You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office
Camarines Norte
Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave camarines.norte@deped.gov.ph (054) 440-1772/(054) 440-4464
Daet, Camarines Norte DepEd Camarines Norte

Paaralan Basud National High Baitang 11


CODE: PPTTPG11S2W4D4
MASUSING school
BANGHAY- Guro MARIBETH A. Asignatura Pagbasa at
ARALIN ABANTO Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto
tungo sa
Pananaliksik
Petsa at Marso 29,2023 Markahan Ikatlo
Oras 8:15- 9:15

I. LAYUNIN
Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa
A. Pamantayang Pangnilalaman kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at
daigdig
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga
penomenang kultural at panlipunan sa bansa.
B. Pamantayan sa Pagganap
Nasusuri ang kalikasan, katangian at anyo ng
iba’t ibang teksto.
Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang
teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig
F11PB – IIIe – 99
Layunin:
1. Nasusuri ang tekstong binasa batay sa
kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad,
C. Mga Kasanayang
bansa, at daigdig.
Pampagkatuto/Layunin
2. Nakabubuo ng iba’t ibang presentasyon at
naiuugnay ang mga binasang teksto sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa, at daigdig.
3. Nakasusulat ng pagsusuri ng tekstong binasa
batay sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig.
II. PAKSA

Mga gabay sa Pagbasa at Pagsusuri ng mga teksto sa iba’t ibang Disiplina – Pagbasa
III. MGA KAGAMITAN
A. Sanggunian: LM ________; TX_______; LR portal ________
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo:
Internet, Laptop, Smart TV
https://prezi.com/k9t0rtwnzocf/filipino-presentation/
http://bacoor.gov.ph/announcement/heto-po-ang-ilang-mga-paalala-para-makaiwas-sa-dengue/
http://www.boybanat.com/2014/06/tagalog-fathers-day-quotes-and-sayings.html

IV. PAMAMARAAN

SDO Camarines Norte: Facilitating Dreams…,


Valuing Aspirations…”
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office
Camarines Norte
Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave camarines.norte@deped.gov.ph (054) 440-1772/(054) 440-4464
Daet, Camarines Norte DepEd Camarines Norte

A. Balik-aral at/o Panimula


Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang bago ang pahayag kung tama ito at ekis (x) naman
kung mali.

____1. Sa unang hakbang, kailangang hanapin ang mga palatandaan sa mga pamagat,
pagkilala o pasasalamat at iba pang mga bahagi ng teksto
____2. Sa ikalawang hakbang ay pagtuunan ng pansin ang paraan ng pagsulat at
presentasyon.
____3. Sa ikatlong hakbang ng pagbasa mahalagang tingnan ang kongklusyon sapagkat
naglalaman din ito ng kabuuan ng akda.
____4. Sa ikaapat na hakbang, hindi mo na kailangan pang magpokus sa sinasabi ng may-
akda,
B. Pangganyak
Panuto: Basahin at suriin ang tekstong binasa batay sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig.

SDO Camarines Norte: Facilitating Dreams…,


Valuing Aspirations…”
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office
Camarines Norte
Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave camarines.norte@deped.gov.ph (054) 440-1772/(054) 440-4464
Daet, Camarines Norte DepEd Camarines Norte

http://bacoor.gov.ph/announcement/heto-po-ang-ilang-mga-paalala-para-makaiwas-sa-dengue/
Tanong:
Ano ang nais iparating ng binasa?
C. Paglalahad ng Aralin
Hakbang sa Pagbasa

UNANG HAKBANG- Paraanan ng tingin ang kabuuan ng akda bago tuluyang basahin.
Subuking tukuyin ang layunin,nilalaman maging ang target na mambabasa ng teksto bago ito
simulang basahin ng buo. Hanapin ang mga palatandaan sa mga pamagat, pagkilala o
pasasalamat at iba pang mga bahagi ng teksto.
Gabay na tanong:
1) Sino ang sumulat ng teksto?
2) Sinong mga target na mambabasa ang nais kausapin ng teksto?
3) Tungkol saan ang artikulo?
4) Ano-anong mga babasahin ang ginamit na sanggunian?
IKALAWANG HAKBANG- tukuyin ang pangkalahatang layunin at estruktura ng teksto.
Pagkatapos masuri ang artikulo at ang kabuuan nito, simulan ang pagbasa. Tukuyin ang
layunin ng may-akda at tesis na pahayag. Tingnan din ang kongklusyon sapagkat naglalaman
din ito ng kabuuan ng akda.
Gabay na tanong:
1) Ano ang pangunahing kaisipan na nailahad ng may-akda?
2) Ano-ano ang mga katibayang ginamit ng may-akda?
3) Ano-ano ang mga limitasyong inilatag ng may-akda tungkol sa teksto?
4) Ano ang pananaw ng may-akda?
IKATLONG HAKBANG-basahing muli ang artikulo, ngunit sa pagkakataong ito ay pagtutuunan
ng pansin ang paraan ng pagsulat at presentasyon. Habang ikaw ay nagbabasa, huwag
lamang tumutok sa kung ano ang sinasabi ng may-akda, kundi sa kung paano ito sinabi ng
may-akda. Sa hakbang na ito masusukat ang katatagan at katotohanan ng pahayag sa
pamamagitan ng mga katibayang inilatag ng may-akda.
IKAAPAT NA HAKBANG- kritisismo at ebalwasyon ng teksto. Matapos mong tayahin ang
iyong personal na reaksyon, bumuo ng mas malalim na impresyon. Kailangan mo nang
magpokus sa sinasabi ng may-akda, pagsasaalang-alang sa mga mambabasa ng akda, at
bahagyang pagmumuni-muni sa nilalaman ng teksto.
Gabay na tanong:
1) Buo ba ang artikulo?
2) May katuturan at kabuluhan ba ito?
3) Ano ang pangunahing kahulugan at katuturan ng akda sa disiplinang kinabibilangan
nito?
4) Malinaw ba ang organisasyon?

Gagamit ng Powerpoint Presentation


D. Pagtalakay sa Aralin
Gawaing Pagpapaunawa
Pangkatang Gawain
Panuto: Basahin at suriin ang tekstong nasaliksik. Iugnay ito alinman sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig. Gamiting gabay ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba.

SDO Camarines Norte: Facilitating Dreams…,


Valuing Aspirations…”
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office
Camarines Norte
Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave camarines.norte@deped.gov.ph (054) 440-1772/(054) 440-4464
Daet, Camarines Norte DepEd Camarines Norte

Pangkat 1- Gawin ang presentasyon sa pamamagitan ng komersyal na may habang 1-2 minuto
Pangkat 2- Gawin ang presentasyon sa pamamagitan ng pagbabalita na may habang 2 minuto
Pangkat 3- Gawin ang presentasyon sa pamamagitan ng game show sa loob ng 2-3 minuto
Pangkat 4- Gawin ang presentasyon sa pamamagitan ng talk show sa loob ng 2-3 minuto
Pangkat 5- Gawin ang presentasyon sa pamamagitan ng role play sa loob ng 2-3 minuto
Tanong:
1. Ano ang paksa ng teksto?
2. Ano ang layunin ng may-akda?
3. Ano ang iyong naramdaman matapos itong basahin?
4. Iugnay ang kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa alinman sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig.
Pamantayan sa pagmamarka:

Kalinawan ng presentasyon 50
Kaisahan ng pangkat 20
Pagkamalikhain 10
Nakasunod sa oras 10
Kabuuan 100 puntos

E. Paglalagom
Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagbasa ng teksto?
F. Paglalapat
Mula sa iyong naging karanasan, Anong uri ng teksto ang iyong nabasa, na nag-iniwan ng
kakintalan sa iyong isipan ? Ipaliwanag.
G. Pagtataya
Panuto: Isulat sa kalahating bahagi ng papel. Magbigay ng iyong ideya tungkol sa mensahe ng
salawikain sa ibaba, maaaring iugnay ito alinman sa sarili, pamilya, komunidad,
bansa, at daigdig.

http://www.boybanat.com/2014/06/tagalog-fathers-day-quotes-and-sayings.html

Tanong:

SDO Camarines Norte: Facilitating Dreams…,


Valuing Aspirations…”
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office
Camarines Norte
Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave camarines.norte@deped.gov.ph (054) 440-1772/(054) 440-4464
Daet, Camarines Norte DepEd Camarines Norte

1. Ano ang nais ipahiwatig ng salawikain?


2. Ano ang iyong naramdaman matapos itong basahin?
3. May kaugnayan kaya ito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig? Ipaliwanag.

H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay


Magsalikisik ng halimbawang tekstong edukasyunal batay sa iyong interes na maaaring may
kaugnayan sa sarili,pamilya,komunidad,bansa at daigdig.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nagtamo ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga
gawaing pagpapahusay
(remedial)
C. Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
patuloy na
nangangailangan ng
pagpapahusay
(remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo ang
naging epektibo? Bakit?
F. Ano-ano ang aking naging
suliranin na maaaring
malutas sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
G. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit
/natuklasan ko na nais
kong ibahagi sa ibang
guro?

SDO Camarines Norte: Facilitating Dreams…,


Valuing Aspirations…”
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office
Camarines Norte
Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave camarines.norte@deped.gov.ph (054) 440-1772/(054) 440-4464
Daet, Camarines Norte DepEd Camarines Norte

MGA PAMAMARAAN MGA TALA / SUHESTYON /


REKOMENDASYON
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at/o pagsisimula
ng bagong aralin

B. Paghahabi sa layunin ng
aralin

C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan
#1
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan
#2
F. Paglinang ng
Kabihasaan
( tungo sa Formative
Assessment )

G. Paglalahat ng Aralin

H. Paglalapat ng aralin sa
pang-araw-araw na

SDO Camarines Norte: Facilitating Dreams…,


Valuing Aspirations…”
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office
Camarines Norte
Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave camarines.norte@deped.gov.ph (054) 440-1772/(054) 440-4464
Daet, Camarines Norte DepEd Camarines Norte

buhay

I. Pagtataya ng Aralin

J. Karagdagang Gawain
para sa takdang aralin at
remediation

Inihanda ni :

MAGGIE H. GARRIDO
Guro II

Iwinasto ni:

JOHN D. TERRIBLE
Asst. Principal II

SDO Camarines Norte: Facilitating Dreams…,


Valuing Aspirations…”

You might also like