You are on page 1of 2

TEACHER: JOMAR M.

FAMA GRADE LEVEL: 9

Mga Interbensyon sa Paglinang ng Kasanayang Komunikatibo

 Lights! Camera! Tableau!


 MAPA pakwento ka.
 KWENTUNGAN: Kwento ko, Dugtungan mo.
 TELENOBELA
 FACT or BLUFF
 FAMILY FEUD
 Tala LARAWAN

Lights! Camera! Tableau!

PAGLALARAWAN

Ito ay isang uri ng interbensyon na naglalayong ipakita ang kahusayan ng mga Mag-aaral sa
pag-akting at pagsasadula ng mga pangyayari sa bawat kabanata ng NOBELA sa pamamagitan ng pagbuo ng
larawan o aksyon na hindi kumikilos ang mga tauhan upang makita ng mga huhula tungkol saan ang
senaryo.

Ang TABLEAU ay salitang Ingles na nangangahulugan at tumutukoy sa isang grupo ng mga


modelo o mga pigurin na hindi gumagalaw upang ilarawan ang isang senaryo sa isang kwento. Isang
epektibong aktibidad upang turuan ang mga mag-aaral sa senaryong nais ikwento o isalaysay.

LAYUNIN nito na magkwento at mahubog ang kakanyahan ng mga mag-aaral sa pagsasalaysay


ng pangyayari sa malikhaing pamamaraan.

PAMAMARAAN

1. Gamit ang Electronic Book sa talakayan. Isang anyong komiks na ginagamit sa paglalahad ng bawat
kabanata ay susuriin ng mga Mag-aaral ang mga pangyayari at bawat pahina ay may naatasang
magpaliwanag.

2. Pagkatapos ng talakayan. Inaasahang ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng 5 minuto upang


rebyuhin ang kabanata at hindi maaaring magbukas ng anumang uri ng kopya para gamitin sa
pagtatanghal
3. Mayroong 5 pangkat. Ang guro ay may nakahandang 5 papel kung saan dito nakasulat ang mga
pangyayari na kanilang babasahin at gagawin sa loob ng 5 minuto.
4. Ang pagpapaliwanag sa bawat pangyayari pagkatapos ng pagtatanghal ay nakabahagi sa mga ss.
 Ika-5 pangkat papaliwanag ang 1 pangkat
 Unang pangkat papaliwanag ang 2 pangkat
 2 pangkat papaliwanag ang 3 pangkat
 3 pangkat papaliwanag ang 4 pangkat
 4 pangkat papaliwanag ang 5 pangkat
5. Dapat isaalang-alang ang Tamang Kilos o pagportray sa senaryo, tiyempo, tindig, ekspresyon ng
mukha at pagkakabuo ng tableau.
6. Bawat grupo ay may 3 senaryo.

KASANAYANG LILINANGIN (MELCS)


1. PAGBASA 2. PANUNUOD 3. PAGSASALITA

 Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at sa nakararami


F9PS-IVa-b-58
 Naitatala ang nalikom na datos sa pananaliksik
F9PU-IVa-b-58
 Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mgapangyayaring naganap sa buhay ng
tauhan
F9PN-IVd-58
 Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa: pagpapaliwanag paghahambing pagbibigay ng
opinyon
F9WG-IVg-h-62

LEBEL
Para sa mga mag-aaral ng grade 9 na di-nakababasa hanggang sa malayang nakababasa

You might also like