You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III - Central Luzon
BACOLOR SOUTH DISTRICT
Schools Division of Pampanga
SAN ISIDRO ELEMENTARY SCHOOL
San Isidro, Bacolor, Pampanga

Daily Lesson Plan

School: San Isidro Elementary School Grade Level: IV

Teacher: Jolina G. Nacpil Learning Area: ESP

Date: Quarter: 4th Week: 2 Lesson: 1

I. OBJECTIVES: ( Layunin)
A. Content Standard Nauunawaan at naipakikita ang pananalig sa Diyos sa
(Pamantayang Pangnilalaman) pamamagitan ng paggalang, pagtanggap, at pagmamahal
sa mga likha
B. Performance Standard Naisasabuhay ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng
(Pamantayan sa Pagganap) paggalang, pagtanggap at pagmamahal sa mga likha
C. Objectives/Learning Competencies 1. napahahalagahan ang lahat ng mga nilikha ng Diyos na
(Mga Layunin) may buhay at mga materyal na bagay na may paggalang,
pagtanggap, at pagmamahal;
2. natutukoy ang mga sitwasyon na nagpapakita ng
paggalang sa kapuwa; at
3. nakasusulat ng mga paraan ng papapakita ng paggalang
at pagpapahalaga sa kapuwa.
Aralin: PAGPAPAHALAGA SA KAPUWA, PAGMAMAHAL
II. CONTENT (Nilalaman) SA MAYLIKHA
III. LEARNING RESOURCES (Kagamitang Panturo)
A. References (Sanggunian)
1.Teacher’s Guide pages
2.Learner’s Materials pages
3.Textbook pages
4.Additional materials from Learning Resource
(LR) portal
B.Other Learning Resources MELCs, PowerPoint Presentation, kwento, kanta
(Iba pang Kagamitang Panturo)
IV. PROCEDURES:(Pamamaraan)
A. Reviewing previous lesson or Kantahin ang awiting ‘Di Kumukupas
presenting the new lesson
(Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong Ang mga ibon na lumilipad ay mahal ng Diyos
aralin) ‘Di kumukupas
Huwag ka nang malungkot, o praise the Lord
(Palitan ang ibon na lumilipad sa...)
Bulaklak na mababango
......isda na lumalangoy
.....puno na matataas
....bata na mababait
....kapwa na mapagmahal

https://www.youtube.com/watch?v=eSGmWg2MGrQ

Pagnilayan ang mensahe ng awitin.


B. Establishing a purpose for the lesson/Motivation
(Paghahabi sa layunin ng aralin) Basahin ang tulang “Biyaya ng Panginoon”

Mga ibong lumilipad sa langit kay taas


Iba’t ibang mga hayop sa lupa bumabagtas
Mga isdang lumalangoy sa liko-likong mga ilog
Biyaya ng Panginoon sa ’tin ito’y pawang handog.
Ang ganda kung pagmasdan ang luntiang mga parang
Bulaklak na malalaya sa bundok at kagubatan
Huni ng mga ibon sa oras ng dapithapon
Wari’y bulong na malalambing sa atin ng Panginoon.
Tinig Niya’y nagsasabing ang lahat Kong ibinigay
Gamitin mo sa matuwid, masaganang pamumuhay
Ingatan mo at sinupin, alagaan habangbuhay
Upang ito ay magbigay ng ligayang walang humpay.

Pagnilayan ang mga sagot sa sumusunod na tanong:


1. Ano-ano ang inasabing biyaya sa atin ng Panginoon sa
tulang binigkas?
2. Mahalaga ba ang mga biyayang ito sa atin? Bakit
3. Ayon sa tula, ano ang dapat gawin sa biyaya ng
Panginoon?

Gawain 1: IKAW NAMAN!


Panuto: Sumulat ng maikling tula na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa mga nilikha ng Diyos. Isulat sa iyong
kwaderno.

C. Presenting examples/instances of the new lesson


(Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Sabihin ang Opo kung ang pangugungusap ay
bagong aralin) nagpapahayag ng paggalang at pagpapahalaga sa kapuwa-
tao at Hindi Po kung hindi.
1. Tinisod ni Ben ang pilay nilang kapitbahay.
2. Pinagtawanan ni Aiza si Nicholas sa kanyang nagawang
pagkakamali.
3. Nagbigay ng donasyon si Liza sa mga nasalanta ng
bagyong Ulysses.
4. Itinulak ni Arnold ang matandang tumatawid sa daan.
5. Gumagamit ako ng salitang “po” at “opo” sa taong kausap
ko.
6. Binabantayan ko ang aking kapatid sa tuwing umaalis ng
bahay ang aking nanay.
7. Inaalalayan ko ang aking lola sa kanyang gawain
sapagkat ayaw ko siyang mapahamak at masaktan.
8. Hindi ko sinusunod ang inuutos ng aking magulang kapag
marami akong ginagawa.
9. Binabantayan at pinapainom ko ng gamot ang aking
bunsong kapatid tuwing siya ay maysakit.
10. Bumibili ang aking nanay ng paninda sa mga Aeta
tuwing
namamalengke.

D. Discussing new concepts and practicing new skills


(Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Basahin nang may pang-unawa ang mensahe ng teksto.
bagong kasanayan #1)
Ang buhay na handog sa atin ng Diyos ay sagrado (Sacred).
Ito ay tumutukoy sa mga bagay na may buhay na may
kaugnayan sa Diyos, mga nilikha ng Diyos o may basbas ng
Diyos. Ang mga ito ay karapat-dapat na igalang ng bawat
tao. Ang ating buhay ay hindi natin sarili. Ibig ng Diyos na
ihandog natin ito sa ating kapuwa o sa iba pang may buhay
na Kaniyang nilikha. Ibig ng Diyos na ating padaluyin ang
buhay para sa ibang tao. Kung gayon, pananagutan nating
mahalin,igalang, at pahalagahan ang ating kapuwa.

Ang pagpapahalaga sa ibang tao ay maipamamalas sa


pamamagitan ng pagdamay sa kanila sa panahon ng
kalungkutan, sa kanilang pag-iisa, at sa mga panahong
nangangailangan sila ng karamay. Sa kabila ng paghihirap
at pagdurusa, makasisilip tayo ng pag-asa dahil sa
kapuwang handang dumamay, tumulong, at kumalinga.
E. Discussing new concepts and practicing
new skills #2 Isulat ang mga paraan ng pangangalaga sa iyong katawan o
(Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad buhay.
ng bagong kasanayan #2)
F. Developing mastery (Leads to Formative
assessment) (Paglinang sa kabihasnan) Basahin nang mabuti ang mga pangungusap. Gumuhit ng
puso kung tama ang pinahihiwatig sa pangungusap at hugis
kidlat naman kung mali.
1. Igalang at mahalin ang mga kapatid nating mga katutubo.
2. Tama lang na awayin natin ang mga taong hindi natin
gusto.
3. Nagsasabi ng mga masasakit na salita sa kapuwa tao.
4. Tumulong ng bukal sa loob at walang pag-aalinlangan sa
mga nasalanta ng bagyo.
5. Humihingi ng paumanhin sa kapuwang nasabihan ng
mga masasakit nasalita.

G. Finding practical applications of concepts


and skills in daily living(Paglalapat ng aralin sa Basahin at unawain ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat ang
pang araw-araw na buhay) iyong sagot kung ano ang nararapat gawin. Itala rin ang
dahilan kung bakit mo ito dapat gawin.

1. Nakita mo na pinipitas at pinaglalaruan ng mga bata ang


mga bulaklak sa inyong hardin.
Gagawin:______
Dahilan :_______

2. Binawalan mong kumain ng junkfoods ang iyong ate kaya


nagalit siya sa’yo.
Gagawin:______
Dahilan :_______

3. Nagluto ang iyong tatay ng gulay at isda ngunit hindi ito


kinakain ng iyong nakababatang kapatid kaya siya ay
nagdabog.
Gagawin:______
Dahilan :_______

4. Napagalitan ka ng iyong nanay dahil maghapon kang


naglalaro ng computer games.
Gagawin:______
Dahilan :_______

5. Inanyayahan ka ng iyong kalaro na maglaro sa labas


ngunit naalala mo na may hinabilin pala ang iyong nanay na
diligan ang mga halaman sa bakuran.
Gagawin:______
Dahilan :_______

H. Making generalizations and abstractions about the


lesson (Paglalahat ng aralin) Gumawa ng tatlong pangungusap mula sa binasa sa bahagi
ng paglalahat ng aralin bilang mahalagang konseptong
iyong natutuhan.

I. Evaluating learning (Pagtataya ng aralin)


Lagyan ng tsek ( ) ang bilang kung ang pahayag ay
nagpapakita ng pagpapahalaga at pangangalaga sa mga
nilikha ng Diyos at ekis (X) kung hindi. Gawin ito sa
sagutang papel.
_______1. Iginagalang ang mga bagay na nilikha ng Diyos.
_______2. Sinisira at pinuputol ang mga puno.
_______3. Inaalalayan ang batang pilay sa pagtawid sa
daan.
_______4. Nakikinig sa payo ng magulang.
_______5. Pinagtatawanan ang batang may kapansanan.
_______6. Kumakain nang wasto sa oras.
_______7. Nagpupuyat sa kaka-text.
_______8. Paggamit ng mga mangingisda ng lambat na
maliliit ang butas.
_______9. Pangangalaga sa mga halaman.
_______10. Pagtatapon ng basura kahit saan.

J. Additional activities for application or remediation


(Karagdagang gawain para sa takdang aralkin Gumawa ng pangako kung paano mo igagalang ang mga
at remediation) nilikha ng Diyos lalo na ang iyong kapuwa.
V. Mga Tala
VI. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remediation? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
nasolusyonan sa tulong ng aking punongguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho
na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Prepared by: Checked by:

Jolina G. Nacpil Nelia C. Infante


Teacher I Principal II

You might also like