You are on page 1of 4

DAVAO ORIENTAL STATE UNIVERSITY

INSTITUTE OF EDUCATION AND TEACHERS TRAINING


GUANG-GUANG, DAHICAN, CITY OF MATI, DAVAO ORIENTAL, 8200

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA I –


ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKA

____________________

Isang NARATIBONG-ULAT na ipinasa kay


Bb. HASMERA M. PACIO

___________________

Bilang Pagsasakatuparan sa Pangangailangan


ng Asignaturang EED104
(PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA I
ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKA)
ng kursong Bachelor of Elementary Education
1ST SEMESTER – A.Y 2022-2023

___________________

Ipinasa ni:

Rojas, Kim, L.
MGA NILALAMAN:

1. NARATIBONG-ULAT (Ilahad ng Komprehensibo- para sa mga


Tagapagsalita)

- Noong ika-28 ng Setyembre, nagkaroon kami ng pagpupulong sa aming


pangkat. Naganap ang pagpupulong gamit ang Google meet. Nagbotohan
kami kung sino ang aming gagawing focal person at ang napili namin ay si
Bb. Susan Malintad, dahil naniniwala kami na kaya niya at kaya naming lahat
na magampanan ang nakatakdang E-Talakayan. Pagkatapos ay pumili naman
ako ng aking paksa. Ang napili ko ay ang "Kagamitang Namamasdan",
kasama ko nito ay si Bb. April Shane Fernando.

- Naganap ang aming E-TALAKAYAN noong ika-6 ng Disyembre sa google


meet. Bandang 7:05 ng gabi nang umpisahan ang aming E-TALAKAYAN sa
pangkat tatlo. Pinangungunahan ito ng aming focal person at ako naman ay sa
panalangin. Sa daloy ng aming E-TALAKAYAN ay mayroon kaming
dalawang paksa, ito ay "Layunin sa Paglapat ng mga Kagamitang Panturo sa
Pagtuturo ng Estruktura at Gamit ng Wika sa Elementarya. Pangalawang
paksa ay "Iba't Ibang Uri ng Instruksyunal na Kagamitan o Kagamitang
Panturo sa Pagtuturo ng Estruktura at Gamit ng Wika sa Elementarya". Sa
pangalawang paksa nakapaloob dito ang mga sumusunod:
o Kagamitan sa Sariling Pagkatuto – tinatalakay nina Bb. Rejean Mae
Agapay at Johana Lucas.
o Kagamitang Namamasdan – tinatalakay namin ni Bb. April Shane
Fernando.
o Elektronikong Kagamitan – tinatalakay nina April Jen De Asis at
Alyssa Oraly Omani.
o Aktwal na Karanasan – tinalakay ni Bb. Susan Malintad.

- May pagsusulit rin kaming pinasagutan sa aming mga kaklase, gawa ito ni Bb.
Honiesa Bentayao. Sa daloy ng aming E-TALAKAYAN ay mas lalong
maintindihan namin ang gusto naming iparating sa aming mga tagapakinig.

- Sa araw na iyon, nagampanan namin ang aming E-TALAKAYAN na maayos


at matagumpay sa pamamagitan ng aming pagtutulungan upang makamit
namin ang aming minimithi sa aming aralin. Masasabi namin na matagumpay
ito dahil ginawa namin ang aming makakaya upang maipabatid sa kanila ang
mga layunin na dapat gawin bilang isang guro sa hinaharap.
2. ATTACHMENTS (Dokumentasyon)

Para sa mga Tagapagsalita:

- Mga Larawan (screenshot sa birtuwal na pagkikita)


(BAGO-HABANG-PAGKATAPOS ng E-TALAKAYAN)
● Maaaring makita ang iyong pangalan sa screenshot sa panahon ng inyong
E-Talakayan.

You might also like