I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakakikilala ng pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at Persia
(F10PN-IIIa-76);
b. Nabibigyang-puna ang mga pangyayari sa bidyung pinanood (F10PD-IIIa-74); at
c. Nakalalahok nang masigla sa talakayan.

II. Paksang-Aralin:
a. Pagkakaiba at Pagkakatulad ng Mitolohiya ng Africa at Persia
b. K to 12 Teacher’s guide in Filipino 10
c. Laptop, bidyu, papel

III. Pamamaraan:
a. Paunang Gawain:
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtsek ng attendans
 Pagtsek ng takdang-aralin
b. Rebyu
Pagbabalik tanaw
1. Ano ang huli nating nagpag-aralan?
2. Ano ang mitolohiya?
3. Magbigay ng halimbawa ng mitolohiya sa Pilipinas.
c. Pagganyak:
Gawain 1.
Magpapakita ang guro ng isang litrato ng bayabas at papaya.
Magtatanong siya kung ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang prutas
sa mga mag-aaral.

Gawain 2.
Magpapakita ang guro ng mga halimbawa ng diyos at diyosa galing sa
ibang bansa.
d. Pagsusuri:
1. Ano ang inyong naobserbahan sa aktibidad na ating ginawa?
2. Anong ginawa natin sa bayabas at papaya?
3. At ngayong araw, tatalakayin natin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
mitolohiya ng Africa at Persia.
e. Paghahalaw
1. Pagtatakda ng mga Layunin
2. Ipakikita ang mapa ng Asya at Africa at tutukuyin ang lokasyon ng mga
ito.

3. Ipakikita at tatalakayin ang kaibahan at pagkakatulad ng mitolohiyang


Africa at Persia.
4. Magpapakita ng isang bidyu ang guro tungkol sa pagkakaiba ng
mitolohiyang Africa at Persia.

f. Pagpapahalaga
1. Ang kultura ba ng isang bansa ay makikita rin sa mitolohiya nila?
2. Ano ang karaniwang tema ng mitolohiya ng Africa?
3. Ano ang kasalukuyang pangalan ng bansang Persia?
4. Ano naman ang karaniwang tema ng mitolohiya ng Persia?
5. Ano ang mga pagkakaiba ng mitolohiyang Africa at Persia?
6. Bakita mahalagang malaman natin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
mitolohiya ng dalawang bansa?
g. Paglalapat
Pag-isahin Natin!
Hahatiin ang klase sa 3 hanggang 4 na grupo. Magbibigay ang guro ng
isang papel sa bawat grupo na may Venn Diagram.Isusulat dito ng bawat grupo
ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at Persia.

IV. Ebalwasyon
Basahin at iayos ang mga lipon nang salita kung ito ba ay nabibilang sa bansang
Africa o Persia. Ilagay ang sagot sa kalahating papel.

1. Isa ito sa pitong kontinente sa mundo.


2. Ang kanilang mitolohiya ay mga tradisyunal na kwento na tumutukoy sa
kakaibang mga nilalang at kwento ng sinaunang pinagmulan.
3. Nakabase ang mitolohiya sa parusa at digmaan.
4. Ito ay binubuo ng malawak na mga disyerto kabilang ang Sahara Desert.
5. Ang mitolohiya ay kadalasang may temang unibersal.
6. Ang kanilang mitolohiya ay sinasabing nakapaloob sa relihiyong tinatawag na
Zoroastrianismo.
7. Naniniwala sila kay Inang Diyos na siyang may kontrol sa lahat.
8. Naniniwala sila sa kabilang daigdig at sa mga kaluluwa.
9. Puno ng nakakatakot na halimaw tulad ng Hadhoyosh, Manticor, at iba pa.
10. Kinikilala ito bilang bansang Iran sa kasalukuyan.

Sagot:
AFRICA PERSIA

1. Isa ito sa pitong kontinente sa mundo Ang kanilang mitolohiya ay mga


tradisyunal na kwento na tumutukoy sa
kakaibang mga nilalang at kwento ng
sinaunang pinagmulan
2. Ito ay binubuo ng malawak na mga Nakabase ang mitolohiya sa parusa at
disyerto kabilang ang Sahara Desert digmaan

3. Ang mitolohiya ay kadalasang may Puno ng nakakatakot na halimaw tulad ng


temang unibersal Hadhoyosh, Manticor, at iba pa

4. Naniniwala sila kay Inang Diyos na Kinikilala ito bilang bansang Iran sa
siyang may kontrol sa lahat kasalukuyan

5. Naniniwala sila sa kabilang daigdig at Ang kanilang mitolohiya ay sinasabing


sa mga kaluluwa nakapaloob sa relihiyong tinatawag na
Zoroastrianismo

V. Takdang-aralin
Hanapin at basahin ang mitolohiyang Liongno na galing sa bansang Kenya. Basahin
nang maigi at tandaan ang mga pangyayari sa kwento dahil ito ang susunod natin
na tatalakayin.

You might also like