You are on page 1of 3

MUNDONG MAGULO, NAGDURUSANg MGA TAO

Maayos pa ba? Tama pa ba?


Maipagpapatuloy pa nga ba?
May patutunguhan pa ba?
Kakayanin pa nga ba?

Sa patuloy na pagikot ng ating mundo,


Maraming nagkakagulong tao,
Nahihirapan lahat tayo,
Kakayanin pa nga ba natin lahat ng ito?

Dahil sa kalikasang nagaalboroto,


Klimang pabago-bago,
Mga bulkang naglalabas ng abo,
Mundong nagkakagulo

Magdudusa lahat ng tao,


Magdudusa tayo,
Mahihirapan lahat tayo,
Maghihirap tayo

Panahon ay hindi na gaya ng dati,


Dating maayos at tama lang,
Dating tama kapag binibilangan,
Tama sa taon at tama sa buwan
Mainit sa tamang bilang ng buwan,
Mayroon ding tamang klima ng tag-ulan,
Ngunit ngayo’y parang nahahalinhinan,
Pati panahon ay hindi narin maintindihan

Mga nananahimik na bulkan,


Mga hayop na nagsisigalakan,
Mga taong namumuhay sa kapayapaan,
Ngunit sa isang iglap lamang

Tatlong bulkan agad ang nagaalboroto,


Bulkang Taal, Bulkang Mayon, Bulkang Kanlaon,
Tila parang umiiyak ng lava, usok lumalabas na,
Nagagalit, nalulungkot at nakapangangamba

Ibang tao’y nagsilikas na,


Kalagayan nila ay inaayos pa,
Mga tirahan na inihahanda para sa kanila,
Pagkaing ibibigay para sa kanila

Hindi madali ang nararanasan natin,


Ngunit kalakasan nahihirapan rin,
Tayong tao ang hahagupitin,
Dahil sa hagupit ng kalikasan natin

Mga sarili ay ingatan,


Gayundin ating kalikasan,
Dahil tayo rin ang makikinabang,
Sa kanilang likas na yaman

You might also like