You are on page 1of 7

Detalyadong Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan III

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Nakakapagtakda ng kahulugan ng kultura at nakakatukoy ng mga salik na kaugnay nito.
 Nakapangangalaga ng kultura sa pamamagitan ng patuloy na paggamit ng po at opo at
nairerespeto ang pagkakakilanlang kultural ng bawat tao.
 Nagagawa ang kasanayang pagpapayaman ng kultura sa pamamagitan ng pagpapaunlad
ng sarili sa katauhan ng sining at agham.
II. Paksa at Aralin
Paksa: Ang Kultura
Araling Panlipunan: Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog http://ang-kulturang-
pilipino.blogspot.com/
Mga Kagamitan- Bond papers, krayola, mga larawan
Batayan ng Pagtututo
Naibibigay ang kahulugan ng sariling kultura at mga kaugnay na konsepto.
A. Mga Pagpapahalagang Ituturo
Pagpapahalaga ng kultura
a. Dimensyon - Political
b. Buod na Pagpapahalaga – Nationalism
c. Kaugnay na Pagpapahalaga - Love of Country, Heroism and appreciation of Heroes,
Appreciation of cultural Heritage, Democracy, Freedom and Responsibility, Civic
Consciousness and Active Participation, Committed Leadership at National unity.
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
Guro: Magandang araw mag-aaral. Bago tayo magsisimula sa ating
aralin, sino ang magboluntaryong manguna sa panalangin. Mag-aaral: Ako po
Guro.
b. Pagbati.
Guro: Sa uulitin magandang araw sa inyo. Mag-aaral: Magandang
araw din sayo aming
Guro.
c. Pambungad na awit
Guro: Bago tayo magsi-upo awitin muna natin ang “Ako ay may Ulo” Mag-aaral: Maraming
salamat po.

Guro: Pwede na kayong umupo.

d. Pagtala ng lumiban sa klase.


Guro: Mag-aaral, sino ang lumiban ngayon na araw? Mag-aaral: Wala po.
Guro: Mabuti at walang lumiban.
e. Paglalahad ng pamantayan sa klase.
Guro: Ano nga ang mga pamantayan sa klase? Mag-aaral: Una,
ipataas ang kanang
kamay kapag gustong
sasagot. Pangalawa,
huwag maingay at
makinig sa guro.

f. Balik-Aral
Guro: Sa nakaraang aralin may pinasagot akong assignatura sa inyo. At
ito ay ipapasa sa harapan. Mag-aaral: Opo aming
Guro.

A. Paglinang ng Gawain
a. Pagganyak
Ang guro ay magpapakita ng iba’t ibang larawan na nagpapakita ng
mga bumubuo sa kultura at mga larawang nagpapakita ng negatibong
bagay o gawain na ginagawa ng mga Pilipino na maaring nakapipinsala
sa kultura.
Sa pagpapakita ng mga larawan ay nakaalalay ang mga katanungang
sumusunod:
1. Ano-ano ang mga naobserbahan sa mga larawang ipinakita? Mag-aaral: Ang
pinapakita ay mas
binibigyan pangtuon
ang teknolohiya kaysa
sa pakikikasama sa tao.

2. Mula sa mga nakitang larawan tukuyin ang mga bagay o


gawaing mabuti na sa palagay ay nakakatulong sa pag-unlad ng Mag-aaral: Ang
bayan. nakakatulong ay ang
pagiging pakisama sa
kapwa at bigyan tuon
ang pakiki-isa.

Bilang mag-aaral paano ka makakatulong sa pagpapayaman ng


kulturang pilipino? Mag-aaral: Bilang isang
mag-aaral
makakatulong sa
pagpapayaman ng
kulturang Pilipino ay sa
pamamagitan ng
pagpatuloy sa
pagsasagawa ng
mabuting-asal at
pagpapatuloy
binabahagi ang kultura
sa iba.

b. Gawain
 Direksyon:
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa dalawang grupo at lilikha ng
larawan na nagpapakita ng kultura ng bansang Pilipinas gamit
ang krayola at puting papel sa sampung minute lamang. At ito
ay ipepresinta sa unahan ng klase at sasagutin ang mga
katanungang:
Pamantayan:
Nilalaman – 10 puntos
Presentasyon-10 puntos
Kooperasyon- 10 puntos Presentasyon bawat
Kabuuan- 30 puntos grupo.
1. Ano ang kultura? (Unang grupo)
(Pangalawang grupo)
2. Ano ang kahalagahan ng kultura?

Mag-aaral: Ang
Bilang isang indibiduwal, ano ang implikasyon sa iyo ng kultura ng
implikasyon nito ay
bayang iyong kinabibilangan?
isang simbolo ng
tradisyon ng bawat tao
sa kinabibilangan nito.

c. Paglalagom
Ang kultura ay isang paraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng mga
tao - ang pag-uugali, mga paniniwala, mga halaga, at mga simbolo na
tinatanggap nila at patuloy na naipapasa sa pamamagitan ng
komunikasyon at panggagaya mula sa isang henerasyon hanggang sa
susunod.
Ito ay nagpapakita ng pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupo ng
mga tao. Dito rin naipapakita ang pagkakaiba-iba ng bawat pangkat.
May kani-kanila silang orihinal na talento sa iba’t ibang larangan.
Bawat bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan o nakagawiang
gawain na ipinamana ng kani-kanilang mga ninuno. Ang Pilipinas ay
tinaguriang mayaman sa iba’t ibang larangan sa kultura at isa sa mga
bansang kinikilala ang kulturang nagmula sa ating mga ninuno .
Naimpluwensyahan tayo ng ating mga ninuno kaya ito’y ating
ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang kulturang Pilipino ay binubuo ng pitong salik o konseptoat ang
mga ito ay ang wika, paniniwala,tradisyon o kaugalian, pagkain, sining,
kasuotan, at ng relihiyon.

Batangas Cavite Laguna Quezon Rizal

Tagalog Tagalog, tagalog Tagalog Tagalog


(ala e, eh, ga) Chabacano (ay)
Wika

“Matanda sa maka-diyos maka-diyos at maka-diyos at


Tradisyon/Kaugalian

Dugo”, Matapang at relihiyoso relihiyoso,


relihiyoso, cenakulo

atcharang Tinapa, Espasol, Lambanog, Bibingka,


ampalaya, kalamay, tahong buko pie, Kakanin, mais
minatamis na bibingka
Pagkain

kalumpit

Katoliko Romano, Katoliko Katoliko Katoliko Katoliko,


Islam Romano, Romano, Romano, Iglesia ni
Aglipay, Iglesia ni Adventist, Cristo,
Relihiyon

Iglesia ni Cristo, Dating daan, Protestante,


Cristo, Islam Islam Iglesia ni Islam
Cristo, Islam
Palay, kape, Saging, Palay, Palay, niyog, Mais, basket
Produkto

balisong pinya, buko pie, mais,


abokado
Subli-an festival, San Agustin Marilag Niyugniyugan Diwa sa
Tapusan festival, festival, La festival, festival, pambansang
Tinapahan Excelsa y La Alimango Sining
festival,Sinagpawan Celestial festival,
festival Guardiana y Pahiyas
Protectora festival
dela
Pagdiriwang

Provincia de
Cavite

Pangwakas na Gawain
a. Paglalahat
Sa inyong sariling opinion ano ang kultura?
Sa Kulturang Pilipino ano ang pitong salik o konsepto?
b. Paglalapat
Ang mga mag-aaraal ay hahatiin sa dalawang grupo at tangan ang mga natutunan sa leksyon ay
magsasagawa ng maikling dula na na naipapakita ng ang isa sa pitong salik ng kulturang Pilipino
(tradisyon at kaugalian, wika, paniniwala, pagkain, kasuotan, relihiyon).
Pamantayan:
Nilalaman – 10 puntos
Presentasyon-10 puntos
Kooperasyon- 10 puntos
Kabuuan- 30 puntos

IV. Pagpapahalagang Moral


Direksyon: Isulat sa papel ang letra ng tamang sagot.
1. Ang Kapiyesthang pahiyas ay ipinagdirirwang ng aling lalawigan?
a. Batangas
b. Laguna
c. Quezon
2. Anong lalawigan ang sinasabing matatapang ang mga tao?
a. Batangas
b. Cavite
c. Quezon
3. Ang pamamamraan ng pamumuhay ng isang pangkat na naninirahan sa isang lugar na
may sariling tradisyon, kaugalian ay tinatawag na ______________?
a. Kasanayan
b. Kultura
c. Paniniwala
4. Anong lalawigan ang tinaguriag “sugar capital of the Philippines”?
a. Batangas
b. Cavite
c. Quezon
5. Ang ekspresyon o puntong “ay” ay nagmula sa anong lalawigan?
a. Cavite
b. Rizal
c. Quezon

V. Takdang- Aralin
Magsagawa ng pananaliksik sa mga paniniwala at tradisyon ng sariling bayan sa pamamagitan
ng pag-interbyu o pagtatanong sa magulang, lolo o lola o sa kakilalang nakakatanda. Ilagay ang
tanong at mga kasagutan sa isang buong papel kasama ang lagda at pangalan ng
pinagtanungan.

You might also like