You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN


.
GRADE: 7 QUARTER: 4 WEEK: 3 DAY: 1

COMPETENCY & Nasusuri ang mga salik,pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa


:
OBJECTIVES pagbuo ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
CONTENT : Ang Nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya
LEARNING Aklat ,Pamagat: Asya : Pag-usbong ng Kabihasnan, pahina 309-311,315-317
:
RESOURCES
PAMAMARAAN A. Paghahanda: (Preparation)
A.Panalangin
B. Attendance Check (seat plan)
B. Pagganyak: (Motivation)
Balik-aral;
 Guessing Game- “Get My Kit kat”
C. Paglalahad: (Presentation)
Pgbibibgay ng mga hand –out ,na naibigay- hango sa aklat /
Video Presentation –The Taiping Rebellion and Boxer Rebellion etc.
D.Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)
1. Ang Nasyonalismo sa China at Japan-“ Silangang Asya” at Pilipinas,
Malaysia at Indonesia –“Timog-Silangang Asya” : Ang mga
salik,pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo
 Bunga ng Rebelyong Taiping at Boxer , nabuo ang dalawang
ideolohiya,Ang demokrasya at Komunismo sa China bilang pahayag
ng nasyonalismo.Si Sun Yat Sen ang nagsulong ng Demokrasya.Siya
ay may tatlong prinsipyo;ang nasyonalismo,demokrasya at
kabuhayang pantao.Ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng
pagkakaisa. Kahalagahan ng pagmamay-ari ng lupa(equalization of
land ownership) at regulasyon ng puhunan(regulation of capital).
 Sa Komunismong China-Naitatag ni Mao Zedong ang komistang
gobyerno” Ang People’s Republic of China” at nakamtan muli ang
ganap na kalayaan at dignidad.
 The Meiji Restoration of Japan (Tumanagap ng mga pagbabago)-
Modernisasyon-agham at teknolohiya ,pagtanggap ng Kristiyanismo
 Pilipinas-May dalawang anyo ng nasyonalismo ;ang aktibong
nasyonalismo, halimbawa ang pag-aalsa nina Francisco
Dagohoy,Diego Silang , Hermano Puli at iba pa.Ang Pilipinas ay
nakapagsali sa Pandaigdigang Kalakalan at lumitaw ang mga
maykaya na nakapag-aral at tinawag silang mga Ilustrado o
“naliwanagan”.Kasama nila ay si Jose Rizal,Graciano Lopez Jaena,
Marcelo del Pilar na naglunsad ng Kilusang Reporma o
Propaganda.Ang La Solidaridad ang pahayagan na ginamit nila.
Sila ang namuno sa Pasibong Nasyonalismo.Pinahayag naman ng
mga Pilipino ang nasyonalismo sa pamumuno ni Andres Bonifacio
ang pagkatatag ng “Katipunan”.Ang Rebolusyong Pilipino ay naging
hudyat ng kalayaan mula sa mga Espanyol.
E. Paghahasa (Exercises)
Gumawa ng Retrieval Chart- Itala ang mga mahalagang pangyayari ,salik
at iba pa bilang pahayag ng nasyonalismo sa bansa.
F. Paglalahat: (Generalization)
 Kalayaan ang nagbunsod na naipahayag ang nasyonalismo
ng mga bansang Asyano sa iba’t-ibang mga anyo, salik at
mga kaganapan.
G.Paglalapat (Application)
Punan ang Organizer : Itala at itugma ang bansa, bayani at salik ng
Nasyonalismo.

H. Pagtataya: (Evaluation)
1. Anu-ano ang mga pangyayari na nagpahayag ng nasyonalismong
Asyano?
2. Bakit mahalaga para sa mga Asyano ang pagpapahayag ng
nasyonalismo?
3. Paano pinakita at pinahayag ng mga Asyano ang kanilang
nasyonalismo?
I. Kasunduan/TakdangAralin (Agreement/Assignment)
Pag-aralan mga aralin at maghanda para sa pagsusuri.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: 7 QUARTER: 4 WEEK: 3 DAY: 2

COMPETENCY &
OBJECTIVES Nasusuri ang mga salik,pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa
: pagbuo ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
*Naiisa-isa ang mga salik ,pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa
pagbuo ng mmmmmga bansa sa Silangan at Timoog-Silangang Asya.
Ang Nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya
:
LEARNING Aklat ,Pamagat: Asya : Pag-usbong ng Kabihasnan, pahina 309-311,315-317
:
RESOURCES
A.Paghahanda: (Preparation)
Panalangin
Attendance check –seat plan
B.Pagganyak: (Motivation)
Balik-aral/Maikling Pagtataya
C. Paglalahad: (Presentation)
Video Presentation
D.Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

 Ano ang Nasyonalismo?


 Bakit mahalaga ito sa pagbuo ng mga bansa sa Silangan at
Timog-Silangang Asya?
Maraming mga salik ,pangyayari at kahalagahan ng
nasyonalismo ang naipakita ng mga bansang Asyano
upang maitatag ang kasarinlan ng mga bansa.
Ang Meiji Restoration ay isa sa mga halimbawa nito.
 Neokolonyalismo ay umiral , isang makabagong anyo
ng kolonyalismo kung saan hindi lubos na kalayaan ang
natamo .Pinakialaman pa rin ang aspetong
pulitikal,ekonomiko at kultural upang makontrol ang
isang bansa.
 Indonesia –nabuo ang BUDI OTOMO at nabuo pa rin
ang Partido Nasyonalista at nagkaroon pa rin ng
rebolusyon sa pamumuno ni Sukarno.
 Vietnam –The Vietnam War laban sa Amerika at sa
France.Nahati ito sa demokrasya at komunismo at
pagkatapos ng digmaan ay nagkaisa.

E.Paghahasa (Exercises)
Punan ang tsart:
Bansa sa Silangan at Timog Mga salik,pangyayari at
Silangang Asya kahalagahan sa pagbuo ng
kanilang bansa

H.Paglalahat: (Generalization)
 Ideolohikal ang batayan ng nasyonalismo sa China.Nabuo ang
dalawang magkasalungat na kilusan: ang demokrasya at komunismo.
 Modernisasyon ang naging pangunahing reaksyon ng mga
Hapones.Humiram sila ng impluwensyang Kanluranin at iniangkop
nila ang kanilang kultura at lipunan.
 Hati ang Timog Silangang Asya.May nagpamalas ng marahas na
nasyonalismo na naiuwi sa rebolusyon. Mayroon ding nakamtan ang
kalayaan sa pamamagitan ng banayad at matahimik na
pamamaraan.
I. Paglalapat (Application)
Bumuo ng Retrieval Chart na nagpapakita ng maningning na gawaing
nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
Rehiyon Bansa Pangyayari,
salik,Kahalaagahan ng
nasyonalismo sa
pagbuo ng bansa
Silangang Asya

Timog-Silangang Asya
H. Pagtataya: (Evaluation)
Sagutin at isulat ang Oo kung ang pahayag ay tama at Hindi kung ang
pahayag ay mali.
1. Ang Budi Otomo ay umiral sa China.
2. Si Sun Yat Sen ay bayani ng Vietnam.
3. Bunga ng nasyonalismo,nahati ang China sa dalawa;ang Democratic China
at Communist China.
4. Sa pagkamit ng Kalayaan sa Pilipinas dalawang pamamaraan ang
ginamit,ang pasibo at aktibong nasyonalismo.
5. Ang neokolonyalismo ay isang makabagong anyo ng kolonyalismo.
I. Kasunduan/TakdangAralin (Agreement/Asignment)
1.Pag-aralan ang mga nakalipas na aralin upang ihanda ang sarili sa
Summative test bukas.

INIHANDA NI: Elenita Cajes Sinajon Magallano


SSMT- I
Corella National High School

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN


GRADE: 7 QUARTER: 4 WEEK: 3 DAY: 3

COMPETENCY & 1.Nasusuri ang mga salik,pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa


OBJECTIVES pagbuo ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
:
2.Nasasagutan ang mga katanungan sa Pagsusulit.

CONTENT Mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng Nasyonalismo sa pagbuo ng mga


: bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

LEARNING Mga sagutang Papel at ballpen


:
RESOURCES
A.Paghahanda: (Preparation)
Panalangin
Pagbibigay panuto
B.Pagganyak: (Motivation)
Extrinsic Motivation –Pagbibigay gantimpala sa sinumang makakuha
ng “perfect score”.

C. Paglalahad: (Presentation)
Layunin ng ating pagtataya ngayon ay ang pagsusuri kung mayroon bang
natatandaan kayo sa ating aralin.
D.Pagsusulit (Examination)
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at ibigay ang tamang sagot sa
pamamagitan ng pagsulat ng titik na tumutugma sa pinakatama na sagot sa
sagutang papel.
1. Ang Meiji Restoration ng Japan ay panahon ng ____________.
A. dalamhati C. modernisasyon
B. kaguluhan D. rebolusyon
2. Pagkatapos sa Vietnam War, Anong mahalagang kaganapan ang
nangyari?
A. Ermitanyo ang Vietnam C. Nagkaisa ang Vietnam
B. Hati ang Vietnam D. Wasak ang Vietnam
3. Ang mga Pilipino ng maykaya at nakapag-aral ay tinawag na______.
A. Alipin C. Ilustrado
B. Datu D. Waray-waray
4. Sa pag-iral ng nasyonalismo hanggang nakamtan ang kalayaan ng mga
bansang Asyano, hindi nagtapos ang kolonyalisasyon. Ano ang tawag sa
makabagong anyo ng kolonyalismo kung saan pulitikal, ekonomiko at
kutural na paraan ang ginamit upang makontrol ang isang bansa?
A. Demokrasya B. Kolonyalismo C. Modernisasyon D. Neokolonyalismo
5. Ang mga Asyano ay nakalaya sa mga imperyalistang Europeo. Sino ang
Unang Pangulo ng Indonesia?
A. Achmed Sukarno B. Jose Rizal C. Mahatma Gandhi D. Sun Yat Sen
6. Iniwan ng France sa Kamay ng United States ang Vietnam. Pagkatapos ng
Vietnam War, anong nangyari sa Vietnam?
A. Muling nagkaisa at naging isang bansa
B. Nasa kamay ng mga Amerikano
C. Nahati sa Hilagang Vietnam at Timog Vietnam
D. Nasa kamay ng mga Pranses
7. Ang Solidaridad ay pahayagan ng mga Propagandista. Sino ang bumubuo
nito?
A. Ilustrado C. Pilipino
B. Kastila D. Katipuneros
8. Sa Timog Silangang Asya, nakamtan ang Kalayaan sa pamamagitan ng
rebolusyon tulad ng sa Pilipinas, Vietnam at Indonesia. Paano nakamtan
ang kalayaan sa Malaysia at Singapore?
A. Digmaan at Rebolusyon C. Marahas na Pamamaraan
B. Diplomatiko at Banayag D. Payapang Pamamaraan
9. Sa karanasan ng imperyalismo sa Asya, karamihan ay naghangad ng
Kalayaan. Sino ang nangunguna sa mapayapang paraan sa pakikibaka sa
India?
A. Achmed Sukarno C. Mahatma Gandhi
B. Jawaharlal Nehru D. Sun Yat Sen
10. Maraming mga tradisyunal na kultura sa India ang binago ng mga
imperyalista. Ano ang tawag sa pagpapatay ng mga batang babae?
A. Ahimsa at Satyagrah C. Suttec
B. Female Infanticide D. Sati
11. Naging masidhi ang galit ng mga Indian sa mga English ng ipinatupad nila
ang racial discrimination. Ano ang ipinahiwatig nito?
A. Pagpapatiwakal ng mga babae kung mamatay ang asawang lalaki
B. Pagpapasok ng mga lahing puti sa mataas na puwesto ng pamahalaan
C. Pagpapasok sa turing ng mga babaeng Indian
D. Pagpapalit sa uri ng kanilang relihiyon
12. Hadlang sa kaunlaran ng mga Indian ang panghimasok ng mga English,
kaya sumiklab ang tindi ng galit ng mga English at Indian. Ano ang naging
kaya nito?
A. Amritsar Masssace C. Meiji Restoration
B. EDSA Revolutiom D. Rebelyong Sepoy
13. Ang unang mahalagang pag-aalsa ng mga Indian laban sa mga English
noong 1857 ay ang _________.
A. Ahimsa at Sutyagraha C. Sepoy Mutiny
B. Amritsar massacre D. Suttec at Sati
14. Higit na naniniwala ang mga Indian na makamtan nila ang Kalayaan sa
pamamagitan ng hindi paggamit ng dahas at mapayapang paglabas ng
katotohanan. Ito ay ___________.
C. Ahimsa at Sutyagraha C. Sepoy Mutiny
D. Amritsar massacre D. Suttec at Sati
15. Sino ang nagtatag ng Muslim League noong 1905 na may layunin na
magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim?
A. Abu Bakr C. Andres Bonifacio
B. Achmed Sukarno D. Mohammed Ali Jinnah

16. Naitatag ang Indian Republic noong Agosto 15, 1947 sa pamumuno ng
matalik na kaibigan ni Mohandes Gandhi at kasabay rin ang Kalayaan ng
Pakistan. Sino ang namumuno nito?
A. Abu Bakr C. Andres Bonifacio
B. Achmed Sukarno D. Mohammed Ali Jinnah
17. Ang mga Pilipinong anak ng mga mayaman ay nakapag-aral sa ibang bansa
at sila ay bumuo sa ilustrado. Ano ang kahulugan ng ilustrado?
A. Bayani C. Naliwanagan
B. Nakapag-aral D. Pinuno
18. Magastos at madugo ang Vietnam War kaya iniwan ang Vietnam ng United
States at France, at muling nag-isa ang Timog at Hilagang bahagi ng
Vietnam. Kailan naging isang bansa ito?
A. 1935 B. 1945 C. 1975 D. 1985
19. Idyolohikal ang naging batayan ng nasyonalismo sa China. Ano ang
dalawang magkasalungat na kilusan ang nabuo?
A. Demokrasya at Komunismo
B. Hilaga at Timog
C. Kolonyalismo at Imperyalismo
D. Nasyonalismo at Kolonyalismo
20. Ano ang naging batayan ng nasyonalismo sa India?
A. Ekonomiya C. Relihiyon
B. Politikal D. Socio-kultural

H. Pagtatala: (Recording)

I. Kasunduan/TakdangAralin (Agreement/Assignment)
Pag-aralan ang mga susunod na aralin. Tandaan, ang kabataan ang pag-asa ng
bayan!
INIHANDA NI: Elenita Cajes Sinajon Magallano
SSMT- I
Corella National High School

Answer Key (Quarter 3: Week 3: Day1-3)

1. C 9. C 17. C
2. C 10.B 18.C
3. C 11. B 19.A
4. D 12.A 20.C
5. A 13.C
6. A 14.A
7. A 15.D
8. B 16.D

You might also like