You are on page 1of 1

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa Basic Financial Literacy ng mga mag-aaral ng 11 ABM ay inaasahang
makatutulong ng malaki sa paglahad ng impormasyon sa mga sumusunod:

MGA MAG-AARAL
Ang maagang pagtuturo sa mga mag-aaral patungkol sa financial literacy ay malaking tulong kung paano
magiging masinop ang mga estudyante sa pag-manage ng kanilang mga pera.

Ang plano na isama sa curriculum ang financial literacy sa high school ay magiging kapaki-pakinabang  sa
long term na impact sa buhay ng mga kabataan upang maging responsable sa kanilang financial na
behavior sa pang-araw-araw na layunin.

Dahil matututunan nang maaga ng mga bata ang basic na money management patungkol sa budgeting,
saving, investing, pagbibigay, at higit sa lahat ay ang topic sa debt. Upang maiwasan din na mabaon sa
utang sa hinaharap. Ang maganda, malinaw, at maagang kaalaman ng financial literacy ay magsisilbing
matatag na pondasyon ng mga estudyante upang matutong magkaroon ng maayos na money habits.

Magsisilbi rin itong gabay sa mga kabataan na maiwasan ang mga pagkakamali ng kanilang mga
magulang na hindi na natututong humawak ng kanilang pera at budget ng pamilya na tiyak ay magiging
benepisyo rin sa ating ekonomiya para sa susunod na henerasyon.

Ang mga batang lumaki na may magandang edukasyon sa financial ay mas malamang na hindi ma-stuck
sa mga siklo ng utang, mas mahusay na handa para sa mga emerhensiya at may labis na ibigay sa
kawanggawa at suportahan ang kanilang mga komunidad.

MGA GURO
Ang financial literacy ay mahalaga para sa mga guro , ang pagkakaroon ng financial literacy ay
makakatulong sa kanila upang mas maging responsableng magpapatakbo ng kanilang personal
na pananalapi at mas maging epektibong tagapagturo ng mga aralin tungkol sa pinansyal na
edukasyon.

You might also like