You are on page 1of 3

PANGHULING PAGSUSULIT

(Pagdadalumat ng salitang Iloco)

Jericho E. Arellano
BS-ARCH 4A
(Presenter)

“SALIMETMET”
(Dinalumat na salita)
 ALWAD (ILOCO)
 INGAT (TAGALOG)

Etimolohiya
Ayon sa aking papa (napagtanungan), hindi nya daw alam kung saan nanggaling ang
salita pero palagi nya daw itong naririnig sa kanyang magulang at ganito din sa kanyang lola
at lolo. Si papa kasi ay nakatira dito sa Ilocos Sur at nag tratrabaho ito sa San Fernando La
Union bilang isang police, kaya ta tuwing aalis si papa sinasabihan nila ito ng “Salimetmetam
ta bagim” bago pumunta sa kanyang pinagtatrabahuan.

Epekto sa:
POLITIKA
Sa tuwing papalapit na panahon ng halalan, maraming kandidatong kalahok ang
nagbabait – baitan para makuha ang simpatsiya ng mga tao upang sila ay iboto. Panatilihing
ingatan ang ating mga boto para sa tamang tao na alam nating nararapat dahil satin din mismo
nakasalalay ang magiging hinaharap ng ating bansa.

KULTURA
Ang bansang Pilipinas ay mayaman sa kultura at batid nating lahat na ito ay dahil sa
ating mahabang kasaysayan. Maraming pamamaraan upang maipakita natin ang
pagpapahalaga natin sa ating sariling kultura. Halimbawa nito ang paggamit, pagpapayaman,
at paglinang sa ating sariling wika. Bilang pagpapakahulugan, ang ating wika ang
sumisimbolo sa katauhan bilang isang Pilipino, ayon kay Dr. Jose Rizal, "Ang hindi
marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda." Ang isang bansa na
may sariling wika ay nangangahulugang malayang bansa. Ang ating kultura ay nagsisilbing
simbolismo ng ating bansa dahil nakikilala tayo dito bilang mga Filipino. Dapat nating
pahalagahan ang kultura dahil ito ang nagsisilbing identidad ng mga Filipino.

EKONOMIYA

Alam naman natin na napakahalaga ng tanawin o kapaligiran hindi lamang para sa


mga tao kundi sa buong mundo. Kailangang alagaan ito sapagakat ito ay importante sa buhay
natin dahil nagdudulot ito ng kaligayan o kasiyahan at nagbibigay kalmadong kaisipan saatin.
Isa pa, mahalagang bagay ito sa bansa natin dahil tumataas ang ekonomiya natin sa bagay na
ito. Tumataas ang bilang turistang dumadayo para lamang makita ang magandang tanawin
dito na nagpapa-unlad sa ating bansa. Gayundin, ang mga likas na tanawin ay marahil
nagiging tahanan ng maraming mga hayop na nagbibigay proteksyon sa kanila.

Mga patunay

You might also like