You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IX, ZAMBOANGA PENINSULA
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA CITY
PUTIK CENTRAL SCHOOL SPED CENTER

Name: Gina Mae V. Teñedo Date:____________________

Banghay Aralin sa Filipino


Baitang II

I-LAYUNIN

-Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, hayop, at lugar

II-PAKSANG-ARALIN

 Mga Salitang Naglalarawan


 F2WG-IIc-d-4
 Sanggunian: Teachers Guide p.179
 Kagamitan: Larawan, plaskard, laptap, television
 Integration: Math, Science, ESP, Arpan, Music, P.E and Health

III-PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Pamukaw-Sigla:

Magandang Umaga mga Bata, kumusta kayo?(Magandang Umaga


din po, kami ay nasa mabuting kalagayan) Bago tayo magsimula sa ating
leksyon tayo ay aawit muna,kayo ba ay may mga daliri? Ilang daliri tayo
meron? (sampu) bilangin natin ang ating mga daliri. Alam niyo ba ang
kantang “Sampung mga Daliri’’?(Opo) Magsitayo ang lahat sabayan niyo
ako. (Aawit ang mga bata na may kasamang galaw)Ano anong parte ng
katawan ang nabanggit sa kanta?(daliri, kamay, paa, tenga, mata, ilong,
ngipin) Paano natin mapanatiling malinis ang ating katawan?

2. Balik Aral

Balikan muna natin saglit ang leksyon ating natalakay kahapon,


Ano ulit ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa ngalan ng Tao, Bagay,
hayop at lugar? (Pangngalan)
B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak

- Bago tayo magsisimula nais ko muna pangkatin ang klase sa tatlong


grupo, ito ang magiging grupo ninyo para sa pangkalahatang
talakayan at Gawain,
- May inihanda akong “Behavioral Chart” ito ay para hikayatin ang bawat
grupo na makilahok sa ating talakayan at pang grupong mga Gawain .
(Ang guro ay ipaliliwanag ang gamit ng inihandang “Behavioral Chart”.
- May inihanda akong mga larawan, bawat grupo ay bibigyan ko ng mga
larawan, Mag iisip ng mga salitang naglalarawan dito, Paramihan ng
mga salitang maisusulat niyo sa limang minuto.
-

GRUPO A GRUPO B GRUPO C

- Pagkatapos ng limang minuto bawat grupo ay babasahin ang kanilang


mga nailistang mga salita. ( Magaling mga bata , mahusay ninyo
nailarawan ang mga larawan na binigay ko)-

2. Paglalahad

-Ngayon mga bata, ako ay naghanda ng isang tula, babasahin ko muna


ang tula para sa inyo pagkatapos ay kayo naman. Pero bago ko babasahin
ang tula ano ang dapat niyong gawin habang ako ay nagbabasa?(making ng
mabuti, huwag maingay)

3. Pagtatalakay
- Ano ang masasabi niyo tungkol sa tula? (maganda) Bakit mo nasabing
maganda?
- Tama! Ang tula ay tunay na maganda sapagkat para tayong dinala sa
isang napakagandang lugar at para tayong namasyal dahil
napakamalinaw na nailarawan ng may akda ang tula.
- Itanong ang mga sumusunod:
-
1. Ano ang pamagat ng binasa nating tula?( Sa Bukid) Sino sa inyo
ang nakapunta na sa bukid? Ano ang pakiramdam?
2. Ano ang lugar na inilalarawan sa tula? ( inilalarawan nito ang
malayong bukid)
3. Ano anong bagay ang inilarawan sa bukid?( inilalarawan ang
1. Paligid (malinis ba ang inyong paligid?bakit?
2. Halaman (Anong halaman meron kayo sa bahay? Ano ang dulot
sa atin ng mga halaman?
3. Klima (Anong klima ang gusto ninyo? Bakit?
4.Tao (Ano ang dapat nating gawin upang magkaroon ng
mabuting relasyon sa mga taong nakapaligid sa atin?
5. Hangin (Paano magiging marumi ang hanging hinihinga
natin?)
6.Dagat (Ano ang mayroon sa dagat?Ano ang dapat gawin para
manatili itong buhay?
7.Tanawin sa bukid (Bakit maganda ang tanawin sa bukid? Ano
ang dapat gawin?

4. Ano ang tawag sa mga ito?(Mga Pangngalan ang inilalarawan sa


tula)
- Balikan natin ang tula, masdan ang unang pangungusap ( Muli nating
basahin ang unang pangungusap, Alin sa mga salita ang Pangngalan?
(Bukid ang Pangngalan sa unang pangungusap)
- Paano inilalarawan ang bukid? (inilarawan ito na malayo)
- Ang tawag sa mga salitang naglalarawan ay Pang-Uri (Ang guro ay
ibibigay ang kahulugan ng Pang-uri)
- Dito naman sa pangalawang pangungusap, Ano ang inilalarawan dito?
(Ang Pangngalan sa pangalawang pangungusap ay paligid,
inilalarawan ang paligid na payapa at lunti)
- Dumako tayo sa ikatlong pangungusap, Ano anong Pangngalan ang
nakikita nito? Paano ito inilarawan?(Ang halaman ay inilarawan na
Marami, ang klima ay inilarawan na malamig)
- Ito naming ikaapat na pangungusap ay muli nating basahin. Ano ang
Pangngalan ditto at paano ito inilarawan?Ang pangngalan sa ikaapat
na pangungusap ay tao at inilarawan ito na mabait)
- Ano ang tawag sa mga salitang naglalarawan? (Pang uri ang tawag sa
slitang naglalarawan)
- Sa pangalawang taludtod naman pakibasa ang unang pangungusap,
sabihin ang pangngalan at paano inilarawan (Inilarawan ang hangin
na malinis at dalisay)
- Sa ikalawang pangngusap Ano ano ang pangngalan at paano ito
inilarawan ( Sa pangalawang pangungusap dagat at langit ang
pangngalan at inilarawan ito na asul at bughaw)
- Ano ulit ang tawag sa salitang naglalarawan? (Pang uri)
- Sa sunod na pangungusap ilan ang pangngalan? Ano ano ang
pangngalan at paano ito inilarawan?(dalawa ang pangngalan sa
pangungusap, bukid na inilarawan na malawak at palay na inilarawan
na sagana)
- Sa huling pangungusap , ano ang pangngalan dito? Paano ito
inilarawan?(Tanawin ang Pangngalan sa huling pangungusap at
inilarawan ito na marikit at kaakit akit.
- Ano ang tawag sa salitang naglalarawan? Pang uri ang tawag sa
salitang naglalarawan)
- Magbigay ng ilang mga halimbawa ng Pang uri
Halimbawa:
Maganda Malapad Malinis Mataas
Payat Bilog Tahimik Manipis
Matigas Maitim Dilaw Mabaho

4.Pagsasanay

A. Bilugan ang salitang naglalarawan sa mga sumusunod: (tatawag ng

bata para sumagot)

1. BUKID 6. DAGAT
2. HALAMAN 7. LANGIT
3. KLIMA 8. PALAY
4. MGA TAO 9. TANAWIN
5. HANGIN

B. Pagtugmain ang angkop na salitang naglalarawan sa katapat na


Larawan

Mahalaga ba ang
bahay? Bakit?

Kaibigan bang
maituturing ang apoy?
Bakit? Paano siya
magiging kaaway?

Ano ang dapat gawin
upang mapanatilihing
buhay an gating mga
halaman?

Tama ba ang
magpataba? Bakit?

Ano ang magandang


gawin sa mainit na
panahon?

C.PANGKATANG GAWAIN: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod


na mga salitang naglalarawan.

1. Mataas 6. malawak
2. Berde 7. mapagbigay
3. Maputi 8. asul
4. Malago 9. mabango
5. Mabangis 10. Malutong

5.Paglalahat

- Ano ang tawag sa salitang naglalarawan? Ano ang inilalarawan ng pang


uri? (Ang Pang uri ang tawag sa mga salitang naglalarawan sa anyo,
hugis, bilang, sukat, kulay, uri at iba pang mga katangian ng isang tao,
bagay, hayop at lugar.)

6.Paglalapat

-Mga bata humarap kayo sa inyong katabi, Ilarawan ang inyong kamag

aral ayon sa mga sumusunod: (tatawag ng magkaparehang bata)

1. Buhok (Mahalaga ba ang buhok? Bakit? Paano mo ito inaalagaan?)


2. Mata (Ilang mata tayo meron? Mahalaga ba ito?)
3. Ilong (Ano ang mangyayari kung walang ilog?)
4. Taas
5. Katawan (Paano mo inaalagaan ang iyong katawan?)

IV-PAGTATAYA
Direksyon: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa patlang.

V-TAKDANG-ARALIN

I-Magtala ng limang salitang naglalarawan, gamitin ito sa sariling pangungusap.

Observee:

GINA MAE V. TEÑEDO


Teacher I

Observers:

LINA D. BASTASA FLORIANO D. LUMAGBAS


Master Teacher III Elementary School Principal II

You might also like