You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao IV

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
 Naipamamalas ang pag-unawa sa pagmamahal sa bansa sa pamamagitan
ng pagpapahalaga sa kultura.
B. Pamantayan sa Paggananp
 Naisasabuhay ang mga gawaing nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura.
C. Mga Kasanayan sa Pagkakatoto
 Nakapagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga
pamanang kulturang materyal (hal. kuwentong bayan, alamat, mga epiko)
at di-materyal (hal. mga magagandang kaugalian, pagpapahalaga sa
nakatatanda at iba pa). EsP4PPP- IIIa-b–19
II. Nilalaman

Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan (Isapuso Natin)


A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro: pp.105-106
2. Mga Pahina sa Kagamitang pangmag-aaral: p. 173

B. Iba pang Kagamitang Panturo: Laptop, Projector, PowerPoint Presentation,


Video Clip ng isang balita tungkol sa isang taong nalulong sa ipinagbabawal na
gamot
C. Integrasyon: Drug Education, Sining
III. Pamamaraan
A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin
 Itanong: Anu-ano ang mga magagandang kaugalian ng mga Pilipino na
kung saan kabilang ito sa ating ipinagmamalaking kultura?
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin
 Magpakita ng video ng isang balita tungkol sa taong nalulong sa
ipinagbabawal na gamot.
 Itanong: Ano ang inyong nararamdaman habang nanonood ng balita?
C. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto
 Sabihin: Sa Pagdaan ng Panahon, hindi maiiwasang magkakaroon ng
pagbabago sa isang kultura. Isa sa mga nakapagbabago ng ating kultura ay
ang pagkalulong ng mga kabataan sa ipinagbabawal na gamot. Ito ang
dahilan na kung saan unti-unti ng nawawala ang paggalang at
pagpapahalaga sa nakatatanda.
D. Paglinang sa Kabihasan
 Sabihin: Katulong ang iyong pangkat, gumawa ng poster o collage na
nagpapakita kung paano mapapanatili ang pagpapahalaga sa nakatatanda.
 Pagkatapos ng pangkatang gawain, hayaan ang bawat pangkat na
maibahagi sa klase ang kanilang poster.
E. Pag-lalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay
 Sabihin: Bilang mga Pilipino, tungkulin nating pangangalagaan at
panatilihin ang ating kultura. Kabilang sa mga paraan ng pagpapanatili ng
ating kultura ay ang pagsunod ng ating mga magulang at umiwas sa mga
bagay na naksisira sa ating sarili at sa ating kapaligiran lalong lalo na sa
paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
F. Paglalahat ng Aralin
 Itanong: Paano mo mapapahalagahan ang kulturang Pilipino?
G. Pagtataya ng Aralin
 Gamitin ang rubrics sa ibaba bilang pamantayan ng ebalwasyon ng
nagawang poster o collage.

Pamantayan 4 3 2 1
1.Paksa o Malinaw na Nailahad ang Hindi gaanong Hindi nailahad
konseptong nais nailahad ang konseptong nailahad ang ang konseptong
ilahad sa poster o konseptong nais nais ipahatid. konseptong nais ipahatid.
collage ipalahad. nais ipahatid.
2.Pagkakagawa Malinis at Sa Hindi gaanong
Hindi malinis,
ng poster o maayos ang pangkalahatan maayos at
parang
collage pagkakagawa. ay maayos. malinis ang
minadali at di
pagkakagawa.
angkop
ipamahagi.
3.Pagkamalikhain Napakamalikhain. Malikhain ang Kulang sa Hindi
at paghahanda sa Nagpapakita ng pagkakagawa pagkamalikhain kinakitaan ng
ginawa angkop na at may sapat at halatang pagkamalikhain
kahandaan ang na paghahanda kinulang sa at hindi nag-
gawa. sa paggawa. panahon ng ukol ng sapat
paghahanda. na panahon
para
paghandaan
ang Gawain.

H. Karagdagang Gawain para sa Takdang-aralin at Remediation


 Gumawa ng poster o collage na nagpapakita ng yaman at ganda ng
kulturang Pilipino
IV. Mga Tala
___________________________________________________________________
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya: _________


B. Bilang ng mag-aaral na hnangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation :______
C. Nakatulong ba ang remedial? bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin :________
____________________________________________________________________
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation: ___________
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?___________________________________________________________
_____________________________________________________________________
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyonan sa tulong ng aking punong guro
at supervisor?________________________________________________________
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?____________________________________________________________

Inihanda ni: Iniwasto ni:

ALDIE A. ARIAS EGNITA M. LENTIJA


Teacher I School Principal I

You might also like