You are on page 1of 3

NEW ERA HIGH SCHOOL

Ikatlong Markahan
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao VII
MS. MARY QUEL E. KITAN
Marso 13-17,2023

LEARNING COMPETENCY
Natutukoy ang iba’t ibang antas ng pagpapahalaga at ang mga halimbawa ng mga ito (EsP7PB-IIIc-10.1 )

I. LAYUNIN
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
A. Nairaranggo ang iba’t ibang pagpapahalaga.
B. Natutukoy ang apat na antas ng pagpapahalaga ayon kay Max Scheler
C. Nakapagbibigay ng mga halimbawa para sa bawat antas ng pagpapahalaga.

 II. NILALAMAN
A. Paksa:
Modyul 10: HIRARKIYA NG PAGPAPAHALAGA
B. Kagamitan: tulong biswal, presentasyon gamit ang powerpoint, manila paper at pentel pen.
C. Sanggunian: Modyul pahina 23-35

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a. Pagdarasal
b. Pagbati ng Guro
c. Pagtatala ng liban
d. Balik-Aral:
Review Game: Sampung tanong na may kinalaman sa Birtud at Pagpapahalaga.

B. Paglinang ng Aralin
a. Gawain (Aktibiti)
Panuto: Makikita mo sa mga sumusunod na larawan ang ilang bagay na mahalaga sa tao.Ayusin mo
ang mga larawan ayon sa antas ng pagpapahalaga mo dito. Simulan sa mababang halaga hanggang sa
pinakamahalaga. Isulat ang iyong paliwanag kung bakit ganito ang paraan ng pagsasaayos mo ng mga
larawan. Ano ang naging batayan mo sa pagpili ng larawan mula sa hindi gaanong mahalaga hanggang sa
pinakamahalaga? Ilagay mo sa bilang sampo ang bagay na para sa iyo pinakamababa ang pagpapahalaga mo,
pataas hanggang sa bilang isa ang pinakamahalaga. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

b. Pagsusuri (Analisis)
Tanong:
1. Kung papipiliin ka lamang ng apat sa iyong inilistang mga pinahahalagahan, ano-ano ang ititiramo?
Ipaliwanag.
2. Mula sa apat na ito, suriin ang antas ng pagpapahalaga mo sa mga ito sa pamamagitan ngpagpapaliwanag
kung bakit mas mahalaga ang ikatlo kaysa sa ikaapat na pagpapahalaga. Bakit mas mahalaga ang ikalawa
kaysa sa ikatlo at bakit mas mahalaga ang una kaysa sa ikalawang pagpapahalaga?
3. Sa palagay mo, tama ba ang iyong pagpapahalaga sa mga ito? Pangatuwiranan.
4. Bakit mahalagang matutuhan ng tao ang mamili ng tamang pahahalagahan?
C. Pagtatalakay
- Presentasyon ng paksa.
ANG MGA HIRARKIYA NG PAGPAPAHALAGA
 Ano-ano ba ang mahalaga sa isang kabataang katulad mo? Marahil, iba-iba ang sagot mosa tanong na ito. Maaaring
pagkain, hangin, buhay, pag-aaral, magulang o kaibigan atmarami pang ibang bagay na para sa sarili mong pananaw
ay mahalaga. Hindi marahiltayo makatatagpo ng dalawang taong may magkatulad na mga pinahahalagahan,
omaaaring mayroon ngunit ang paraan at antas ng pagpapahalaga sa mga ito ay nanatilingmagkaiba.

 Ipapaliwanag ang sinulat ni Max Scheler na Limang Katangian ng Mataas naPagpapahalaga (mula sa tesis ni Tong-
Keun Min na “A Study on the Hierarchy of Values”).
Pangkatang Gawain:

 Ipapagawa sa mga mag-aaral ang hagdan ng pagpapahalaga batay sa Hirarkiya ngPagpapahalaga ni Max Scheler.

 Magtala ng limang bagay na pinapahalagan mo sa iyong sarili batay sa Hirarkiya ngPagpapahalaga ni Max Scheler.

 Gamit ang mga lumang magazine, gumupit ng mga larawan at idikit ito sa manila paper.Pagkatapos ng gawain
bibigyan ng 3 minuto ang bawat grupo na maibahagi ito sa buongklase.
Ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga ayon kay Max Scheler (Dy, M. Jr., 1994)
Pangkat 1. Pandamdam na mga Pagpapahalaga (Sensory Values).Pangkat 2. Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital
Values).Pangkat 3. Mga Ispiritwal na Pagpapahalaga (Spiritual Values).Pangkat 4. Banal na Pagpapahalaga (Holy
Values).
4. Pangwakas na Gawaina. Paghahalawa.1. Paglalahat
1. Sa ano-anong antas nabibilang ang iyong mga pinahahalagahan?2. Saan nakasalalay ang pagbuo ng pagkatao ng
tao at pagkamit ng mataas na mgapagpapahalaga? Ipaliwanag.3. Paano mo masasabing ang isang pagpapahalaga ay
mataas kaysa sa isa pangpagpapahalaga?4. Sa gagawing kilos ng tao, bakit kailangang piliin ang pagpapahalaga na
nasa mas mataasna antas kaysa sa pagpapahalaga na nasa mababang antas?
a.2. Pagpapahalaga
  
 Para sa iyo,
Bakit mahalagang ibatay ang isasagawang pamimili ng pahahalagahan saHirarkiya ng Pagpapahalaga?

 Basahin ang kuwento:
Si Langgam at Si Tipaklong 
 
Tanong:
1. Anong pagpapahalaga ang taglay ni langgam? Ni tipaklong?2. Kaninong pagpapahalaga ang nasa mataas na antas?
Patunayan.
a.3. Paglalapat (Aplikasyon)
 
 
- PagsasabuhayGabayan mo ang iyong sarili sa pagpili sa mas mataas na antas ng pagpapahalaga sapamamagitan ng
pagtatala ng pagpili mo sa dalawang pagpapahalaga. Gagawin mo ito araw-arawsa loob ng dalawang linggo. Layon
nitong sanayin ka na maging mapagbantay sa pagpili ng masmataas na pagpapahalaga. Gamiting gabay ang
halimbawa sa ibaba:
Sarili Ko, Gabay KoPetsa/Araw
PinipilingPagpapahalagaPinagpiliangPagpapahalagaAntas Naging DamdaminMababa Mataas
LunesBantayan angkapatid dahilmay pinuntahanang nanay koNag-aral ngleksyonMakipaglaroMakipaglaro
sabarkadaManood ngpaboritongteleserye

 

 Nasiyahan sapagkatnagbonding kami ngkapatid ko naramdamankong naging close kami sa
isa’t isa.
Mas naunawaan ko angaming
leksyon kaya’t
handa ako sa pagsusulit namaaaring ibigay ng amingguro.
IV. PAGTATAYA
Gawain 1Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinaka angkopna sagot
at isulat ang titik nito sa inyong kwaderno. Modyul pp. 24.Susi sa
Pagwawasto:1. c 6. c2. c 7. a3. b 8. b4. a 9. a5. c 10. d
V. TAKDANG ARALINPagninilay
Sa iyong journal isulat ang iyong pagninilay sa tanong na:1. Aling antas sa iyong hagdan ng pagpapahalaga ang
marami kang pagpapahalagang natukoy? Alinang may kaunti?2. Ano ang sinasabi nito tungkol sa iyong mga
pagpapahalaga?3. Paano mo masasabing nasa mataas na antas ang iyong mga pagpapahalaga?4. Ano ang gagawin
mo upang mapataas ang antas ng iyong pagpapahalaga?

You might also like