Si Kara Kag An Iya Mga Amiga - Fil - PORTRAIT - V12023.04.17T135203+0000

You might also like

You are on page 1of 21

Si Kara at ang kaniyang mga Kaibigan

Mary Jean Punay-Albao


Al Ferdinand M Salvacion
“Mama, bakit po palagi tayong
naghuhugas ng ating mga
kamay? tanong ni Tamtam.
Hindi sumagot ang kaniyang ina.
Tahimik lang ito habang
binabanlawan ang mga kamay ni
Tamtam.

1
Panay ang tanong ni Tamtam
habang pinupunasan ng ina ang
kaniyang mga kamay.
“Bakit po lagi kayong naglalagay
ng alkohol sa kamay bago
pumasok sa bahay kapag galing
kayo sa trabaho?” tanong ni
Tamtam. Hindi pa rin sumasagot
ang ina. Hinawakan nito ang
kamay ni Tamtam at naglakad sila

2
patungo sa mesa para
maghapunan.

3
“Mama, bakit po kayo nagsusuot
ng mask kapag lumalabas kayo?”
tanong ni Tamtam na malungkot
na dahil hindi sumasagot ang ina.
“Tamtam, gusto mo bang marinig
ang kwento ni Kara at ng
kaniyang mga kaibigan?” tanong
ni mama.
“Sige po, mama!” excited na sabi
ni Tamtam. “Sige, makinig ka

4
nang mabuti.”

5
Sa palasyo ng Mediko, may
tatlong magkakaibigan, si Kara,
Sabby, at Alco.
Nasa palasyo lahat ng kabutihan
at doon lahat ay malakas ang
pangangatawan. Kaya naman lagi
nila itong binabantayan.

6
Magulo ang pangit na si Covy,
nakasakay sa bulang matinik.
Dala niya’y bakterya na
nakakatakot! Sa mga tao siya’y
mahilig makialam.

7
Hindi napansin ni Sabby ang pag-
atake ni Covy kaya naubusan siya
ng tubig at si Covy ay nakatakas.
Hindi nagpapaawat si Covy kaya
tumulong si Alco gamit ang asido.
Kaya si Covy ay umusok.

8
Malakas ang kalaban. “Kara,
depensa!” sigaw ng dalawa. “Si
Covy malapit na, dala niya ang
epidemya!”
Tumulong si Kara. Gumawa siya
ng panangga gamit ang manipis
na tela. Binalot niya ang palasyo.

9
Si Covy hindi makalusot. Bitbit
pauwi ang mga bakteryang
nakakatakot; nanghina na at
natakot, tumakas siya gamit ang
sasakyang bulok.

10
“Yay! Ang galing po pala nila
Kara!” masayang wika ni Tamtam.

11
“Nang mabalitaan ng hari at reyna
ang nangyari, nagdagdag sila ng
mga bantay sa palasyo. May mga
bago nang kasama sina Kara; Si
Susie na mahilig kumain ng
masustansya.
Si Resty na laging natutulog sa
tamang oras. Si Vicky na hindi
natatakot magpabakuna. Si
Dexter na mahilig mag-ehersisyo.

12
Natakot si Covy na bumalik sa
palasyo nang mabalitaang
marami nang kasama sina Kara.”
patuloy na pagkukwento ng ina.

13
“Masustansya po ba ang hapunan
natin, mama?” tanong ni Tamtam.
“Oo, Tamtam, ang pinakbet ay
iba-ibang uri ng gulay, isda at
hipon kaya masustansya ito.
Uminom ka ng tubig at
magtoothbrush agad dahil
matutulog tayo ng maaga.”
mahinahong tugon ng ina.
Sinunod ni Tamtam ang utos ng

14
ina. “Salamat po mama sa iyong
kwento. Marami akong
natutunan,” wika ni Tamtam.

15
 

16
This book was developed as part of the ABC+:
Advancing Basic Education in the Philippines
project. ABC+ is a partnership of USAID
and the Department of Education (DepEd),
implemented by RTI International together
with The Asia Foundation, SIL LEAD, and
Florida State University.
This book was quality assured by Aizzel M.
Luzong, Vilma Ponferrada, and Rolicelia
Endrina and was approved for publishing
by the Department of Education Region V –
Bicol Learning Resource Management Section
(LRMS) of the Curriculum and Learning
Management Division (CLMD).
This book was field tested by Maricho Sun P.
Llabres.

17
This work is licensed under the Creative
Commons Attribution-NonCommercial 4. 0
International License (CC BY-NC 4. 0). You are
free to copy, distribute, transmit, and adapt
this work but not for commercial purposes
and under the following conditions:
If you copy and distribute this work in its
entirety, without making changes to content
or
illustrations, please label the work as follows:
“Reproduced on the basis of an original work
developed under the USAID ABC+: Advancing
Basic Education in the Philippines project
and licensed under the Creative Commons
AttributionNonCommercial 4. 0 International
License.”
If you create a translation of this work,
please use the following label on your work:
“Translated from an original work developed
under the USAID ABC+: Advancing Basic
Education in the Philippines project and

18
licensed under the Creative Commons
Attribution-NonCommercial 4. 0 International
License.”
If you create an adaptation of this work,
please use the following label on your work:
“This is an adaptation of an original work
developed under the USAID ABC+: Advancing
Basic Education in the Philippines project
and licensed under the Creative Commons
Attribution-NonCommercial 4. 0 International
License.”

19
Brought to you by

Let’s Read is an initiative of The Asia Foundation’s Books for Asia


program that fosters young readers in Asia and the Pacific.
booksforasia.org
To read more books like this and get further information about
this book, visit letsreadasia.org

Original Story
Si Kara at ang kaniyang mga Kaibigan (Protecting the Palace).
Author: Mary Jean Punay-Albao. Illustrator: Al Ferdinand M
Salvacion. Contributor: USAID’s ABC+: Advancing Basic Education
in the Philippines.

Published by The Asia Foundation - Let’s Read, © The Asia


Foundation - Let’s Read. Released under CC-BY-NC-4.0.

This work is a modified version of the original story. @ The Asia


Foundation, 2023. Some rights reserved. Released under
CC-BY-NC-4.0.

For full terms of use and attribution,


http://creativecommons.org/licenses/by-nc/4.0/

Contributing translators: Arianne Huelva

You might also like