You are on page 1of 3

Mabini Colleges, Inc.

Daet Camarines Norte


College of Education

GEC 10e
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa
Filipino

Ipinasa Nina:
GROUP 9:
Millen Joy J. Moreno
Sheila Eboña
Erica Joy Soria
Cielo J. Sentin
Rex Sinanggote
Ipinasa Kay:
Rena De Leon

Schedule:
T.TH 8:30 AM – 10:00 AM
LEKTYUR O LECTURE
Ang lektyur ay tumutukoy sa oral na presentasyon ng mga impormasyon o karunungan
na kailangan ng tao para sa isang partikular na paksa. Maraming halimbawa ang lecture tulad
ng semon ng pari sa kanilang homiliya, pagbebenta ng mga negosyante sa kanilang target na
mamimili. Karaniwang nakatayo sa harap ng maraming tao sa isang silid o tiyak na lugar upang
maisagawa ang pagatatalakay ng paksa.
Naniniwala si Bligh (1972) na ang lektyur ay isang paraan ng pagtalakay sa
pamamagitan ng walang tigil na pagsasalita ng dalubguro. Higit na naging detalyado ang
depinisyon nina Percival at Ellington (1988) sa konseptong ito na nagsabi na ito raw ay isang
pamamaraan ng pagtuturo (didactic instructional method) na kinasasangkutan ng linyar na
komunikasyon mula sa aktibong tagpagsalita tungo sa mga pasibong tagatanggap ng
impormasyon. Ang nasabing gawain ay maaaring maging one way learning o active learning na
nakadepende sa estratehiya ng guro sa isang klaseng pangwika kung kaya nabuo ang
konsepto na hindi dapat ikahon sa apat na sulok na lamang ng silid-aralan ang klase.
Mahalagang salik na kailangang isaalang-alang ng lektyurer sa pagbuo ng lektyur ay
Layunin, Nilalaman at Istruktura at Mahahalagang kakanyahan ng isasagawang lektyur.
Mungkahi sa epektibong lektyur ay ang pagkakaroon ng kahandaan, pagkakaroon ng pokus,
pakikilahok ng mga tagapanood/tagapakinig at pagkuha ng komento o pidbak.
Marami itong mapaggagamitan katulad ng mga konperensya, sermon, at iba pa. ang lektyur
o lecture ay maaring magbigay ng mgasumusunod na kapakinabangan:
1. Madaling pagkakalantad sa mga bagong kagamitan;
2. Mataas na antas ng kontrol ng dalubguro saklase;
3. Kahali-halinang pormat na tugma upang pangasiwaan ang isang napakalaking pangkat
ng mga tagapakinig o manunood.
Sa kabilang dako, ang lektyur o lecture aymaaari ring magdulot ng hindi magandang
kapakinabangan katulad ng mga sumusunod:
1. Inilalagay nito ang mga mag-aaral sasitwasyon na pasibo ang pamamaraan ngkanilang
magiging partisipasyon sa proseso ngkomunikasyon;
2. Isa lamang ang daluyan o one-way angproseso ng komunikasyon;
3. Ang pagtalakay ay nakasalalay sa kasanayan okahusayahan ng tagapanayam (lecturer)
sakanyang isasaawang pagtalakay.
Mga Mahahalagang Salik Sa Pagbuo Ng Lektyur
Mahalagang isaalang-alang ng lektyurer sapagbuo ng kanyang lektyur ang mgasumusunod:

1. Layunin - ang pagkakaroon ng layunin sabagay na nais isagawa ang siyang nagibigay
ngmaayos na direksyon sa landas na tatahakin ngisasagawang lektyur. Kung wala ang
mahalagang pagsaalang-alang nito, asahan na walang tiyak na awtput o magandang
resulta ang isasagawang lektyur. Asahan na hindi makukuha ng mga partisipant ang
mahahalagang bagay na kailangan nilang malaman.
2. Nilalaman at istruktura -mahalaga din ito sa pagbuo ng panayam. Binibigyan nito ng
katiyakan na ang isang lektyur o lecture ay maglalaman lamang ng mahahalagang
kaalaman na dapat matutunan ng mga partisipant sa loob ng limitadong oras ng
pagtalakay.

Ang istruktura ng pagtalakay na ang nagbibigay ng baryasyon sa implementasyon ng


panayam ay makatutulong upang manatili ang atensyon ng mga partisipant sa
gawaing ito.
3. Mahahalagang kakanyahan ng isasagawang panayam o lektyur.

a. Mahalaga na pagtuunan ng pansin ng lektyurer ang panimula at ang wakas na


bahagi ng kanyang pagtalakay. Ang panimula ang siyang magtatalaga ng mood na
maaaring madala hanggang sa pinakadulong bahagi ng pagtalakay.

b. Ang paggamit ng angkop na katulong (visual aids) ay mahalaga rin upang


magkaroon ng kalinawan ang isasagawang pagtalakay na esensyal para sa maayos na
komprehensyon o pag-unawa ng mga partisipant sa lektyur.

c. Mahalaga na matutunan ng nagsasagawa ng lektyur na makapagbalik-tanaw sa


mga unang pagtalakay (recapitulation) upang makasigurado na higit na maunawaan
ng kanyang mga partisipant ang isasagawang pagtalakay.

d. Bagamat ang lektyur ay may kakanyahan na ang partisipant at ginagawang pasibo o


mga tagapakining lamang, marami ang pag-aaral na makapagpatunay na maaaring na
ang gawaing aktibo ang mga partisipant sa ganitong uri ng talakay.

e. Ang magsasagawa ng lektyur ay kailangang ng inobasyon para sa aktibong


partisipasyon ng kanyang mga partisipant. Maaari siyang gumamit ng alinman subalit
hindi limitado sa mga sumusunod: video clips, power point presentation,
pagkukuwento, paggamit ng sipi, pagbibigay ng mga katanungan.

References:
https://www.scribd.com/presentation/445356492/Filipino-Report-pptx

You might also like