You are on page 1of 9

Paaralan Baitang: 10

LESSON Guro Antas:  


EXEMPLAR Petsa: Markahan: Unang Markahan
 
Oras: Bilang ng araw:  1
 

Learning Area Filipino

Learning Delivery Modality Modular Distance Modality (Learners-Led-Modality)

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan
Ang mag-aral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga
B. Pamantayan sa Pagganap isinagawang critque tungkol sa alimang akdang
pampanitikang Mediterranean
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Naihahambing ang ilang pangyayari sa napanood na dula sa
mga pangyayari sa binasang kabanata ng nobela
Pagkatuto (MELC)
F10PD-Ig-h-66
D. Pampaganang Kasanayan

(If available, write the attached enabling


competencies)

II. NILALAMAN

III. KAGAMITAN PANTURO

A. Mga Sanggunian

Filipino 10- Patnubay ng Guro pp


1. Mga pahina sa Gabay ng guro

2. Mga pahina sa Kagamitang Filipino 10 - Modyul Para sa Mag-aaral pp.


Pangmag-aaral

SIKHAY 10- WIka at Panitikan pp.


3. Mga Pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula sa


Portal ng Learning Resource

5. Listahan ng mga Kagamitang .slide deck


Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan video

IV Pamamaraan
A. Panimula Sasabihin ng guro:
(Introduction)
Bago nating simulan ang talakayan sa araw na ito,
(10 minutes) tunghayan natin ang inihandang pagtatanghal ng dula ng
bawat pangkat. (Ibinigay na ang bahaging ito bilang
takdang-aralin)
1. Hahatiin ang klase sa mga grupong may tiglilimang miyembro.

2.Magpapalabunutan ang bawat grupo kung alin sa mga


sumusunod na tagpo ang kanilang isasadula:

 Isang araw na tinambangan ni Fr. Frollo si La Esmeralda


ngunit hindi natuloy ang masama nitong balak sa dalaga.

 Pinaako ni Fr. Frollo kay Quasimodo ang ginawa niya at


nakatakdang bitayin si Quasimodo ngunit nakiusap si La
Esmeralda kaya't pinalaya ito. 

 Isang kapitan ng kawal ang umibig kay La Esmeralda


ngunit pinagtangkaan itong patayin at pinagbintangan si La
Esmeralda kaya siya hinatulang ibitay.

 Pinapamilil siya ni Fr.Frollo "bitay o ang ibigin siya", ngunit


mas pinili ni La Esmeralda ang mabitay. Nang makita ni
Quasimodo na wala ng buhay ang dalaga ay inihulog niya
mula sa tore ang pari bilang paghihiganti. Mula sa araw na
iyon ay hindi na siya nakita pa ngunit nang hukayin ang
labi ni La Esmeralda ay nakitang nakayakap sa kalansay
nito ang kalansay ng isang kuba.

TANDAAN:
Bibigyang-diin na kailangang maging bahagi ng pagsasadula ang
lahat ng miyembro ng grupo. Kung kakaunti lamang ang tauhan,
dapat makaisip ng paraan ang mga miyembro kung paano
magiging bahagi ng pagtatanghal ang bawat isa.

Simulan natin ang pagtalakay sa sumusunod na gawain:

ANO ANG DAPAT KONG MALAMAN?


GAWAIN 1: IHAMBING MO…DULA KO…BINASA
KO!
PANUTO: Gamit ang venn diagram, paghambingin ang
katangian ng isang nobelang binasa sa iba pang uri ng
akda tulad ng dula.

Nobela Dula

ANO ANG BAGO?


GAWAIN 2: K-W-L
PANUTO: Punan ang hinihingi ng talahanayan.
AKDA ALAM NAIS NALAMAN O
MALAMAN NATUTUHAN

NOBELA
DULA

Sasabihin ng Guro:
Bago natin ipagpatuloy ang talakay, alamin natin
ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa
panimulang pagsusulit.
ANO ANG AKING NALALAMAN?
GAWAIN 3: PANIMULANG PAGSUSULIT
B. Pagpapaunlad
PANUTO: Lagyan ng tsek (/) ang katangian ng nobela
(Development)
at ekis (X) kung katangian ng dula.
(10 minutes)
1. Ang nobela ay isang mahabang kuwento na binubuo
ng maraming kabanata.

2. Layunin nito itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos


o galaw ang kaisipan ng may-akda.
3. Ang kuwento’y maaaring nakasentro sa iisang banghay o
kaya sa isang banghay na may maliliit na banghay sa
kabuuan ng nobela.

4. Katulad ng ibang akdang pampanitikan, ang itinatanghal


ay hango sa totoong buhay.

5. Ang pangunahing layunin nito ay ang paglahad ng


hangarin ng bida at kontra bida ng kuwento. Ito ay ginagawa
sa isang malikhaing pagsasalaysay ng pangyayari.
SUSI SA PAGWAWASTO
1. /
2. X
3. /
4. X
5. /

Sasabihin ng guro:
Kung ang iskor mo ay 4 o 5 ay binabati kita. Pero kung
hindi ay ok lang. Ipagpatuloy mo ang pagsagot sa gawain.
ANO ANG MAYROON?
GAWAIN 4: UNAWAIN MO!
PANUTO: Ipapanood sa mga mag-aaral ang dulang “Ang
Munting Prinsipe” sa link na https://www.youtube.com/watch?
v=KVXzF42OCGI. Ikukumpara ang “Ang Kuba ng Notre Dame ”
sa napanood na dula batay sa mga bahagi nito. Gamitin ang
talahanayan bilang gabay sa gawaing ito.
Bahagi Ang Kuba ng Notre Ang Munting
Dame Prinsipe

Simula

Gitna

Wakas

Pamprosesong Tanong:
1. Kung ikaw si Quasimodo, ano ang gagawin mo sa
ginawang pananakit sa iyong minamahal? Bakit?
2. Kung ikaw naman ang munting prinsipe, ano pa ang mga
bagay na gusto mong matutunan upang maging mas
mabuting prinsipe?

Sasabihin ng guro:
Kung hindi ninyo gaanong naunawaan ang mga bahagi
ng aralin, iminumungkahi kong isagawa ninyo ang
sumusunod na gawain

ANO IYON?
GAWAIN 5: MULING ISAGAWA MO!
PANUTO: Maghanap ng kapareha at muling basahin nang
sabay-sabay ang teksto/akda. Pagnilayan ang akda at itala
ang mahahalagang aral na nakuha sa kuwento. Pagkatapos
ay hayaang ipaliwanag ang mga naitala.

ANO PA?

C. Pakikipagpalihan GAWAIN 6: SURIIN MO PA!


(Engagement)
PANUTO: Magsaliksik ng panunuring pampanitikan.
(15 minutes) Pagkatapos tukuyin niya ang mahahalagang bahagi nito at
pangatwiranan kung mahusay o hindi ang panunuri ng may-
akda sa panitikan. Magiging gabay ninyo ito sa pagbuo ng
sariling panunuri.

ANO ANG KAYA KONG GAWIN?


GAWAIN 7: MAGPANGKAT KAYO!
PANUTO: Magpangkatan nang limahan. Isaliksik sa
youtube ang dulang “Walang Sugat” ni Severino Reyes
na itinanghal sa Tanghalang Ateneo. Pagkatapos,
panoorin ito at magsagawa ng brainstorming tungkol sa
pagkakatulad at pagkakaiba ng dula sa tinalakay na
nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame.” Ipakita ang sagot
gamit ang grapikong presentasyon.

DISCUSSION WEB
DULA NOBELA

PAGHAHAMBING
SA DULANG
NAPANOOD AT
SA NOBELANG
NABASA

ANO-ANO PANG MGA KASANAYAN ANG


MAGPAPALAGO SA AKIN?
GAWAIN 8: WAKAS NIYA …WAKAS KO!
PANUTO: Magsagawa ng sariling wakas ng isang
teleseryeng inyong paboritong panoorin na may
pagkakatulad sa nobelang tinalakay. Ipaliwanag kung
bakit ito ang gusto nilang sariling wakas. Pagkatapos,
ihambing ito sa wakas ng nobelang “Ang Kuba ng Notre
Dame.”

GAWAIN 9: SUBUKIN MO!

PANUTO: Maglahad ng mga pangyayari o bahagi sa


nobela na magpapakilala sa kultura o pagkakilanlan ng
bansang pinagmulan ng France. Itala sa tsart ang iyong
kasagutan. Maaaring gamiting gabay ang unang
ibinigay.

Bahagi o Pangyayari sa Kultura o Pagkakilanlan


Akda ng Bansa
Si Quasimodo ay isang Ipinakita sa kwento kung
napakapangit na kuba na paano tinatrato ng
inampon ni Fr. Frollo at lipunan ang isang katulad
umibig sa isang ni Quasimodo na
napakagandang kakaiba.
mananayaw na si La
Esmeralda.

D. Paglalapat ANO ANG NATUTUNAN KO?


(Assimilation)
GAWAIN 10: PAGHAHAMBING…PARAAN SA
(10 minutes)
PAGSUSURI!
PANUTO: Magsaliksik tungkol sa iba’t ibang paraan ng
panunuring pampanitikan. Maaaring magkaroon ng
talakayan sa klase tungkol sa mga nasaliksik na mga paraan
ng panunuring pampanitikan.
Pagkatapos ng talakayan, pumili ng isang paraan ng
panununuring pampanitikan na sa palagay ninyong angkop
na gamitin upang suriin ang akdang “Ang Kuba ng Notre
Dame.” Susuriin ang nobela gamit ang napili mong dulang
pampanitikan. Pagkatapos ng ginawang pagsusuri, maaaring
ibahagi sa klase ang sinulat

ANO ANG KAYA KONG IPAKITA?


GAWAIN 11: PAGSUSURI KO, IBABAHAGI KO!
PANUTO: Sa isinulat na pagsusuri, gagamitin ang
sumusunod na pamantayan sa pagmamarka.

Pamantayan Puntos

Kaangkupan ng napiling dula 5


sa nobela
Paglalapat ng panunuring 5
pampanitikan
Pagpapahayag ng pagtingin 5
sa dalawang akda na
pinaghambing
Gamit ng salita sa panunuri o 5
paghahambing

Kabuuan 20

Interpretasyon
 Napakahusay 4-5
 Mahusay 2-3
 Magsikap Pa! 0-1

V. Pagninilay REPLEKSIYON
Punan ang sumusunod ayon sa hinihingi.
A. Mga Konsepto na Natutuhan

1. ________________________________
2. _______________________________
3. ________________________________

B. Paksa/Konsepto hindi gaanong naunawaan


____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________

C. Paksa/konsepto na ngangailangan pa ng
pagsasanay

____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________

Inihanda ni:

MA. TERESA P. BARCELO


Guro sa Filipino 10

You might also like