You are on page 1of 1

Karl G.

Redoble
12 - STEM 1

TANONG: Oo o hindi, napagyayaman ba ng talumpati ang wikang


Pambansa? Kung oo, isulat ang sagot, at kung ‘hindi’, bakit naman
hindi?

Oo, ang talumpati ay nakapagpapayaman sa ating wikang


pambansa dahil ginagamit nito ang wikang Filipino. Sa
pamamagitan ng talumpati, mas mapapalaganap natin ang
paggamit ng wikang Filipino lalo na sa mga kabataan na mas
nakikilala ang iba't ibang wika. Ang wikang pambansa ay
napapayaman ng talumpati dahil ito ay gumagamit ng wikang
Filipino upang maipahayag ang mensahe ng nagsasalita. Ang
talumpati ay isang paraan upang magkaintindihan at magkakonekta
ang mga tao. Ito rin ay isang uri ng pampublikong komunikasyon
kung saan ipinapahayag ng nagsasalita ang kanyang opinyon o
kaisipan tungkol sa isang paksa. Sa pamamagitan nito, madaling
maibahagi ang mga ideya at paniniwala sa mga Pilipino. Sa ganitong
paraan, mas lumalawak ang kaalaman ng mga tagapakinig tungkol
sa paksa at mas nauunawaan nila ang mga punto na inilalatag ng
nagsasalita. Ang talumpati rin ay nagbibigay ng suporta sa
pagbabahagi ng impormasyon o solusyon sa isang suliranin na
kinakaharap ng ating bansa. Sa aking palagay, dahil ginagamit ng
talumpati ang wikang Filipino, ito ay nakapagpapayabong sa ating
wikang pambansa.

You might also like