You are on page 1of 8

DETALYADONG Baitang at GRADE 1 – CALLA

Paaralan: MIMBUNGA ELEM. SCHOOL LILY


BANGHAY Seksyon:
ARALIN SA Pangalan ng JUANALYN N.CALIB-OG
Araw:
GRADE 1 Guro: Teacher
Araw at
Markahan: IKALAWA
Petsa:
EDROSE B.ATINEN Learning
Punongguro: Filipino
School Principal Area:

I. MGA LAYUNIN
A. Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar,
hayop, bagay at pangyayari.
II. ARALIN PANGNGALAN
A. Sanggunian K-12 Filipino 1 Patnubay ng Guro (Q2)
B. Mga Kagamitan Laptop,powerpoint presentation monitor ng telebisyon, yeso at pisara, mga
larawan, Bluetooth speaker, activity charts, activity sheets, krayola,
construction paper at pandikit.
GAWAIN NG MGA MAG-
III. MGA GAWAIN GAWAIN NG GURO
AARAL
A. Panimulang Mga
Gawain Pagbati
Magandang umaga mga bata!
Magandang umaga din po,
Kamusta naman mga bata? Ayos lang Ma’am.
ba ang inyong pakiramdam ngayong
araw?

Atin ng simulan ang araw na ito sa Mabuti naman po, Ma’am.


pamamagitan ng isang panalangin, at
pag-eehersisyo. Hinihiling ko ang lahat
na tumayo.

(Ang mga bata ay tatayo upang


gawin ang mga sumusunond na
mga gawain bilang panimula.)

a. Pagdarasal gamit ang audio


visual presentation na
panimulang Panalangin
d. Pag-eehersisyo gamit ang
audio visual presentation”

B. Pagbabalik-aral Kahapon ay napag-aralan natin ang


pagtukoy sa kahulugan ng ugnayang
salita-larawan. Atin muling subukin
kung natatandaan pa ang mga ito.

Handa na ba mga bata?


Opo, Guro.
Sa harap ay may makikitang larawan.
Maaari nyo bang sabihin kung ano ang
ibig sabihin nito? Pumili ng letra sa
ibaba.
1.

A. Kumakaway
B. Nanghihingi
C. Nagpapaalam
Ang sagot po ay letrang B,
nanghihingi.
Tama ang inyong sagot! Ang nasa
larawan ay kamay na nanghihingi.

2.

A.
Tumatawa
B. Kumakanta
C. Umiiyak
Ang sagot po ay letrang C,
umiiyak.

Mahusay! Ang nasa larawan ay batang


umiiyak.

3.

A. Natutulog
B. Nag eehersisyo
C. Sumasayaw Ang sagot po ay letrang A,
natutulog.

Tama! Ang bata sa larawan ay


natutulog.

Mahusay mga bata! Mukhang inyong


natutunan at naalala ang ating mga
napag-aralan kahapon.
C. Paglalahad ng Bago tayo dumako sa susunod na
Bagong Aralin aralin, inyo munang tukuyin ang mga
nasa larawan.
Sabihin lamang kung ito ay:
a. Tao
b. Bagay
c. Hayop
d. Lugar
e. Pangyayari

1)

Tukuyin ang nasa larawan.


Ang nasa larawan ay isang Pulis,
ito ay tao.
Mahusay mga bata! Ang pulis ay isang
tao. Gayon din ang guro, estudyante,
ang inyong mga magulang, at marami
pang iba.

2)

Tukuyin ang nasa larawan.


Ang nasa larawan ay isang pusa,
ito ay hayop.
Tama ang inyong sagot! Ang pusa ay
isang hayop. Mayroon ba kayong
alagang pusa?
(Iba’t ibang tugon mula sa mag-
aaral)
Ano pa ang inyong alagang hayop?
(Iba’t ibang tugon mula sa mag-
aaral)
Nakakatuwa ang inyong mga alagang
hayop, mga bata.

3)

Tukuyin ang nasa larawan.


Ang nasa larawan ay mga
krayola, ito ay bagay.
Magaling! Ang krayola ay isang bagay.
Maaari ba kayong magbigay ng mga
bagay na makikita sa loob ng inyong
bag? (Iba’t ibang tugon mula sa mag-
aaral)

4)

Tukuyin ang nasa larawan.


Ang nasa larawan ay paaralan,
ito ay isang lugar.
Tama ang inyong sagot. Ang larawan
na ito ay paaralan. Dito pumapasok
ang mga mag-aaral upang matuto ng
mga bagong aralin, gaya ninyo. Maaari
ba kayong magbigay ng iba pang
halimbawa ng lugar?
(Iba’t ibang tugon mula sa mag-
aaral)

Mahusay mga bata. Tama ang inyong


mga sagot. Lahat ng iyon ay halimbawa
ng lugar.

At ang huling larawan..

5)

Tukuyin ang nasa larawan.


Ang nasa larawan ay birthday, ito
ay isang pangyayari.
Magaling! Ang nasa larawan ay isang
batang nagdiriwang ng kanyang
kaarawan. Ito ay isang napakasayang
pangyayari sa ating mga buhay.

Maaari ko bang malaman kung kalian


ang inyong kaarawan?
(Iba’t ibang tugon mula sa mag-
aaral)
Mahusay mga bata!

Ngayon, tayo’y makakapakinig ng isang


maikling pag-uusap ng isang guro at ng
kanyang estudyante.

Intindihin ito mabuti. Handa naba mga


bata?
Opo, Guro.
Titser Lisa:
“Jessa, halika magpunta tayo sa Orion
Plasa. Maghanda ka ng isang awit at
sasali ka sa patimpalak.”

Jessa:
“Sige po, titser Lisa. Pupunta po tayo
sa bayan ng Orion. Isasama natin ang
aso kong si Aki. Ang aking aawitin ay
“Sa Ugoy ng Duyan”.

Sa maikling pag-uusap na ito, sino ang


guro at mag-aaral na nag-usap?
Ang guro ay si titser Lisa, at ang
mag-aaral ay si Jessa.

Tama. Ito ay si titser Lisa at si Jessa.

Saang bayan at plasa sila pupunta?


Sila ay pupunta sa Orion Plasa.
Mahusay!

Ano ang pangalan ng aso ni Jessa?


Ang pangalan ng aso ni Jessa ay
Aki.
Tama! Ang pangalan ng aso ay si Aki.

Anong awit ang kanyang kakantahin sa


patimpalak?
Ang kanyang kakantahin ay “Sa
Ugoy ng Duyan”.
Tama ang inyong sagot!
Sa inyong harapan ay makikita ang
dalawang hanay.

Hanay A Hanay B
guro Titser Lisa
mag-aaral Jessa
aso Aki
plasa Orion Plasa
bayan Orion
awit Sa Ugoy ng
Duyan

Ang mga salita sa kahon ay


pangngalan. Ang nasa unang hanay ay
pambalana at nasa kaliwang hanay
naman ang pantangi.

Ano ang inyong napansing pagkakaiba


ng dalawang hanay?
Ang nasa unang hanay ay mga
pangngalang nagsisimula sa
maliit na titik, habang ang nasa
kaliwa naman ay pangngalang
nagsisimula sa malaking titik.
Mahusay mga bata!
Ang mga pangngalan sa kanan ay tiyak
na ngalan.

Ano ang tiyak na ngalan ng guro?


Titser Lisa.
Tama. At ito ay isang halimbawa ng
pangngalang pantangi. Maaari ba
kayong magbigay ng ilang pangngalang
pantangi ng isang tao?
(Iba’t ibang tugon mula sa mga
mag-aaral)
Mahusay. Ang iba pang halimbawa ng
pangngalang pambalana ay pulis,
estudyante, babae, doktor at marami
pang iba.

Ano ang tiyak na ngalan ng aso sa


kahon? Aki.

Tama ang inyong sagot. Maaari ba


kayong magbigay ng ilang pangngalang
pantangi ng hayop? (Iba’t ibang tugon mula sa mga
mag-aaral)

Magaling! Ano ang tiyak na ngalan ng


Orion.

(Iba’t ibang tugon mula sa mga


mag-aaral)

bayan sa kahon?

Tama! Maaari ba kayong magbigay ng


ilang pangngalang pantangi ng isang Sa Ugoy ng Duyan.
lugar? Saan ka nakatira?

Ang lahat ng nabanggit na lugar ay (Iba’t ibang tugon mula sa mga


IV. Paglalahat pangngalang pantangi. mag-aaral)

Ano ang tiyak na ngalan ng awitin sa


kahon?

Mahusay! Magbigay ng paborito mong


awitin.

Nakakatuwa ang inyong mga sagot!

Tandaan!
Ang Pangngalan ay nagsasaad sa
ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar at
mga pangyayari.

Ito ay may dalawang uri.


1) Pambalana- tumutukoy sa
karaniwan, o di-tiyak na ngalan (Iba’t ibang tugon mula sa mga
ng tao, hayop, bagay, lugar at mag-aaral)
mga pangyayari.
Ito ay nagsisimula sa maliit na
letra, maliban na lamang kung
ito ay nasa unahan ng
pangungusap.

Magbigay ng halimbawa.
(Iba’t ibang tugon mula sa mga
2) Pantangi- tumutukoy sa tiyak o mag-aaral)
tanging ngalan ng tao, hayop,
bagay, lugar at mga pangyayari.
Kasanayang Ito ay nagsisimula sa malaking
pagpapayama titik.
n
Magbigay ng halimbawa.

Gumuhit ng tig iisang larawan sa mga


sumusunod: (Iba’t ibang tugon mula sa mga
1. Tao mag-aaral)
2. Bagay
3. Hayop
4. Lugar
5. Pangyayari
Kasanayang
Pagkabisa Gumamit ng krayola at lapis sa pag
guhit.

Gumawa ng tsart base sa iyong mga


PAMBALANA PANTANGI
(Iba’t ibang tugon mula sa mga
TAO
mag-aaral)
BAGAY
HAYOP
LUGAR
PANG-
YAYARI
iginuhit. Gayahin ang nasa larawan.

V. Pagtataya Sabihin ang PT kung ang salitang may


salungguhit ay Pantangi, at PM kung
Pambalana.

1. Bumili kami ng radyo.


2. Ang ganda ng aso nyang si Aki.
3. Mayroon kaming kapitbahay na
pulis.
4. Malapit na ang pista sa aming
bayan!
5. Mamamasyal kami sa Mall of
Asia bukas.

(Iba’t ibang tugon mula sa mga


mag-aaral)

VI. Kasunduan Kumuha at gumupit ng larawan sa


magasin o dyaryo ng tig limang
halimbawa ng pangngalang pantangi at
pambalana. Idikit ang larawan sa isang
malinis na papel at pangalanan ang
bawat isa.

Inihanda ni:

JUANALYN N. CALIB-OG
Teacher I

Inobserbahan ni:

FLORDELUNA M. LLIDO
Master TEACHER I

EDROSE B. ATINEN
School Principal

You might also like