You are on page 1of 2

PRES. QUIRINO WESLEYAN SCHOOL, INC.

National Highway, Brgy. Poblacion, President Quirino, Sultan Kudarat

4A’s SEMI-DETAILED LESSON PLAN


Name of Teacher: SAMER B. SALABAN Quarter: 2nd
Grade Level: 8 Teaching Dates: 11-08-23
Learning Area: FILIPINO Teaching Time: 9:45 – 10:45

I. OBJECTIVES

1. Naipaliliwanag ang sarsuwela


2. Naipaliliwanag ang sarsuwelang walang sugat
3.Nasusuri ang akdang napakinggan
4. Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mahihirap na salitang ginamit sa
akda
5. Nakapagsasadula ng piling pangyayari sa akdang napakinggan

II. SUBJECT MATTER

A. Topic: Walang Sugat ni Severino Reyes (Sarsuwela)


B. Materials: Laptop, chalk board
C. Skills: Makapagsuri, makapagpapalawak ng ideya
D. References: Kalinangan sa Pinagyabong na Wika at Panitikan, p197-214
E. Integration: pqwsi core values, ESP

III. LESSON PROPER

A. Preliminary Activities

1. Prayer
- Tatawag ang guro ng mag-aaral para sa panalangin

2. Greetings
- Magandang Umaga!

3. Checking of Attendance
Ang guro ay magtatala ng mga lumiban sa klase

4. Setting of Classroom Standards


- Bago tayo dadako sa ating talakayan sa umagang ito, paki ayos at pulutin ang mga basura sa
ilalim ng inyong upuan

5. Review
- Ang guro ay magtatanong tungkol sa nakaraang talakayan

6. Unlocking of Difficulties
- magpapakita ng mga salitang hindi pamilyar ang guro sa mga mag-aaral

7. Motivation
“TANONG KO, SAGOT MO”
Magtatanong ang guro na may kaugnayan sa paksang tatalakayin

B. Development of the Lesson

1. Activity
“SCRAMBLE WORD GAWING BETTER!
Papangkatin sa tatlong pangkat ang mag-aaral at magpapaunahan ang bawat pangkat sa
pagbuo ng mga ginulo-gulong letra.

2. Analysis
1. ano ang masasabi niyo sa nabuong salita?
2. sa tingin Ninyo ano ang koneksyun ng salitang iyan sa ating tatalakayin?

3. Abstraction
Tatalakyin ang akdang Walang Sugat ni Severino Reyes gamit ang libro ng guro at ng mga
mag-aaral na makikita sa pahina 197-209

Gabay na mga tanong


1. Ano ang pamagat ng Sarsuwela?
2. Sino – sino ang mga tauhan sa Sarsuwela?
3. Paano sinulusyonan ng mga pangunahing tauhan ang problemang kinaharap?
4. Ano ang paksa meron sa akdang nabasa?

4. Application
”TAWAG NG TANGHALAN!
Papangkatin ulit ng guro ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat, at isasadula ng bawat pangkat
ang piling tagpo sa tinalakay na akda.

IV. EVALUATION
“WORD WALL!
- Magtala ng mahihirap na salita na hindi naitindihan sa binasang sarsuwela at ilagay
ito sa word wall pati ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga
salitang ito. Ang nasabing Gawain ay makikita sa pahina 211.
V. ASSIGNMENT
-Manood ng isang pagtatanghal ng sarsuwela sa youtube at ibigay ang iyong sariling
interpretasyon

Checked by: __________________________________ Date: __________________________


Name & Signature

You might also like