You are on page 1of 10

Menyu

doon po sa amin
mahilig magmasid, magsulat at kumain ng matatamis

Tag-araw, Tag-init

Tag-araw ay panahon ng saya sa labas at sa tabing-dagat/t3.gstatic.com

Para sa marami, ang tag-araw ay hitik sa mga alaala…

Tirik ang init / rac.co.uk


Maagang manggising ang araw kapag tag-init. Wala pang alas-sais, nararamdaman mo nang
gumagapang ang sikat nito sa loob ng silid-tulugan – pinababangon ka. Gustuhin mo mang
bumalik sa higaan at humabol pa ng tulog, sumusuot sa katawan mo ang maalinsangang hangin.
Mainit ang hulab.
Doon sa amin, partikular ang mga tao sa lokasyon ng bahay. Hangga’t maari, ito ay dapat
nakatayo paharap sa silangan para salubungin ang pagsikat ng araw. Facing the morning
sun, iyon ang tawag nila sa Ingles. Para sa mga taga-amin, ang pagdating ng araw ay parating
isang kaloob o pagpapalang dapat harapin ng may sigla sa katawan at saya sa puso. Kumbaga,
bawat pagsikat ng araw ay panibagong araw din ng pakikihamok sa buhay.

Kailan ko lang na-appreciate ang ganitong pagpapahalaga. Noong bata pa, ang tag-araw sa akin
ay mainit, masaya at maraming gala… Ganoon lang. Simula naman nang pumirmi ako sa
lungsod, sinimplehan ko na lang ang equation. Sa bukid, ang kalikasan ay mahalagang bahagi at
nanunuot sa buhay ng mga tao. Samantalang sa lungsod, ang kalikasan ay incidentals. Ang
araw mandin ay isa lang salitang panukat ng mga sandaling lumilipas. Dito sa matao at abalang
lugar, ang araw ay bahagya nang napapansing bahagi ng kalikasan.

Pati araw ay naiinitan/ markanthonyermac.com


Kung kaya sa matagal, ang panggigising ng araw sa umaga kung summer ay tinawag
kong facing the sun’s glare. Ang mga payong pang-tag-araw namang tumimo sa akin:
pumirmi sa mga lugar na may aircon, pag palabas, mag-taxi para malamig pa rin at, gumamit
ng sunblock para di umitim.

Mas mahaba ang araw kapag summer. Sa ganitong panahon, maaga itong magpakita at gabi
na ay tila ayaw pang magpaalam. Kaaya-aya at napakaliwanag ng sikat nito sa umaga at mahirap
kaulayaw at nakapanghihina naman sa hapon. Wari baga ay ayaw kang tigilan, hinahabol ka ng
init saanman. Pinananlalagkit ang iyong leeg, binabasa ang anit ng iyong ulo at pinadadaloy ang
pawis sa gilid ng iyong mukha at likod. Tila ipinaaalala sa iyo ang kanyang kapangyarihan. Siya,
siya ang ating Haring Araw.

Tatlong buwang mahigit ang tag-araw dito sa atin. Nag-uumpisa sa Marso at nagtatapos sa
una o pangalawang linggo ng Hunyo. Sapat na panahon para sipsipin ang mga tubig sa ibabaw at
palibot ng mundo, ipunin ang mga iyon sa ulap at kapagnakailan, muling ibalik sa atin sa anyo
ng ulan. Nakapanlulumong init kapag tag-araw; biglaang bagsak ng tubig pagsapit ng tag-
ulan. Ang tao nga ba’y pinaglalaruan ng kalikasan?

Ngunit ayaw ko munang isipin ang pana-panahong pagmamalupit at tila paniningil ng


kalikasan. Anong ganda ng tag-araw para gugulin sa mga alalahanin! Tulad ng iba, nais ko
ring pansumandaling huminto at ibalik sa alaala ang pag-agos ng tubig, ang pagaspas ng hangin
at ang lilim ng puno, habang kumakain ng prutas isang hapon ng tag-araw… Nais kong
alalahanin ang mangga at ang singkamas, ang pakwan at ang melon, ang bagong-pitas na buko at
ang halu-halo – noong isang panahong sila ay kinakain pa sa may gulod. Hindi sa loob ng

mall… 😉
pinoyexchange.com

flavoursofiloilo.blogspot.com

marketmanila.com

Para sa iyo, ang tag-araw ay?… 😉


Tarang gugulin ang tag-araw sa labas/ fiveprime.org

Summer na! 🙂 🙂

Share this:
 Facebook
 X

Related
Pangako ng Tag-ulanHunyo 25, 2011In "Buhay-buhay Doon sa Amin"
Hindi na maputik ang daan sa amin, part 2Enero 19, 2013In "Buhay-buhay Doon sa Amin"
Ang Tag-kabuteSetyembre 2, 2010In "Buhay-buhay Doon sa Amin"
Abril 29, 201112 Replies

« NakaraanAng Kasunod »

Mag-iwan ng puna
Write a comment...

InstantlyArawanWeekly
Komento

1. kritikong kiko nasa Mayo 1, 2011 bandang 5:52 umaga

Naalala ko tuloy ang awit ng After Image na “Tag-araw.” Hay, naku nakakamiss ang

summer sa pinas. Nice post 🙂

Sagutin
o doon po sa amin nasa Mayo 2, 2011 bandang 5:09 hapon
hello, kiko!

“kapag umuulan, bumubuhos ang langit sa ‘yong mga mata


kapag mayroong unos ay aagos ang luha ngunit di ka mag-iisa
ako’y naririto, maghihintay lamang sa ‘yo

tumawag ka’t ako’y tatakbo sa piling mo, kaibigan!” 🙂

Sagutin

 kritikong kiko nasa Mayo 4, 2011 bandang 11:31 umaga

ikaw ba yan Wency? 🙂

 doon po sa amin nasa Mayo 4, 2011 bandang 1:11 hapon


haha! hindi ako marunong kumanta. tinula ko lang ‘yan, di mo narinig?

hihi… 🙂

2. aninipot nasa Mayo 2, 2011 bandang 5:24 umaga

ang tag-araw ay panahong maging amoy araw..wahahaha

naalala ko lang ang kabataan ko, pero bulilit parin naman ako..hahaha
pag abril at mayo ang isa sa pinakamagandang panahon para sa mga bata, laro dito laro
doon. iba ang simoy ng hangin lalo na sa malapit sa dagat, sa tag-araw kami pinapayagang
maligo ng dagat mula alas otso hanggang alas dose..hehe

Sagutin

o doon po sa amin nasa Mayo 2, 2011 bandang 5:15 hapon


ang tag-araw ay panahon ding maging amoy-pawis, wahaha…

parang ayaw kong umalis sa shower at sa mga lugar na may tubig pag summer.
tapos, pag uwian, ayaw kong mag-commute, as in sa PUV, pag sa dyip or sa lrt1 –
nakow! kakaiba ang simoy, haha…
yes, ang sarap sa dagat pag umaga. tara na sa inyo! 🙂

Sagutin

3. hitokirihoshi Jr. nasa Mayo 2, 2011 bandang 8:56 umaga

para sa akin ay panahon na may ibang pinagkakaabalahan ang mga estudyante at


magandang bumyahe dahil walang gaanong traffic. mas gusto ko ang tag-araw kaysa tag-
ulan.

ah naalala ko pa, nagbebenta ako ng ice cream on stick pag summer noong high school ako.

Sagutin

o doon po sa amin nasa Mayo 2, 2011 bandang 5:23 hapon


hi, hoshi! ako naman, gustung-gusto ko ang umaga pag summer. parang ang liwanag
ng paligid at talagang naliliwanagan maski mga tagong sulok. tapos, since brighter,
parang ang sarap mag-piktyur-piktyur, haha!

singkamas naman ang naaalaala ko. pag nakakita na ako ng nakatirintas na


singkamas sa mga bangketa at palengke, sa’kin, summer na ‘yon. hihi… salamat sa

pagdaan mo. 🙂

Sagutin

4. sphere nasa Mayo 2, 2011 bandang 7:29 hapon

hindi ako gaanong fan ng tag araw mas type ko ang tag ulan ewan ko ba parang may

kakaibang aromang dulot sakin pag tag ulan 🙂

pero gusto ko din ang summer kc laging may halo halo at maraming mangga at maraming
maraming pakwan ahahahaha

Sagutin
o doon po sa amin nasa Mayo 3, 2011 bandang 10:30 umaga
hello, sphere.

today, bumuhos ang unang ulan ng mayo dito sa ncr. andyan na ang ulan pag hapon
sa buwan ng mayo – ang tikatik na ulan, ahaha!

haha, ang sarap lahat ng binabanggit mo. hala, uwi ka na rito’t dito mo i-enjoy ang

halo-halo, mangga at mapula’t pagkatamis-tamis na pakwan, dali! 🙂

Sagutin

5. Joyo nasa Mayo 8, 2011 bandang 11:28 umaga

…sa tunay na buhay ko hahaha parang artista lang eh noh, hate ko ang summer… kasi

supah dupah init nakakalagkit… pero sa sobrang sasarap ng mga pagkain like ko na rin to 😆

nakakamiss yung halo-halo na maraming sahog! ung may saging at kamote at nata de coco!
nom nom nom!

Sagutin

o doon po sa amin nasa Mayo 9, 2011 bandang 4:27 hapon


tara, joyo! maghalo-halo tayo, bilis! mahilig rin ako sa matatamis.

btw, kagagaling ko lang sa baguio, nag-get away sa init, hehe… pagkabalik namin sa
NCR kahapon, ayon, umulan ng bonggang-bongga, haha!

pero, wari ko’y summer pa rin etong mga darating na araw. may time pa tayong

maghalo-halo – halika na! 🙂

Sagutin
Kahahango Pa Lang
 Paumanhin
 sa mga ka-blogs na nang-ookray…
 mga simbulo ng pag-asa, pangarap at katuparan
 May Mahika Nga Ba ang Pag-ibig?
 matuklasan at mabatid

Maraming Nagtingin at Naki-usyoso


 Ang Kwento ni Nine
 Pagtatanim at Pangangalaga ng Gulay
 Tag-araw, Tag-init
 Busy ang Linya
 Pag-iigib ng Tubig
 Kahoy na Panggatong
 Pag-aani ng mga Tanim
 Ang Paho Nga Naman
 Payapang Dagat
 Gusto Kita Dahil...

Mga Nakatago sa Kamalig


 Oktubre 2015
 Nobyembre 2014
 Hulyo 2014
 Pebrero 2014
 Enero 2014
 Disyembre 2013
 Nobyembre 2013
 Oktubre 2013
 Agosto 2013
 Hulyo 2013
 Hunyo 2013
 Mayo 2013
 Abril 2013
 Marso 2013
 Pebrero 2013
 Enero 2013
 Disyembre 2012
 Nobyembre 2012
 Nobyembre 2011
 Oktubre 2011
 Setyembre 2011
 Agosto 2011
 Hulyo 2011
 Hunyo 2011
 Mayo 2011
 Abril 2011
 Marso 2011
 Pebrero 2011
 Enero 2011
 Disyembre 2010
 Nobyembre 2010
 Oktubre 2010
 Setyembre 2010
 Agosto 2010
Mga Patas at Salansan

Blog About Blogging Buhay-buhay Doon sa Amin Mahaba-habang


Kwentuhan Mali ang Iyong Sapantaha Maraming Naghinalang Maganda O May
Saysay Masdan ang Ginawa Mo Mga Tilamsik ng Diwa sa Lungsod Napag-
uusapan Lang Pag Ikaw ang Nasok Seryosong Usapan Susubukan Kitang
Ipinta Tumawa Lang Kung Napapaibig Uncategorized
Mga Dumadaan Para Humunta

sa email babasahin? pwede :)


Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil
sa pamamagitan ng sulatroniko.
Sulatronikong adres:

Itala ako!

View Full Site


Sumulat ng Blog sa WordPress.com.
 Komento

 Reblog

 Magpahatid


Privacy & Cookies: This site uses cookies. By continuing to use this website, you agree to their use.
To find out more, including how to control cookies, see here: Cookie Policy

You might also like