You are on page 1of 3

MODYUL 3: ARALIN 3

MGA URI NG TEKSTO (Impormatibo o Naglalahad)

ABSTRAKSIYON

Sa bawat sulok ng iyong ginagalawan ay mayroong pagpapaliwanag kung bakit ito naisakatuparan.
Sa bawat impormasyon na iyong natutuhan ay maaring magbigay pagbabago ito sa dati mong nalalaman.

TEKSTONG IMPORMATIBO

KAHULUGAN

Inilalahad sa impormatibong teksto ang mahahalagang impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa
upang madagdagan ang kaalaman ng mambabasa. Sa bahagi ng may-akda, siya ay nagbibigay ng bagong
impormasyon sa pamamagitan ng tekstong impormatibo. Ang mga ideya at detalye ay dapat na mailahad
nang maayos at may lohikal na pagkakasunod-sunod. Ang mga tekstong nababasa natin sa mga aklat at ilang
artikulo sa magasin o pahayagan ay ilan sa mga halimbawa ng tekstong impormatibo. Ang tekstong
impormatibo ay di-piksyon. Isinusulat ito sa layuning makapaghatid ng impormasyon sa mga mambabasa.
Maaari itong mabasa sa mga magasin, mga batayang aklat, aklat sanggunian. Ang ibang babasahin ay may
kasamang biswal na representasyon tulad ng mga talahanayan o grap upang maging mas madali ang pag-
unawa sa mga datos na isinasaad ng ganitong uri ng teksto.

LAYUNIN NG TEKSTONG IMPORMATIBO

- Maghatid ng kaalaman

- Magpaliwanag ng mga ideya

- Magbigay kahulugan sa mga ideya

- Maglatag ng mga panuto o direksiyon

- Ilarawan ang anumang bagay na ipinaliwanag at magturo

MGA SULATIN O AKDANG PAMPANITIKAN NA NAGLALAMAN NG TEKSTONG IMPORMATIBO

- Ensayklopidya, Almanak, dyornal

- Ulat, pananaliksik, artikulo, komentaryo

- Polyeto, suring-papel, sanaysay

- Mungkahing proyekto, balita

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO


Malaki ang naitutulong sa pag-unawa ng binasang teksto o materyales kung nalalaman ang kayarian
ng katha o ang hulwaran ng organisasyon. Tinutukoy nito kung paano nakaayos ang mga impormasyon sa
isang teksto. Madalas gumagamit ng isa o ilan sa sumussunod na hulwaran ng organisasyon ng tekstong
impormatibo:

Kahulugan, paghahambing, pag-iisa-isa, sanhi at bunga, pagsusuri, suliranin at kongklusyon. Kaugnay nito,
madalas na nagagamit kapag nagbabasa ng tekstong impormatibo ang kasanayan sa pagkilala ng
pagkakaiba ng opinyon at katotohanan at kasanayan sa pagbibigay ng interpretasyon ng mapa, tsart, grap,
at iba pang grapikong representasyon ng mga impormasyon. Halimbawa ng tekstong impormatibo.

HAIMBAWA NG TEKSTONG IMPORMATIBO

NOON O NGAYON

ni Nelson Guzman Jr.

Masusing tinitingnan ng mga magulang kung ano ang naiibang galaw na napapansin ngayon ng
karamihan. Ilan ay maganda ngunit karamihan nito ay hindi naangkop sa pagtingin ng iba.

Kabataan ang tinuturing na pag-asa ng ating bayan .Ang kabataan sa bansa ay magsisilbing susi sa
pag unlad ng ating minanmahal na bayan, ang tutularan ng mga susunod na henerasyon, ang mag babago
sa ating bayan, mag papatuloy sa mga nasimulan ng ating mga bayaning nagsikap na nagtaguyod sa
bansa.Ano na nga ba ang sitwasyon ng kabataan sa kasalukuyan?Tama pa nga ba ang sabi n gating bayaning
si Jose Rizal na sila ang pag-asa ng ating bayan?

Oo, kabataan ang pag-asa ng ating bayan ang salitang binitawan nuon pa’t nagsimulang sumulat ng
mga lathalain ang ating bayaning si Dr. Jose Rizal. Isa lamang yan sa mga salitang binitawan nuon ni Dr.
Jose Rizal. Mga salitang totoo at nagsasaad nga na ang kabataan ay dapat na ituwid at huwag pabayaan
nang marami ang inaagusang henerasyon at gawing modelo ang kabataan sa mga susunod na henerasyon.

Ayon kay Socrates " Children today are tyrants, they contradict their parents ,gobble their foods,and
tyrannize their teachers". Sinasaad sa impormasyon o mga salitang ito na ito na ang kabataan ngayon ay
kakaiba na at nakakabahala na ang ugali at kilos. Mga kabataang mga mapupusok,matatapang,walang takot
na nilang inihahayag at ipaskil ang kanilang katauhan katulad ng mga bata. Mga kabataang nadadawit na rin
sa mga iba't ibang krimenalidad katulad na lamang ng snatchers, batang hamog sa kalye,ginagamit narin ng
mga sindikato ang mga kabataan upang mag tulak ng droga at ang iba sa kanila at ang siyang na mumuno
narin sa mga krimeng nangyayari.

Maraming nag sasabi ibang iba na ang kabataan noon at ngayon napaka layo ng agwat. Sa bawat
pag bago ng henerasyon mga kabataan umiiba narin. Noon, hindi nakaka pag salita kung may pabalang sinabi
ng magulang sa mga kabataan. Mayroon silang respeto sa matatanda noon, ngayon ang mga kabataan hindi
na marunong rumespeto at marunong ng sumagot ng po at opo o mga salitang kagalang-galang. Siguro nga
dahil Ito sa moderno nating panahon na kung saan pati ugali ng mga kabataan ay na aapektuhan narin.
Masarap balikan ang noon kumpara ngayon. Noon mga kabataan mababait at masunurin, at ngayon matitigas
na ang ulo.

Ako'y kabilang sa mga kabataang unti-unti naring nilalamon ng makabagong teknolohiya at unti-unti
ng na aapektuhan ngunit alam kong hindi lang ako ang nakakaranas ng ganito kung hindi pati mga kapwa ko
kabataan.

Halaw mula sa isang sanaysay sa facebook.com/suwail.

You might also like