You are on page 1of 3

Gayunpaman

Si Lorenzo ay isang mabait na bata. Masayang-masaya ito sa tuwing


nakakakita siya ng mga kapwa niya bata sa kanilang lugar.

Isang araw, umupo si Lorenzo sa tapat ng kanilang bintana. Kanyang


natanaw ang kaniyang mga kaibigang naghahabulan. “Lorenzo, bakit hindi ka
sumali sa laro ng iyong mga kaibigan?”, tanong ng kanyang Nanay Lourdes, “Inay,
nais ko rin po sanang sumali at magsaya kasama nila. Gayunpaman, wala naman
po akong mga paa para makipagtakbuhan sa kanila.”, malungkot na sagot ni
Lorenzo. Nang marinig ni Nanay Lourdes ang tugon ni Lorenzo, binuhat nito ang
bata at nagtungo ang mga ito sa likod ng kanilang bahay kung saan naroon ang
kanilang mga alagang hayop.

“Anu-anong mga hayop ang nakikita mo Lorenzo?”, tanong ni Nanay


Lourdes. “May mga ibon po Inay.”, wika ni Lorenzo. Walang mga kamay ang mga
ibon. Gayunpaman, mayroon naman itong mga pakpak. Dahil sa mga ito, may
kakayahan silang lumipad at pumunta sa iba’t-ibang lugar. Tumutulong din ang
mga ito upang maikalat ang mga buto ng mga kinain nilang mga prutas. Dahil dito,
dumarami ang mga halaman at puno sa paligid.”, paliwanag ni Nanay Lourdes.

Ngayon naman, ibinaling nila ang kanilang mga paningin sa lupa, “Mayroon
din tayong mga uod. Wala silang mga paa at kamay. Gayunpaman, Malaki ang
naitutulong ni;a upang maging mataba ang lupang pinatatamnan natin.”

Binigyan din nila ng pansin ang mga alaga nilang mga isdang tilapia.
Napansin ni Lorenzo na wala rin silang mga kamay at paa. Gayunpaman, kaya ng
mga itong lumangoy.
“Magkakaiba ang mga nilalang sa ating mundo, ngunit lahat naman tayo ay
nilikha ng Panginoon. Marami tayong pagkakaiba. Gayunpaman, lahat tayo ay may
mga sari-sariling mga kakayahan. Kahit ikaw Lorenzo! Kahit na may mga kulang o
wala sa iyo, mayroon karing natatanging kakayahan.”, nakangiting tugon ni Nanay
Lourdes kay Lorenzo.

Matapos mag-usap ang mag-ina, bumalik na ang mga ito sa loob ng kanilang
bahay nang mayroon silang narinig, “Lorenzo, maaari ba naming makita ang mga
guhit mong larawan?.” Ito pala ay ang mga kaibigan ni Lorenzong naghahabulan
kanina.

Mabilis naman dinala ni Lorenzo ang mga ito sa dingding kung saan
nakasabit ang kanyang mga obra.

Mula noon, hindi na naging malungkot si Lorenzo dahil sa kanyang


kalagayan. Gayundin, ipinagpatuloy pa nitong pagyamanin ang kanyang talento sa
pagguhit.

UNAWAIN AT SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD

1. Anong klase ng bata si Lorenzo?


2. Bakit malungkot si Lorenzo?
3. Paano binago ni Nanay Lourdes ang pananaw ni Lorenzo tungkol sa kanyang mga
kakulangan?
4. Ano ang iyong natutunan mula sa kwento?

You might also like