You are on page 1of 8

FM-AA-CIA-15 Rev.

0 10-July-2020

Study Guide in (FIL 104 – ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO) Module No. 6

STUDY GUIDE FOR MODULE NO. 6

ARALIN
Sintaksis
(Palaugnayan)O
MODULE OVERVIEW

Sa nakaraang mga kabanata ay tinalakay natin ang tungkol sa ponolohiya at morpolohiya ng


Filipino. Nalaman natin na ang Filipino, tulad ng alinmang wika, ay may sariling set at tiyak na dami
ng mga ponema o makabuluhang tunog. Ang mga ponemang ito ang ating pinagsama-sama sa
isang natatanging paraan upang bumuo ng morpema.
Sa antas naman ng morpolohiya ay napag-alaman natin ang tungkol sa iba’t ibang uri at anyo
ng mga morpema na, tulad ng mga ponema, ay may natatangi ring kaayusan o distribusyon upang
bumuo ng iba’t ibang uri ng salita sa ating wika.
Ngayon naman ay pag-uusapan natin sa araling ito ang mga sistema ng pagsasama-sama o
pag-uugnay-ugnay ng mga salita upang bumuo ng pangungusap. Sa payak na payak na paraan ay
tatalakayin ang iba’t ibang balangkas ng mga batayang pangungusap sa Filipino at kung
papaanong ang mga ito’y mapapalawak.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, nararapat na natamo mo ang mga sumusunod:

1. Nasusuri ang mga bahagi ng pangungusap.


2. Nababalangkas ang mga pangungusap gamit ang iba’t ibang padron
3. Naipakikita ang kaalaaman sa pagpapaliwanag sa mga batayang kaalaman ng pangungusap
at mga bahagi nito (sintaksis);
4. Naipakikita ang kaalaman sa wastong paggamit ng pangungusap na may iba’t ibang kayarian
sa pamamagitan ng pagsulat ng maikling kuwento

LEARNING CONTENT

SINTAKSIS – Sistema ng pag-uugnay-ugnay at pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo


ng pangungusap.

PANGUNGUSAP – ito ay isang sambitlang may patapos na himig sa dulo. Ang patapos na himig
na ito ang nagsasaad na naipahayag ng ng nagsasalita ang isang diwa o kaisipang nais niyang
ipaabot sa kausap. (Santiago, 2003). Ang pangungusap ay maaaring buuin ng isang salita lamang
o ng lipon ng mga salita.

AYOS NG PANGUNGUSAP

TUWIRAN O KARANIWAN – nauuna ang panaguri sa paksa. Ito ay may patern na:

Panaguri + (ang) paksa


(Ang) panaguri + (ang) paksa

Halimbawa: Globo + ang representasyon ng mundo


Maging guro + ang pangarap niya.
Ang mga taong mapagkumbaba + ang magtatagumpay sa wakas.

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 1


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Study Guide in (FIL 104 – ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO) Module No. 6

KABALIKAN O BALIGTAD – sa kabalikang pangungusap, nauuna ang paksa sa panaguri.


Ang marker na ay ang nagtatanda na baligtad ang pangungusap. Ito ay may patern na:

(Ang) Paksa + ay + Panaguri


o
(Ang) paksa + ay + (ang) panaguri

Halimbawa: (Ang) paksa + ay + panaguri


Si April ay nagdarasal ng taimtim.
Ang pangarap ni ay maging nars.
Ang mga taong mapagkumbaba ay pinagpapala.

(Ang) paksa + ay + panaguri


Ang pinakamaganda sa magkakapatid ay ang bunso.
Ang tumulong sa kanya ay ang tatay ko.
Ang nasusunod lagi ay siya.

Dapat Tandaan: Katutubo sa pangungusap na Filipino ang mauna ang panaguri sa paksa.

BAHAGI NG PANGUNGUSAP

PAKSA – tumutukoy sa pinag-uusapan o binibigyang-pansin sa loob ng pangungusap.

URI NG PAKSA

Paksang Pangngalan – kung ang paksa ay nagtataglay ng pangngalan na


pinangungunahan ng panandang ang at si.

Halimbawa: Nagsusulat ng tula si Reynald.


Ang mga magsasaka ay naghihintay ng ulan.

Paksang Panghalip – kung ang paksa ay nagtataglay ng panghalip at gumagamit ng


panandang tulad ng ako, siya, kami, sila.

Halimbawa: Gagawa kami ng malaking parol.


Tayo ay may sariling kalinangan.

Paksang Pang-uri – kung ang paksa ay nagtataglay ng pang-uri na pinangungunahan ng


panandang ang.

Halimbawa: Nagtatagumpay ang matiyagang tao.


Kapuri-puri ang mga mapagpakumbaba.

Paksang Pandiwa – kung ang paksa ay nagtataglay ng pandiwa at pinangungunahan ng


panandang ang.

Halimbawa: Pinagalitan ang mga nagkopyahan.


Ang bibigyan ko ng pabuya ay ang maaasahan ko.

Paksang Pang-abay – kung ang paksa ay nagtataglay ng pang-abay na pinangungunahan


ng panandang ang.

Halimbawa: Ang ngayon ay ang kahapon ng bukas.

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 2


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Study Guide in (FIL 104 – ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO) Module No. 6

Ang tatay ang nasa States.

PANAGURI – bahagi ng pangungusap na nagbibigay-turing sa paksa.

URI NG PANAGURI

Panaguring Panggalan – kung ang panaguri ay nagtataglay ng pangngalan.

Halimbawa: Si Jayson ang may proposal nito.


Ang may gawa niyan ay ang anak ko.

Panaguring Panghalip – kung ang paksa ay nagtataglay ng panghalip at gumagamit ng


panandang tulad ng ako, siya, kami, sila

Halimbawa: Gagawa kami ng malaking parol.


Ito ba ay inyo?

Panaguring Pang-uri – kung ang panaguri ay nagtataglay ng pang-abay

Halimbawa: Sa Sabado darating si Kristine.


Ang mga magulang ko ay mapagmahal at mapag-aruga.

Panaguring Pandiwa - kung ang panaguri ay nagtataglay ng pandiwa.

Halimbawa: Mahirap ang magpakatao.


Ang umaayaw ay hindi nagwawagi

PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA

A. PENOMINAL – Tumutukoy sa kalagayang pangkalikasan

Halimbawa:
Umuulan!
Lumilindol!

B. TEMPORAL

Halimbawa:
Mainit!
Malamig ang panahon.

C. EKSISTENSYAL

Halimbawa:

Kaarawan ko na naman
Lunes ngayon.

D. PANAWAG

Halimbawa:

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 3


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Study Guide in (FIL 104 – ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO) Module No. 6

Nay!
Manong!

E. PANDAMDAM o MAIKLING SAMBITLA

Halimbawa:

Aray!
Talaga?

F. PORMULARYONG PANLIPUNAN

Halimbawa:

Magandang umaga!
Salamat!

G. MODAL

Halimbawa:

Gusto kong matulog.


Nagugutom ako.

H. KA-PANDIWA

Halimbawa:

Kauuwi lang.
Kadarating lang.

KAYARIAN NG PANGUNGUSAP

Ang pangungusap ay may apat na anyo o kayarian:

PAYAK/SIMPOL SENTENS - kung nagsasaad o nagpapahayag ito ng iisang diwa o


kaisipan. Ito ay may iba’t ibang anyo ng paksa at panaguri.

a. Payak na paksa at payak na panaguri.

Pag-aari ng Pilipinas ang Scarborough Shoal.


May malawak na pananaw sa buhay si Liester.

b. Payak na paksa at tambalang panaguri.

Matiyaga at masipag si Marymae.


Sila ay mag-aalaga at magtuturo sa mga batang kapus-palad.

c. Tambalang paksa at payak na panaguri

Matatalino ang mga guro at mga estudyante sa PSU.


Ang pusa at aso ay naglalaban.

d. Tambalang paksa at tambalang panaguri

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 4


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Study Guide in (FIL 104 – ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO) Module No. 6

Sina And Julie at Rey John ay nagbabasa at nakikinig ng radyo.


Naglaban at nagtagisan ng kakayahan sa basketbol ang mga PBA
Veterans at Rookies.

TAMBALAN/KOMPAWND SENTENS – Ang pangungusap ay tambalan kapag


binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa. Ang mga sugnay ay pina-uugnay ng
mga pangatnig na: at, pati, ngunit, subalit, o, saka, smantala, atbp. Ginagamit din ang bantas na
tuldok-kuwit (;) sa pangungusap na tambalan kung kinakailangan.

Halimbawa:

Mahal ni Toni Rose ang kanyang ina at mahal din siya ng kanyang ina.

Gusto kong sumama sa ekskarsyon ngunit marami akong asayment.

Ang tao ang nagmumungkahi; ang Diyos ang nagpapasya.

Matatagpuan ang Scarborough Shoal sa bahagi ng Zambales samantalang ang Spratley ay


malapit sa Palawan.

HUGNAYAN/KOMPLEKS SENTENS – Ang pangungusap na hugnayan ay binubuo


ng isang punong sugnay at isa o mahigit pang katulong na sugnay. Ang katulong na sugnay ay
ginagamit bilang panuring.

Halimbawa:

Magpakatino ka upang matuwa ang iyong mga magulang.

Pagbutihin natin ang ating pag-aaral bilang ganti sa ating mga magulang na nagsisikap sa
pagtataguyod ng ating pag-aaral.

Kapag itinuturo ang Filipino sa ating paaralan, iniintegreyt sa talakayan ang mga thrust ng
pamahalaan tulad ng pagpaplanong pampamilya, luntiang rebolusyon,
pantay na karapatan ng bawat kasarian, atbp.

Mapupunta ang Scarborough Shoal sa Pilipinas kung ipaglalaban ito ng pamahalaan.

LANGKAPAN/KOMPAWND KOMPLEKS SENTENS - Ang pangungusap ay


langkapan kapag binubuo ng dalawa o mahigit pang punong-sugnay at isa o mahigit pang katulong
na sugnay.

Halimbawa:

Pinatawad ni Aida si Gerard at sila ay nagsamang muli upang mabuo ang kanilang pamilya
at mabigyang kasiyahan ang kanilang dalawang anak.

Dumating ang panahon ng pandemya sa bansa kaya’t ang pamahalaan ay nabahala kung
saan ito kukuha ng gamot at kung ano ang gagawin nito sa mga manggaga-
wang nawalan ng hanapbuhay.

Lungkot ang nadarama ng tao sa bilangguan, kaya’t iwasan ang paggawa ng masama nang
hindi maranasan ang ganoong buhay.

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 5


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Study Guide in (FIL 104 – ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO) Module No. 6

Pinag-iingat ng pamahalaan ang mga taong malapit sa Scarborough Shoal at pinaghahanda


ang pwersang militar sa maaaring maganap na digmaan kung magtutuloy-tuloy ang
alitan ng Pilipinas at Tsina na nag-aagawan sa nasabing isla.

DAPAT TANDAAN:

Gumagamit ang mga pangungusap na tambalan, hugnayan at langkapan ng mga sugnay.


Ang SUGNAY ay lipon ng mga salita na may paksa o panaguri. Mauuri ito sa dalawa: PUNONG
SUGNAY (sugnay na makapag-iisa) at KATULONG NA SUGNAY (sugnay na di-makapag-iisa).
Ang payak na pangungusap ay isang punong-sugnay.

ACTIVITIES

A. ISULAT SA PATLANG ANG P KUNG PANGUNGUSAP AT H KUNG HINDI PANGUNGUSAP.

_______1. Magmadali

_______2. Kung sa pag-alis ni Kristine.

_______3. Nariyan na ba?

_______4. Hindi yata.

_______5. Bumalik siya.

_______6. Dadalhin ang lahat.

_______7. Sa paglalakad ko.

_______8. Sa pagdating niya’y wala na ako

_______9. Kumukulog!

______10. Lorena!

______11. Kung sakaling magbago ang isip mo.

______12. Sumumpa ka.

______13. Sina Dr. Marie Claire at Dr. Milleohnes

______14. Matabang iasdang nakuha sa ilog.

______15. Alis!

______16. Naku! Maniwala ka!

______17. Ang mga itik na iyan.

______18. Malayo ang tinitirhan nila.

______19. Hindi!

______20. Nang magising si Reynald.

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 6


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Study Guide in (FIL 104 – ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO) Module No. 6

B. SALUNGGUHITAN NANG MINSAN ANG BUONG PAKSA AT BILUGAN ANG BUONG


PANAGURI.

1. Marami silang bagong kasangkapang binili kahapon.

2. Matagal na sila roon.

3. Sinunog nila ang mga papel na nakatambak sa basurahan.

4. Nagpapaliwanag at nagpapalitan sila ng kuro-kuro.

5. Ang paborito kong asignatura ang pinag-aaralan kong mabuti.

6. Ilahad moa ng buong pangyayari.

7. Manananggol na ang anak ko.

8. Ang sumasayaw sa entablado ang nanalo sa paligsahan.

9. Hindi lamang maganda kundi matalino pa ang naging asawa niya.

10. Kahali-halina ang ayos ng dalagang Pilipina.

C. BASAHIN ANG BAWAT PANGUNGUSAP. ISULAT SA PATLANG KUNG ANG KAYARIAN NITO AY
PAYAK, TAMBALAN, HUGNAYAN AT LANGKAPAN.

________________1. Nagtatanong si Dennis kung kailan tayo uuwi sa probinsya.

________________2. Magtitinda sina Mary Ann at Annilyn ng mga face mask at face shield sa paaralan.

________________3. Sasama ka ba sa amin o maiiwan ka na lang sa bahay?

________________4. Gustong-gusto niyang makatulong sa mga magulang ngunit wala siyang mapasukang
trabaho na labis niyang ikinalulungkot.

________________5. Ikaw at ako ang mamumuno at mamamahala sa bahay habang wala sina Itay at Inay.

________________6. Si Caryl ay nagtaka nang biglang magalit si Mr. Palisoc.

________________7. Magsisimba muna ang mag-anak saka sila mamamasyal.

________________8. Ang taong di-marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang
Isda.

________________9. Tulong-tulong silang mag-anak sa paghahanap-buhay

_______________10. Matalino siya ngunit natigil siya ng pag-aaral dahil nag-asawa kaagad.

REFERENCES

Alagad-Abad, Marietta et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Tersyari Leval). SLA Publishing House.
Dagupan City. 2008.

Batnag, Aurora E. et al. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Rex Book Store
Publishing House. 2016.

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 7


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Study Guide in (FIL 104 – ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO) Module No. 6

Gines, Adelaida C. et. al. A Reviewer for the Licensure Examination for Teachers – Filipino. Phillipine Normal
University, Manila: Philippines, 2013.

Javier, Clarita G. et. al. Sandigan ng Komunikasyon para sa Kolehiyo Ikalawang Edisyon. Academic
Publishing Corporation. Madaluyong City: 2001.

Santiago, Erlinda M. & Inocencio, Evelina T. Ang Sining ng Pakikipagtalastasan sa Kolehiyo. National Book
Store. Madaluyong City: 2007.

Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G. Makabagong Balarilang Filipino, Binagong Edisyon. Maynila: Rex
Book Store. 2003.

https://quizlet.com/359673503/write
https://quizlet.com/359673503/test
https://dokumen.tips/documents/module-1-summary-fil-1.html
https://www.wattpad.com/60786069-komunikasyon-sa-akademikong-filipino-kalikasan-at
https://www.coursehero.com/file/18105439/SEMANTIKA/
https://prezi.com/chd4cfefslsk/semantika-wastong-gamit-ng-mga-salita-at-ang-pagpapahulugan/
https://www.slideshare.net/krispajaron/ponolohiyamorpolohiyasintaksis
researchgate.net/publication/
318528549_Pasalitang_Diskurso_ng_Tagalog_Varayti_sa_Taguig_Spoken_Discourse_Tagalog_Variety_in_T
aguig

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 8

You might also like