You are on page 1of 8

7

Learning Activity Sheet sa


FILIPINO 7
Kuwarter 2 – Week 2- MELC 3
ANTAS NG WIKA

REHIYON VI- KANLURANG VISAYAS


FILIPINO 7
Learning Activity Sheet (LAS) Week 2 MELC 3: Antas ng Wika
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng
mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Filipino 7

Mga Manunulat: Fahrene S. Lazaro


Ma. Dolores B. De la Cruz
Jean Mary A. Barcibal
Phoebe G. Lumanog
Lujie Grace N. Abria
Editor: Geryl The A. Jaena
Schools Division Quality Assurance Team: Analie J. Lobaton
Geryl The A. Jaena
May P. Pascual
Division of CADIZ CITY Management Team: Ma. Lorlinie M. Ortillo, CESO VI
May P. Pascual
Analie J. Lobaton
Geryl The A. Jaena
Regional Management Team: Ma. Gemma M. Ledesma
Dr. Josilyn S. Solana
Dr. Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV
i
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!
Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng
sama-samang pagtutulungan ng Dibisyon ng Lungsod ng Cadiz sa ng Kagawaran ng
Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning
Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang
ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum
ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan
nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang
oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-
pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at
sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang
pagkatutokahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa
kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng
mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matulungan ka,
na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing
layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang
aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

ii
Kuwarter 2, Linggo 2

Learning Activity Sheet 2


Pangalan ng Mag-aaral: ____________________ Taon at Pangkat: ____________
Petsa: ______________

FILIPINO 7
Antas ng Wika

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA


Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginagamit sa pagsulat ng awiting-
bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal) F7WG-Iia-b-7

II. PANIMULA (SUSING KONSEPTO)


MGA ANTAS NG WIKA
Ang wika ay nahahati sa mga antas na ginagamit ng tao batay sa kaniyang pagkatao,
sa lipunang kaniyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong
dinadaluhan.
A. Pormal - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng
nakararami.
1. Pambansa o Karaniwan – Ito ang wikang sinasalita ng balana na tinatanggap sa
lipunan.
Halimbawa:
Maybahay sa halip na waswit
Ama at ina sa halip na erpat at ermat

2. Pampanitikan – Ito ay pinakamataas na antas ng wika. Ito ang ginagamit ng mga


makata at pantas sa kanilang pagsusulat. Kabilang dito ang matatalinghagang salita
at mga salitang nagbibigay ng pahiwatig, simbolismo at larawang diwa.
Halimbawa:
Ang bilugang pisngi’y may biloy na sa kaniyang pagngiti ay binubukalan mandin ng
pag-ibig.

B. Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang-araw-araw,


madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.

1. Balbal o Pabalbal – Ito ang wikang ginagamit sa lansangan. Ito ang


pinakamababang antas ng wika. Ang salitang balbal ay nabubuo sa pamamagitan ng
iba’t ibang paraan tulad ng pagkuha ng dalawang huling pantig ng salita, pagbaligtad
ng titik sa salita, pagkuha ng salitang Ingles at pagbibigay rito ng ibang kahulugan.

1
Halimbawa:
Amerikano- kano kabataan- bagets
tigasin – astig biro - charing
datung- pera guwardiya- sikyu

2. Kolokyal – Mataas lamang ito ng kaunti sa salitang balbal. Wikang sinasalita


ng pangkaraniwang tao ngunit bahagya lamang na tinatanggap sa lipunan. Madalas
na ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas ng ilang titik sa salita upang mapaikli o
mapagsama ang dalawang salita.
Halimbawa:
Pa’no- mula sa paano kelan- mula sa kailan
P’re mula sa pare meron mula sa mayroon

3. Lalawiganin – Ito’y wikang ginagamit sa isang rehiyon at sila lamang ang


nagkakaintindihan kung ang pagbabatayan ay wikang pambansa.
Halimbawa:
Ambot- mula sa salita Bisaya na ang ibig sabihin ay ewan
Kaon- mula sa salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay kain

III. MGA SANGGUNIAN


Mula sa Internet:
https://www.academia.edu/6001666/Antas_ng_Wika
http://philippinefolksongs.wordpress.com/category/folk-songs/

IV. MGA GAWAIN


PANUTO: Basahin at unawain ang mga gawain sa ibaba. Sagutin ito ng may pag –
unawa sa paksang binasa.
Gawain 1
Suriin ang barayti ng wikang ginamit ng bawat tauhan sa usapang naganap sa isang
family reunion. Kilalanin at isulat sa patlang kung ang nakadiin ay balbal, kolokyal,
lalawiganin, pambansa o pampanitikan.
___________Lola: Ang pagdating ninyo ay tila sobrang nagdulot sa akin ng
kaligayahan.

___________Lisa: Si Lola naman, so emotional!

___________ Rose: Let her be, Lisa. Time to shine ito ni Lola.

___________Tiya Gloria: O sige, kaon na mga bata. Magdasal na muna tayo.

___________Mark: Ang daming pagkain. Mabubusog ako nito!

2
___________Nanay: Sige, sige, kaon na para mabawi ang kapoy namin sa
paghahanda.

___________Lyn: Ipinakikilala ko ang syota kong AFAM.

___________Tiyo Mando: Naku, kelan ba naman ang pag-iisang dibdib?

___________Lolo: Basta laging tatandaan, mga apo, ang pag-aasawa’y hindi parang
kaning isusubo na maaaring iluwa kapag napaso.

___________Lola: Tama na ‘yan, kumain na tayong lahat.

Gawain 2
A. Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ang pinakamataas na antas ng wika. Ginagamit ng mga makata at pantas


sa kanilang pagsusulat. Kabilang dito ang matatalinghagang salita at mga
salitang nagbibigay ng pahiwatig, simbolismo at larawang diwa.

A. Karaniwan C. Balbal
B. Kolokyal D. Pampanitikan

2. Alin ang pangungusap na nagpapakita ng antas ng wika na nasa anyong


balbal?

A. Huwag mawawalan ng pag-asa dahil ang buhay ay parang gulong. Minsan


nasa itaas minsan nasa baba.
B. Dapat ay gora lamang sa lahat ng mga pagsubok sa life.
C. Ang mga taong may paniniwala sa Panginoon ay matatag sa buhay.
D. Wala sa nabangit

B. Tukuyin ang antas ng wikang binabanggit sa mga salitang may salungguhit


sa pangungusap. Piliin ang titik at isulat ang tamang sagot.

a. Balbal c. Lalawiganin e. Pampanitikan


b. Kolokyal d. Pambansa

_____3. Mainit ang panahon nitong mga nakaraang araw. Kaya naman nauuso
ang mga iba’t ibang uri ng sakit.

_____4. Dinedma si Ruel ng kaniyang kasintahan dahil sa naging away nila


kagabi.

_____5. Wapakels siya kung pag-usapan man siya ng ibang tao. Siya ay may
sariling diskarte sa buhay.

3
Gawain 3
Basahin ang liriko ng awiting bayan na Paruparong bukid. Tukuyin kung
anong antas ng wika ang ginamit para sa mga salitang may salungguhit sa mga
saknong ng awitin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Paruparong Bukid
Paruparong bukid na lilipad-lipad 1. ___________
Sa gitna ng daan papagapagaspas 2. ___________
Isang bara ang tapis 3. ___________
Isang dangkal ang manggas 4. ___________
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad 5. ___________

May payneta pa s’ya — uy! 6. ___________


May suklay pa man din — uy! 7. ___________
Nagwas de-ohetes ang palalabasin 8. ___________
Haharap sa altar at mananalamin 9. ___________
At saka lalakad nang pakendeng- kendeng. 10. __________

PANGWAKAS/ REPLEKSYON
Natutuhan ko sa araling ito na:
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4
5
Gawain 1
1. Pampanitikan 2. Balbal 3. Balbal 4. Lalawiganin 5. Pambansa 6.
Lalawiganin 7. Balbal 8. Kolokyal 9. Pampanitikan 10. Pambansa
Gawain 2
1. D 2.B. 3. D 4. A 5. C
Gawain 3
1. Pambansa
2. Pambansa
3. Pampanitikan
4. Pambansa
5. Pambansa
6. Kolokyal
7. Balbal
8. Pampanitikan
9. Pambansa
10. Pambansa
Susi sa Pagwawasto

You might also like