You are on page 1of 2

Mga Uri ng Pananaliksik

May iba’t ibang uri ng pananaliksik ayon sa layunin. Maaari itong mauri sa tatlong kategorya:
(1) basic, (2) action, at (3) applied na pananaliksik.

Basic ang tawag sa agarang nagagamit para sa layunin nito. Makakatulong din ang resulta nito
para makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral na sa
kasalukuyan.

Halimbawa ng basic research:

•Pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na inilalaan ng mga kabataan sa paggamit ng


Facebook sa kanilang pakikitungo sa mga tao sa kanilang paligid.

•Pananaliksik tungkol sa font na ginagamit ng mga vandals sa Metro Manila

•Pananaliksik tungkol sa katangian ng mga boy band na hinahangaan ng mga kabataan sa isang
barangay.

Action research ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikasyong problema


o masagot ang mga espesipikong problema o masagot ang mga espesipikong mga tanong ng isang
mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan. Ang resulta nito ay ginagamit ding batayan sa
pagpapabuti ng bagay na siyang paksa ng pananaliksik.

Halimbawa ng action research:

•Pananaliksik sa pinaka-epektibong bilang ng mga miyembro tuwing may pangkatang gawain ang
inyong klase sa Filipino upang masigurong ang lahat ay tumutulong o nakikibahagi at natututo sa
mga gawain

•Pananaliksik tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng mga eksta-kurikular na mga gawain ng mga


estudyante sa inyong paaralan sa kanilang academic performance

•Pananaliksik kung may epekto ba ang pagkakaroon ng part time job sa pagkatuto ng mga
estudyante sa ikalabing-isang baiting sa inyong paaralan.

Applied Research ay ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon

Halimbawa ng applied research:

•Pananaliksik kung paano nagaganap ang bullying sa isang paaralan

•Pananaliksik kung ano ang sanhi ng malaking achievement gap ng mga mag-aaral sa isang baitang
sa isang paaralan

•Pananaliksik kung bakit sumasali sa mga gang ang mga kabataan sa isang komunidad.
Mga Tip o Paalala sa Pagpili ng Paksa

9. •Ang paksa ay ang pangkalahatan o sentral na ideyang tinatalakay sa isang sulating pananaliksik.
Napakalaking bahagi sa pagkakaroon ng matagumpay na sulating pananaliksik. •Mahabang panahon
ang ginugugol sa pangangalap ng datos kaya naman makabubuting napag-isipang mabuti ang
paksang tatalakayin bago pa magkaroon ng pinal na desisyon.

10. •Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo. Mahaba at mabusisi ang proseso ng pagbuo
ng sulating pananaliksik. Kakain ito ng maraming oras mo at magiging mahalagang bahagi ng
sumusunod na mga araw, lingo, at buwan sa iyong buhay. Kaya naman, mahalagang gusto mo o
malapit sa iyong puso ang paksang pipiliin mo upang mapanatili ang interes at pagpupunyagi mong
matapos ang sinimulan mo gaano man ito kabusising gawin.

11. •Paksang marami kang nalalaman- May mga kabutihan ang pagpili ng paksang may malawak ka
nang kaalaman sapagkat batid mo na kung saan ka kukuha ng mga gamit na kakailanganin mo sa
pagbuo nito tulad ng mga aklat, datos, o mga taong eksperto sa nasabing paksa bago pa man
simulan ang pananaliksik.

12. •Paksang gusto mo pang higit na makilala o malaman- Madalas, may mga tao kang higit na gusto
pang makilala o mga bagay na hindi gaanong alam at gustong- gusto mo sanang higit pang malaman
o makilala.

13. •Paksang napapanahon- Maraming kabutihang maidudulot ang pagpili ng mga paksang
napapanahon. Magiging makabuluhan ang anumang magiging resulta ng iyong pananaliksik
sapagkat magagamit ito ng nakararami dahil angkop o tumutugma ito sa kasalukuyang
pangangailangan.

14. •Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho ng mapipiling paksa ng mga
kaibigan mo- Malaking bagay kung bago o naiiba ang mapipili mong paksa para maging kapaki-
pakinabang ang mga bagong kaalamang ilalahad mo mula sa iyong mga bagong matutuklasan sa
halip na pag-uulit lang sa kung anuman ang natuklasan ng ibang mananaliksik.

15. •May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon- Tulad ng naunang nabanggit, sa


pagbuo ng sulating pananaliksik ay hindi dapat sa aklatan at sa Internet lang mangalap ng kagamitan
at impormasyon.

16. •Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan- Gaano man kaganda ang paksang napili mo
kung hindi naman ito matatapos sa takdang panahon ay mawawalan din ng kabuluhan. Nararapat na
alam ng mananaliksik ang haba ng panahong nakalaan para sa kabuoan ng gawain at saka niya ito
hati-hatiin sa bawat bahagi upang matagumpay na matapos at maisumite ang gawain sa takdang
araw ng pagpasa.

You might also like