You are on page 1of 3

3.

Ano ang tiyak na hakbang na ginawa ng mga Egyptian upang mapakinabangan s pagsasaka
ang Nile River?

Sagot: Nagtayo ang mga sinaunang Egyptian ng mga permanenting pamayanan malapit sa Nile
River na nagbigay kabuhayan sa mga magsasakang Egyptian. Ang pagbaha ng Nile River ay nag-
iiwan ng mayamang mineral na mainam sa pagtatanim. Ang sistemang patubig na ito ang
gumagawa ng mayamang lupa na nadudulot ng masaganang ani para sa mga Egyptian.

4. Paano humatong sa pagkakaroon ng lokal na pamamahala ang pagtatayo ng malalaking


proyekto sa sinaunang Egypt?

Sagot: Nagtayo ag mga Egyptian ng mga malalaking proyekto tulad ng irigasyon at dam. Isang
opisyal o administrador na siyang nagbibigay utos at direksiyon sa mga proyektong isasagwa
ang itinalaga na mangasiwa sa lahat ng aspekto ng paggawa. Ang tungkulin ng administrador ay
maituturing sa isang maagang anyo ng local na pamamahala. Ito ay ang pangangasiwa sa
pagtatanim, pag-ani, at ang pag-iimbak ng mga produkto, maging ang pagpapasiya sa mga
susunod pang gawain.

5. Ipaliwanag kung paano nasimulan ng mga Egyptian ang konsepto ng isang kalendaryo.

Sagot: Nabatid ng mga magsasaka na mayroon tiyak na panahon ang pag-apaw ng tubig sa Nile
River. Napaghandaan ng mga Egyptian ang panahon ng pagtatanim at pag-aani sa papamagitan
ng pagbibilang ng mga araw sa pagitan ng pagbaha. Binibilang ng mga Egyptian ang mga araw
na nakikita ang isang maliwanag na bituin kapag tumataas ang tubig sa Nile River. Ang bilang ng
mga araw sa isang taon ay 365 na kanilang binuo.

6. Ibigay ang halaga ng pag-iisang ginawa ni Menes sa Upper Egypt at Lower Egypt

Sagot: Sa taong 3100 BC, napag-isa ni Haring Menes ang mga pamayanang sakop ng Upper
Egypt at Lower Egypt. Ang mga kahariang ito ang sumakop sa dalawang rehiyon ng Egypt.
Naitatag ang unang dinastiya sa Egypt sa pamamagitan ng pag-iisa ng dalawang kaharian.
Nagkaroon rin ng malakas at matatag na pamahalaang sentral na siyang namamahala sa isang
malawak na kaharian.

7. Bakit itinuturing na isang lipunang teotratiko ang Egypt?

Sagot: Ang pamahalaan ng sinaunang Egypt ay isang teokratikong monarkiya bilang ang hari ay
pinamumunuan ng isang utos mula sa mga diyos, sa una ay nakita bilang isang tagapamagitan
sa pagitan ng mga tao at ang banal, at dapat na kumatawan sa kalooban ng mga diyos sa
pamamagitan ng mga batas na ipinasa at mga patakarang naaprubahan.

8. Ano ang sinasagisag ng pagpapatayo ng paraon ng piramide?


Sagot: Ang paraon piramide ang nagsilbing libingan ng mga yumaong mga paraon. Ito ang
sumisimbulo sa kanilang kadakilaan. Ito ay paraan upang hindi sila malimutan sa kasaysayan at
kilalanin bilang great builders. Inilalagak sa loob ng piramide ang mga bangkay ng pinuno
matapos itong sumailalim sa proseso ng mummification. Ang mga armas, alahas, pagkain,
alagang hayop, magig ang mga aliping kakailanganin para sa kabilang buhay ay kasama ng
bangkay. Nagpapatunay ang pagtatayo ng mga piramide sa Egypt na bihasa na ang mga
Egyptian sa ilang mahahalagang kasanayan.

9. Ilarawan ang estado sa lipunan ng mga nobilidad at kaparian.

Sagot: Ang pangkat ng mga nasa mataas na antas ang bumubuo ng mga nobilidad at kaparian sa
sinaunang Egypt. Naninirahan ang mga maharlika sa malalaking tahanan at mayroong
malalawak na lupain gayundin ang pagkakaroon ng maraming alipin. Pinakikinabangan nila ang
mga artesano na siyang gumagawa ng mga bagay na maituturing na luho sa naturang lipunan.
Ang mga pari naman ay kapantay ng mga nobilidad sa aspekto ng impluwensiya at
kapangyarihan. Sila ang nagbabasbas sa mga yumao maging nangangasiwa ng mga ritwal sa
mga templo.

10. Sa paanong paraan nakapagsisilbi sa lipunan ang mga manunulat?

Sagot: Ang tungkulin ng mga manunulat ay magtala ng mga mahahalanag pangyayari sa araw-
araw at ng mga transaksiyon sa kalakalan. Itinuturing na espesyal ang mga manunulat sa Egypt
dahil bihira ang nakakapag-aral sa nasabing sining. Ang mga manunulat din ang nagtatala ng
mga koleksiyon ng buwis, kalakalan sa pagitan ng Egypt at ibang bansa, pautang, at mga batas,
gayundin ang mga pangyayari na hindi maaaring iasa lamang sa memorya upang matandaan.

11. May pagkakatulad o pagkakaiba ba ang mga kababaihan ng sinaunang Egypt sa


kasalukuyang sector ng kababaihan?

Sagot: Walang pagkakaiba ang mga kababaihan ng sinaunang Egypt sa kasalukuyang sector ng
kababaihan dahil pareho silang may mga Karapatan at pribiliheyo na hindi maaaring kunin ng
sino man.

12. Ano ang naging pangunahing layunin ng mga paraon sa panahon ng Bagong Kaharian?

Sagot: Ang mga paraon ay gumawa ng isang bagong patakaran. Ito ang palawakin ang
nasasakupan ng Egypt at paramihin ang mapagkukunan ng yaman at buwis.

13. Magbigay ng ilang paraong namuno sa Egypt sa panahon ng Bagong Kaharian at banggitin
ang natatanging kontribusyon ng mga ito.
Sagot:
Pinuno Mga Kontribusyon
Thutmose II Nagpalawak ng imperyo sa pamamagitan ng
pananakop ng Palestine, Syria, at Nubia.
Hatshepsut Nagpagawa ng mga templo at palasyo sa Egypt,
particular sa lungsod ng Thebes.
Thutmose III Nagpalawak ng teritoryo.
Amenhotep IV Iginiit ang pagsamba sa isang diyos lamang na kilala
bilang si Aton.
Rameses II Kinilala bilang builder sahil sa mga ipinatayong mga
monumento at palasyo, at ginamit ang kapangyarihan
upang magwakas ang matagal na panahong
pakikidigma sa mga Hitite sa pamamagitan ng
tratadong pangkapayapaan.

14. Paano humina at tuluyang bumagsak ang sibilisasyong Egyptian?

Sagot: Ang pananakop ng mga dayuhan ang nagpahina sa mga Egyptian. Matapos ang 1100 BC
ay nagwakas ang pagiging Malaya ng mga Egyptian at ang mga dayuhan na ang humawak ng
kapangyarihan sa kanilang sibilisasyon. Naibalik lamang ang Kalayaan nila noong ika-20 siglo
ngunit hindi na naibalik ang karangyaan at lawak ng sakop ng sinaunang sibilisasyon ng mga
ito.s

Nagsulong ang mga sinaunang Egyptian ng mga kaalamang nagamit sap ag-unlad ng kanilang
sibilisasyon. Ang Nile River ang isa sa mga nakapagbigay ng mga pagkain at mga produktong
ikakalakal sa sinaunang Egypt

You might also like