You are on page 1of 4

Learning Area Grade Level Kindergarten

Quarter Second Quarter Week No. 4


Date January 25-29, 2021 Learning Time Lunes-Biyernes

I. LESSON TITLE Ang Mga Gawain ng Aking Pamilya


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Pagkatapos ng araling ito inaasahang; a) natutukoy mo ang mga
COMPETENCIES (MELCs) gampanin ng bawat kasapi o miyempbro ng pamilya sa loob at labas
ng tahanan b) nakikilala ang mga tumutulong sa komunidad , paaralan
at ang kanilang mga tungkulin upang mapangalagaan at maging
ligtas ang mga tao sa pamayanan
c) nasasabi ang mga salitang naglalarawan sa mga miyembro ng
komunidad d) naipapahayag ang mga bagay tungkol sa pamilya,
alaga, laruan pagkain at iba pa gamit ang mga salitang naglalarawan
III. CONTENT/CORE CONTENT  Mga Kasapi ng Aking Pamilya at Kanilang Gampanin
 Mga Kasapi ng Pamayanan
 Mga salitang Naglalarawan
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction 30 minuto Ang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan kung
Panimula kaya naman ang bawat kasapi nito ay may kani-kaniyang
papel na ginagampanan. Ang malakas at matulungin na mag-
anak ay itinuturing na yaman ng isang komunidad o
pamayanan.

Sa komunidad, may iba-ibang tao na nangangalaga upang


mapanatili ang kaayusan, kaligtasan at katahimikan.
Sa araling ito, matutuklasan mo ang iba’t-ibang tungkulin ng
bawat miyembro ng pamilya at komunidad pati na rin kung sino
sino sila.
Sa pamamagitan ng mga ito, matutulungan ka na
makapagbigay ng ilang salita o pahayag na naglalarawan.

B. Development A. Mga Kagamitan sa Pagkatuto


Pagpapaunlad 30 minuto Family picture/larawan ng mga miyembro ng iyon
pamilya

B. Gawain sa Pagkatuto
“Ang mga Gawain ng Aking Pamilya”, pahina 20, PIVOT
4A Calabarzon Kindergarten
1. Naisulat/nasabi mo ba ang pangalan ng miyembro
ng iyong pamilya?
2. Natukoy mo ba ang gawain ng bawat isa sa iyong
pamilya?
3. May mga naisip ka pa bang gawain mo bilang bata
na nais mong sabihin o isulat?
Paalala sa Magulang/tagapangalaga:
Gabayan ang bata sa pagsagot dahil may mga
ibang gawain sa pamilya na nangangailangan ng
paliwanag upang lubos maunawaan upang maging
gabay sa wastong pagsagot
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Mga Kagamitan sa Pagkatuto
Mga larawan ng mga kasapi sa komunidad/pamayanan
Tsart ng alpabeto
B. Gawain sa Pagkatuto 2

“Ang Iba pang Kasapi ng Pamayanan”, Pahina 21, PIVOT 4A


Calabarzon Kindergarten

1. Nakilala mo ba ang mga nasa larawan?


2. Natukoy mo ba ang kanilang mga gawain?
3. Sabihin nang malakas ang mga kasapi ng pamayanan at
ilang bagay na kanilang gianagawa
Paalaala sa Magulang/tagapangalaga:
Gabayan ang bata sa pagsagot upang matukoy nila ang
tawag samga nasa larawan. Tulungan din sila na maisulat
ang mga nawawalang letra upang mabuo ang salita.
Maaari din na magbigay ng mahahalagang
impormasyon ukol sa kanila aupang malubos ang
pagkatuto.

C. Engagement A. Mga Kagamitan sa Pagkatuto


Pakikipagpalihan 60 minuto lapis, krayola, mga larawan ng mga katulong sa
sa
pagguhit at komunidad/pamayanan
pagsagot sa B. Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
mga gawain Ang Iba pang mga Kasapi ng Pamayanan, pahina
22-PIVOT 4A Calabarzon Kindergarten
1. Natukoy mo ba ang mga taong katulong sa
iyong komunidad?
2. May isa ba sa kanila na maaari mong ikuwento
gamit ang mga salitang naglalarawan?
3. Nasabi mo ba ang ilan sa kanilang gawain sa
pamayanan?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4

Kasapi ng Pamayanan, Nailalarawan Ko

Kumuha ng malinis na papel, lapis at pangkulay.

Panuto: Pumili ng isang kasapi sa komunidad na


iyong kinabibilangan ng isang katulong/kasapi na
nakatulong sa iyo ngayong panahon ng pandemya.

Iguhit ang ilan sa kaniyang mga kagamitan sa


pagtulong.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Gamitin ang mga salitang naglalarawan upang siya
ay maipakilala.

C. Paalala sa magulang/ tagapag-alaga:


Gabayan ang bata sa pagsagot. Tulungan siya
upang maipahayag ang kaniyang ideya o
natutunan mula sa iba-ibang gawain sa araling ito.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5


Mga Gawain Ko Bilang Kasapi ng Pamilya/Pamayanan

Panuto: Kumuha ng lapis, pangkulay at malinis na papel


Iguhit ang ilan sa mga bagay na kaya mo nang gawin
bilang isang bata.
Kulayan at sabihin sa harap ng pamilya ang iyong nagawa

Paalala sa Magulang/tagpangalaga:
Gabayan ang bata sa pagsagot, ipaalala sa kaniya ang
mga gawain o gampanin kahit siya ay bata pa. Sa
pamamagitan nito, mauunawaan niya na may
mahalagang kontribusyon siya sa pamilya at komunidad.
D. Assimilation 5 minuto Mahalagang makita at maramdaman ng isang bata na
Paglalapat ang kaniyang kontribusyon sa mga gawain sa oamilya at
komunidad ay pinahahalagahan.
Maktutulong ito upang mas maging maunlad ang
kaniyang komunikasyon sa bawat kasapi ng pamilya.
V. ASSESSMENT 15 minuto Bilugan ang tamang sagot.
(Learning Activity Sheets for
Enrichment, Remediation or 1. Sino ang nagsisilbing tagapamayapa sa inyong
Assessment to be given on Weeks
3 and 6) lugar.
a. pulis
b. guro
c. doktor
d. magsasaka
2. Nagtatanim ng mga gulay at prutas
a. mangingisda
b. magsasaka
c. barbero
d. karpintero
3. Katulong sa paggawa ng bahay
a. karpintero
b. drayber
c. guro
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
d. nars
4. Gumagamot sa mga maysakit
a. guro
b. pulis
c. doktor
d. magsasaka
5. Nagtuturo sa mga bata upang matutong bumasa at
sumulat
a. guro
b. pulis
c. barbero
d. doktor
VI. REFLECTION Kompletuhin ang pangungusap.
1. Bawat tao, bata o matanda ay may __________ na
ginagampaman bilang kasapi ng pamilya /komunidad.
a. salita
b. gawain
c. larawan
d. miyembro
2. Mahalagang maglaan ng panahon para sa isa’t isa
upang maging matibay ang bigkis ng _________.
a. komunidad
b. pamilya
c. paaralan
d. lugar
3. Ang pagtupad ng _________ ng bawat kasapi ng pamilya
ay lubos na kapakipakinabang sa lahat.
a. tungkulin
b. utos
c. hamon
d. paliwanag
Paalala sa Magulang/tagapangalaga:
Gabayan ang bata upang maunawaan niya ang ibig sabihin ng
mga salita na ipinuno sa bawat patlang. Bigyan ng simple o
payak na impormasyon na makatutulong sa kaniya upang mas
maging makahulugan ang mga gawaing kaniyang natapos sa
linggong ito.

Prepared by: Maria Dylin S. Garcia Checked by: JOB S. ZAPE, JR


Louella G. Sastrillo

Division of Quezon

You might also like