I. LAYUNIN: Ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Nauunawaan ang gamit ng pangngalan; at b. Nasasagot ang pagsasanay sa mga gamit ng pangngalan
II. SANGGUNIAN: Pinagyamang Pluma 4, pahina 42-43.
III. PAGTALAKAY: (PROCEDURE)
Bilang pagsisimula, babalikan ng klase ang gamit ng pangngalan. Isa-isahin ang mga mag-aaral sa pagbibigay ng kanilang halimbawa. Kung lubos nang naunawaan ng mga mag-aaral ang aralin ay dadako na ang klase sa pagsasanay na ibibigay ng guro. Bibigyan ng guro ang mga mag-aaral ng sapat na oras upang tapusin ang pagsasanay. Pagkaraan, sasagutin sa klase ang naibigay na gawain. Bigyang-tuon ng guro ang mga maling sagot ng mga mag-aaral, ipatukoy sa kanila kung alin sa mga gamit ng pangngalan sila nalilito. Pahapyaw na talakayin muli ito sa klase gamit ang mga halimbawa upang lubos nilang maunawaan.