You are on page 1of 7

Modyul 2 Lecture Slides

Pagbubuo ng Kapuluan ng Pilipinas

A. Batay sa Agham
● Arkipelago ng Pilipinas
- binubuo ng 7,107 na mga pulo
- Isa sa malalaking kapuluan sa daigdig.

● Teorya ng Continental Drift at Teorya ng Plate Tectonics


- Batay sa mga pag-aaral ng geology at geophysics
- Teorya kung paano nabuo ang libu-libong pulo sa kanlurang bahagi ng
Timog-Silangang Asya
● Teoryang Continental Drift
- Sa ilalim ng teoryang ito ay ang konsepto ng Pangaea
- Pangaea
➔ sinaunang superkontinente noong Permian Epoch mahigit 200 milyong
taon ang nakakaraan.
➔ Inimbentong salita ni Alfred Wegener noong 1912
● Teorya ng Plate Tectonics
- Pangunahing paliwanag sa paggalaw ng kalupaan at paglikha ng mga karagatan
➔ Ang banggaan ng magkakatabing plate tectonics ay nagresulta sa mga
aktbidad na seismic at volcanic
➔ Ang Pilipinas ay nasa sugpungan o juncture ng tatlong malalaking plate
tectonics at ilang maliliit plate blocks.
● Ang masalimuot na prosesong geolohikal ayon kila Dimalanta (2017) at Boquet (2017):
- Banggaan ng India-Australia plate, Eurasia plate, at Pacific plate.
- Paggalaw at pagbangga ng Palawan Mindoro Continental Block (PCB) sa
Philippine Mobile Belt (PMB)

● Epekto sa kapuluan ng pagiging sugpungan o juncture ng mga plate tectonics at block:


- Nakakaranas ang arkipelago ng aktibidad na seismic (lindol), mga aktibidad na
volcanic (ring of fire)
- Makikitaan ng mga malalim na trench at fault lines sa ilang bahagi ng Pilipinas
- Madalas na paglindol
Ex. lindol sa Bohol noong 2013. Dapat maging handa ang Pilipino sa sakunang
ito.
- Maraming aktibong bulkan
Ex. Mayon, Taal, Kanlaon
Makikita dito ang ilang
magkakatabing plate tectonic na
nagbabanggaan.

Mid Oligocene
- 30 milion years ago/
M.a.
- Paglawak ng Dagat
Timog Tsina dulot ng
pagbuka ng Eurasian
Plate at Palawan
Mindoro Continental
Block
Early Miocene
- 20 M.a.
- Paglawak ng sea floor
na matatagpuan sa
Dagat Sulu
- Pagbangga ng Palawan
Mindoro Continental
Block sa orihinal na
islang arko ng Pilipinas,
nagdulot ng bulkanismo
sa arkong Sulu

Huling Miocene
- 10 milion years ago/
M.a.
- Patuloy na pagkilos ng
Pacific Plate at
Philippine Mobile Belt
- Paglitaw ng mga
kapatagan ng Luzon
mula sa karagatan.
Early Pliocene or Maagang
Pliocene
- 5 milion years ago/ M.a.
- Dumikit na ang
Palawan-Mindoro at
Zamboanga peninsula
sa islang arko ng
Pilipinas
- Nagsimulang lumubog
ang silangang bahagi sa
erya ng Philippine
Trench

B. Batay sa kaalamang bayan


● Sa larangan ng kaalamang bayan
- Banal sa mga ninuno ang mga salaysay ukol sa paglikha ng santinakpan at ng
tao noong sinaunang panahon.
- Iba’t ibang pangkat etnolinggwistiko - may mga sariling mitolohiya na pinapasa
sa mga susunod na salinlahi through tradisyong pasalita/ tradisyong oral.
- Ilan sa mga mito ay kinolekta at naisulat na ng mga iskolar
Ex. mito ng Ifugao, Bisaya, Bikol, Maranao, at Manobo
● Natunghayan kay Miller (1904) ang bahagi ng mitolohiya ng mga Bisaya
● Diyos ng langit at diyos ng dagat - dalawang diyos na sentral sa unang bahagi ng mito ng
mga Bisaya
● Mga diyos
- Lihangin
➔ May kapangyarihan sa hangin
➔ Anak na lalaki ni Captan (god of sky)
- Lidagat
➔ May kapangyarihan sa dagat
➔ Anak na babae ni Maguayan (goddess of ocean)
➔ Ikinasal kay Lihangin
➔ Isinilang ang tatlong anak na lalaki: Licalibutan, Liadlao, Libulan.
Isang anak na babae: Lisuga
Note: Nilikha nila Captan at Maguayan ang araw, buwan, bituin, at kapuluan mula sa
patay na bangkay nila Licalibutan (earth), Liadlao (araw), Libulan (moon), Lisuga (stars)

Bakit namatay sila Licalibutan, Liadlao, Libulan, Lisuga?


Due to old age, Lihangin and Lidagat will soon pass away. Ipinamana ni Lihangin sa
eldest son na si Licalibutan ang control sa winds, pero naging greedy si Licalibutan so he
plotted against Captan. After he forced his brothers to join, they attempted to invade.
Captan angry with the betrayal, summoned the forces of nature and struck each of the
brothers in turn. All of them tried to run, but to no avail, they were destroyed. Lisuga
headed to heaven as she missed her brothers, but was attacked by Captan.

C. Heograpiya at kasaysayan
● Heograpiya at kasaysayan - may malapit na ugnayan dahil isang importanteng salik o
factor ang katangian ng pisikal at klima sa arkipelago sa paghubog ng uri ng
pamumuhay ng ating mga ninuno.
● Ang katangian ng pisikal at klima sa arkipelago - magpapasyang salik sa kultura ng
ating mga ninuno
● Naapektuhan ng heograpiya ang mga sumusunod: pananamit, tirahan, at pagkain ng
mga sinaunang Pilipino
● Mahalagang katangian ng klima sa Pilipinas ang pagpasok ng monsoon winds.
Type of monsoon:
– Amihan - northeast monsoon
– Habagat - southwest monsoon
● Naiimpluwensiyahan ng amihan at habagat ang: siklo ng pagtatanim, pandaragat ng mga
Pilipino, pagdating ng mga bagyo at pag-ulan
● Naiimpluwensiyahan ng pisikal na katangian ng kalupaan ang: kaayusang politikal ng
sinaunang pamayanan na itinatag sa gilid ng dagat o lawa sa tabing-elog
● Pisikal na mapa ng Pilipinas → Lokasyon ng Manila Trench at Philippine Trench (fault
trenches)
Ano ang ugnayan nito sa isla ng Palawan

● Politikal na mapa → hangganan ng lalawigan sa Pilipinas

You might also like