You are on page 1of 3

KABANATA IV: Kantahing-Bayan o Awiting-Bayan

Ang oral na pagpapahayag na ito na may kaalinsabay na himig ng pag-awit ay


tumutukoy sa damdamin at kaugalian ng mga katutubo. Ayon kay Erlinda M. Santiago at
mga Kasamahan (1987), ang mga awiting bayan ay isa sa mga matatandang uri ng
panitikang Filipino na lumitaw bago pa dumating ang mga Kastila. Ito ay naglalarawan ng
kalinangan ng ating tinalikdang panahon ayon pa rin sa kanila. May tinatawag na awit ng
pag-ibig(kundiman), awit ng pandigma(kumintang), awit sa Diyos-diyosan (Dalit o himno),
awit sa pagpapatulog ng bata (oyayi o hele), awit sa kasal (diona), awit ng mga manggagawa
(suliranin) awit sa pamamangka (talindaw) at marami pang iba.
ILANG HALIMBAWA NG KANTAHING BAYAN

TAGALOG

Bahay Kubo

Bahay kubo, kahit munti


Ang halaman doon ay sari-sariSingkamas at talong,
Sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani
Kundol, patola, upo’t kalabasa
At saka mayron pang
Labanos, mustasa
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
Sa palibot nito ay puro linga.

Magtanim Ay Di Biro

I
Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko
Di naman makaupo Di
naman makatayo.

II
Halina, halina mga kaliyag
Tayo’y magsipag-unat-
unat Magpanibago tayo ng
lakas Para sa araw ng
bukas.
III
Bisig ko’y namamanhid
Baywang ko’y nangangawit

IV
Binti ko’y namimitig Sa
pagkababad sa tubig.
(Ulitin ang II)

Bakya mo Neneng

I
Bakya mo Neneng luma at kupas na
Ngunit may bakas pa ng luha mo sinta
Sa alayala’y muling magbalik pa
Ang ating kahapon higit ang ligaya.
II
Ngunit irog ko bakit isang araw
Hindi mo ginamit ang bakya mo aking hirang

Sa wari ko ba’y di na kailangan


Pagkat kinupasan ng ganda at kulay.
(Ulitin ang II)
III
Ang aking pag-asa’y saglit na pumanaw Sa
bakya mo Neneng na di nasilayan Kung
inaakalang, yan ay munting bagay
Huwag itapon aking hirang ang aliw ko kailanman.
(Ulitin ang III)

You might also like