SPOKEN Poetry in Pandemic Written by MJ Lugod

You might also like

You are on page 1of 3

9 Persistence:

“Noon, Ngayon Para Bukas”


(Pagkatao, Pakikipagkapwa, at Pananampalataya…
Hamon sa Pandemya)
Sabi ni Maslow,
Kaganapan ng Pagkatao ang nasa tuktok,
Sa isang tila bundok na isang tatsulok,
Ang teoryang ito’y di pinagdadamot,
Ikaw ng humusga anong pagkatao itong dinidikta.
Alam nyo ba sabi ni Ina..
Noong sila ay bata pa,
Tingin lang ni Lola silay tatahimik na,
Respeto sa matanda, kitang kita sa mata,
anung pagkatao, ang mayroon sa knila.
Ngayon…… laki ng pinagkaiba,
Pagsabihan mo ng maayos, sasawayin ka pa,
Sisimangutan kana, abay magdadabog pa..
Paggalang ba talaga’y nawala na?
Noon……
Madalas ang bagyo, madalas ding mabago..
Ang bahay na yari sa isang bahay kubo,
Hindi alintana kung panu ba ang bukas , sapagkat mga kapitbahay,
tulung tulong dito,
mga nasirang bahay muling naitatayo.
Ngayon, may pagkakaiba,
Pag - bahay na nasira “calamity loan ang sasagot”
Tulong mula sa gobyerno
Tila’y di na kumplekado,
Maari ring humingi ng tulong gamit ang social media account,
At ang pagtulong sa kapwa’y abot na saan mang lupalop….

Noon muling sabi ni Ina….Ang pananampalataya ay buhay,


Ipinaglalaban hanggang kamatayan,
Hindi iiwan relihiyong kinagisnan,
Lakas ng pananampalataya ay di mo kayang hadlangan….
Ang mga banal na salita ay isinasaalang-alang,
Mas mababa ang krimen at mas maraming tagasunod..
Ngunit Ngayon,
Isinilang ka mang binyagan, sa ano mang relihiyon,
Maari mo itong iwan, sa ano mang oras at panahon,
Ang pananmaplataya ay di na sagrado,katulad noon..
Eka nga nila, d na mahalaga ano man ang relihiyon basta masaya ka sa
kung ano ka ngayon...
Noon tayo’y nasa Baitang Pito,
Mga guro natiý nakilala,
Hindi Makakalimot face to face pa at masaya,
Pupunta sa canteen kasama mga ka-tropa,
Pag may problema ang isa, hindi bat anong sigla,
Sama-sama mag solve lalo na sa matimatika,
At ang ating ngayon sa gitna ng pandemya,
Mukha mo nooy limot ko na,
Sana ikaw pa rin yan, ikaw pa rin aking kaibigan, kaklasea at karamay
sa ano mang balakid ika’y nariyan bilang kaibigan..
At sa pagdating ng Bukas malapit na, muli tayong magkakasama,
Halakhakan at kwentuhan
Tila ba aabot sa kung saan
Kasama ang ating guro
At ganap ng nasa baitang siyam,
Sana malapit na ang bukas…
Noon , ngayon para bukas…

You might also like