You are on page 1of 38

i

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

KARANASAN SA PAGSULAT NG PANANALIKSIK NG MGA MAG-AARAL


NG BAITANG 11: ISANG MAKABULUHANG PAGTALAKAY

Disertasyon na Iniharap sa
Institute of Graduate and Professional Studies
LYCEUM-NORTHWESTERN UNIVERSITY
Dagupan City, Pangasinan

Bilang Pagtupad sa mga Pangangailangan para sa Digring


DOKTOR SA PILOSOPIYA Major in Filipino Language

Emily J. Macaltao
2023

Doctor of Philosophy
ii

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

PAHINA NG PAGPAPATIBAY

Ang disertasyong pinamagatang KARANASAN SA PAGSULAT NG


PANANALIKSIK NG MGA MAG-AARAL NG BAITANG 11: ISANG
MAKABULUHANG PAGTALAKAY na isinulat at isinumite ni Emily J. Macaltao
bilang katuparan sa kahingian para sa digring Doktor sa Pilosopiya ay pinagtitibay na
dumaan sa eksamin at inererekomenda para sa Pinal na Pasalitang Eksaminasyon sa petsa
_____________________.

Komite ng Disertasyon

____________________________
Tagapayo

______________________ _______________________
Member Member

___________________________
Member
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Inapruba at ipinasa ng Komite ng Disertasyon sa petsa _____________________.

___________________________
Tagapangulo

_______________________ ________________________
Member Member

______________________
Member
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Tinanggap at inaprubahan bilang katuparan sa kahingian para sa digring DOKTOR SA
PILOSOPIYA.

MARINA O. ABELLA, EdD.

Doctor of Philosophy
iii

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

Dean, IGPS

Doctor of Philosophy
iv

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

KATIBAYAN NG PAGTANGGAP SA KANDIDASIYA PARA SA DIGRING


DOKTOR SA PILOSOPIYA

Ito ay pagbibigay sertipikasyon na si Emily J. Macaltao, ay tinatanggap sa


kandidasiya para sa digring Doktor sa Pilosopiya nitong unang semetre, panuruan 2022-
2023 matapos maipasa ang kanyang Komprehesib Eksam.

MARINA O. ABELLA, EdD.


Dean, IGPS

Doctor of Philosophy
v

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

ABSTRAK

Pamagat: Karanasan sa Pagsulat ng Pananaliksik ng mga Mag-aaral ng Baitang 11:


Isang Makabuluhang Pagtalakay

May-akda: Emily J. Macaltao

Digri: Doktor sa Pilosopiya

Institusyon: Institute of Graduate and Professional Studies


Lyceum-Northwestern University
Dagupan City, Pangasinan

Asignatura: Pananaliksik sa Filipino sa Espesipikong Larangan

Adbayser: Dr. Ma. Theresa E. Macaltao

Propesor: Dr. Cynthia Lopez

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa iba’t ibang karanasan ng mga mag-

aaral sa pagsulat ng pananaliksik partikular na ang akademik na karanasan. Dito siniyasat

ng mananaliksik ang mga pangyayari sa kanilang pag-aaral habang sila ay nagsusulat ng

pananaliksik. Ang mananaliksik ay nagsagawa ng malalimang pakikipanayam sa mga

kalahok upang alamin ang mga karanasan ng mga ito.

Doctor of Philosophy
vi

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

PASASALAMAT

Taos-pusong ipinapaabot ng mananaliksik ang kanyang pasasalamat sa mga taong

naging parte o bahagi ng kanyang pag-aaral para sa walang humpay na suporta at

kontribusyon upang maisagawa nang maayos, maging epektibo at maging matagumpay

ang pananaliksik na ito. Nang dahil sa kanila, mas napalawak pa ang kaalaman ng

mananaliksik at naging possible na magkaroon ng magandang resulta ang kanyang pag-

aaral. Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang niya sa mga sumusunod:

Kay Dr. Marilou E. Cayabyab, ang kanyang propesor sa asignaturang, “Pananaliksik

sa Filipino sa Espesipikong Larangan” na siyang gumabay at nagpalawig ng kanyang

pananaliksik, ang mananaliksik ay nagpapasalamat sa walang sawang pag-unawa at

pagtulong sa kanya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang kaalaman ukol dito.

Sa mga piling guro ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Irene Rayos Ombac na

nagsilibing mga respondente na naglaan ng kanilang oras na masigasig na nakilahok sa

pagsagot nang tapat sa sarbey-kuwestyuneyr sa pamamagitan ng google form, at sa

pagbibigay ng impormasyong kinakailangan sa pananaliksik na ito, maraming salamat po

sa inyong hindi matawarang kabaitan sa pagtugon sa mga katanungan. Kung wala ang

inyong kooperasyon at kahandaang sagutin ang mga katanungan ay maaaring hindi

mabuo ang pananaliksik na ito.

Doctor of Philosophy
vii

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

Sa mga kapwa mag-aaral na tumulong sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang

ideya at kaalaman tungkol sa aming pananaliksik, maraming salamat sa inyong

pagbibigay ng suporta upang matapos ito.

Sa mga kapamilya ng mananaliksik lalong-lalo na ang kanyang kabiyak na si

Ginoong Dading Macaltao at ang kanyang mga anak na sina Dhads Darwin at Dhads

Daryll na buong unawang tinulungan at sinuportahan ang mga pangangailangan.

Nagpapasalamat din ang mananaliksik sa inyong pag-intindi sa mga panahong abala sa

paggawa ng pananaliksik na ito at sa pagbibigay ng moral at pinansyal na tulong,

pagmamahal at inspirasyon.

At higit sa lahat, ang mananaliksik ay lubusang nagpapasalamat sa Poong Maykapal

na pumapatnubay sa bawat hakbang na kanyang ginagawa mula sa pangangalap ng mga

datos hanggang sa ito ay matapos. Siya ay nagpapasalamat sa Inyo sa pagbibigay ng

sapat na kaalaman, lakas ng loob at determinasyon upang maisagawa at maisakatuparan

ang pag-aaral na ito, at sa pagdinig sa mga panalangin lalong-lalo na sa mga panahong

siya ay pinanghihinaan ng loob na matapos ito sa takdang panahon.

Muli, maraming salamat po sa inyong lahat.

E. J. Macaltao

Doctor of Philosophy
viii

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

Titulo . . . . . . . . . . i

Pahina ng Pagpapatibay . . . . . . . ii

Katibayan ng Kandidasiya . . . . . . . iii

Abstrak ng Disertasyon . . . . . . . iv

Pasasalamat . . . . . . . . . vi

Talaan ng Nilalaman . . . . . . . . viii

Talaan ng mga Figure . . . . . . . . x

MGA TSAPTER

I ANG SULIRANIN

Rasyonale . . . . . . . 1

Batayang Teoretikal . . . . . . 2

Batayang Konseptuwal . . . . . 4

Paradim ng Pag-aaral . . . . . . 4

Suliranin ng Pag-aaral . . . . . 5

Haypotesis . . . . . . . 5

Saklaw at Limitasyon . . . . . . 6

Kahalagahan ng Pag-aaral . . . . . 6

Doctor of Philosophy
ix

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

Katuturan ng mga Termino . . . . . 7

II METODOLOHIYA

Disenyo ng Pag-aaral . . . . . . 9

Pinagmulan ng mga Datos . . . . . 10

Populasyon ng Pag-aaral . . . . . 10

Instrumento at Pamamaraan ng Pagkalap ng mga Datos . 10

Paraan ng Pagsusuri ng mga Datos . . . . 10

Etikal na Pagsasaalang-alang sa Pag-aaral . . . 11

III MGA RESULTA AT DISKUSYON . . . 12

IV BUOD, KONKLUSYON AT MGA REKOMENDASYON

Buod . . . . . . . . 19

Konklusyon . . . . . . . 20

Rekomendasyon . . . . . . 20

SANGGUNIAN . . . . . . . . 22

APENDIKS A

Liham na Humihiling ng Pahintulot sa Pagsasagawa ng Sarbey . . 23

APENDIKS B

Sarbey-Kuwestyuneyr . . . . . . . 24

APENDIKS C

Doctor of Philosophy
x

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

Curriculum Vitae . . . . . . . . 27

TALAAN NG MGA FIGURE

Unang Figure
Batayang Konseptuwal…………………………………………………….. 4

Ikalawang Figure
Grap 1. 1…………………………………………………………… …….. 12

Ikatlong Figure
Grap 1. 2…………………………………………………………………… 13

Ikaapat na Figure
Grap 1. 3…………………………………………………………………… 14

Ikalimang Figure
Grap 2……………………………………………………………………… 15

Ikaanim na Figure
Grap 3……………………………………………………………………… 16

Ikapitong Figue
Grap 4……………………………………………………………………… 17

Doctor of Philosophy
1

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

Kabanata 1

ANG SULIRANIN

Rasyonale

Isa sa mga sulating akademiko ng mga mag-aaral ay ang pananaliksik. Ito ay

isang sulatin na kung saan naghahanap ng mga impormasyon hinggil sa isang partikular

na paksa o suliranin. Kapag ang mga mag-aaral ay nagsusulat ng pananaliksik, iba-iba

ang nagiging reaksyon at nararanasan nila. Malalaman sa pag-aaral na ito kung anuman

ang mga ito.

Maituturing na isang kawili-wili at intelektuwalisadong gawain ang pananaliksik.

Sa pamamagitan nito, maraming kaalaman ang mapupulot ng isang mag-aaral. Dito

lumalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa isang partikular na paksa o

suliranin. Sa kabila ng mga ito, ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng iba’t ibang

karanasan sa kanilang pag-aaral habang nagsusulat ng kanilang pananaliksik. Napag-

alaman na ang mga mag-aaral ay nahirapan sa pagbuo ng kanilang pananaliksik at

naapektuhan ang kanilang ibang asignatura habang ito ay isinasagawa.

Sa kabila ng lahat ng ito, ang pananaliksik ay napapakinabangan ng ibang

mananaliksik lalong-lalo na kung ang paksa o suliranin ay may kinalaman din sa

kanilang isinasagawang pananaliksik.

Batayang Teoretikal

Doctor of Philosophy
2

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

Ang binigyang-diin sa pag-aaral na ito ay ang teoryang “Constructivism” ng

edukasyon na kung saan ito ay napapatungkol sa pagsulat ng mga mag-aaral ng isang

pananaliksik. Ayon kay Senapati (2012), ang teoryang “Constructivism” ay pagsabay sa

pagbabago ng mundo, ito ay tila isang spiral na na magsisimula sa nakaraan patungo sa

kasalukuyan. (https://pdfcoffee.com/batayang-teoretikal-konseptwal-balangkas-pdf-

free.html)

Ang pag-aaral na ito ay nakabase sa teoryang “Constructivism” sapagkat dito

bubuo ng pananaliksik at susuriin ang kanilang mga karanasang akademik habang

isinasagawa ang pag-aaral. Sa pamamagitan ng pagsulat ng pananaliksik, ang mag-aaral

ay nakabubuo ng sariling pagkatuto o pagkakaroon ng impormasyon hinggil sa isang

bagay. Matatawag na konstraktibismo ang kanilang pagsulat at pagbuo ng pananaliksik

sa kanilang asignaturang, “Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa

Pananaliksik”.

Batayang Konseptuwal

Karanasan sa Pagsulat ng Panaliksik ng mga Mag-aaral ng Baitang 11


Figure I

Paradigm ng Pag-aaral

Doctor of Philosophy
3

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

Mga Suliranin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay napapatungkol sa pagtalakay sa iba’t ibang “Karanasan sa

Pagsulat ng Pananaliksik ng mga mag-aaral ng Baitang 11.

Ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan:

a. Ano ang profayl ng mga guro?

b. Ano- ano ang mga google applications na ginagamit sa pagtuturo?

c. Alin sa mga google applications ang madalas gamitin ng mga guro sa

pagtuturo?

d. Ano ang antas ng kaalaman ng mga guro sa iba’t ibang google applications sa

pagtuturo sa bagong normal?

Haypotesis

Sa pag-aaral na ito, malalalaman natin kung gaano nga ba ang nalalaman ng mga

guro pagdating sa paggamit ng mga Google applications sa pagtuturo. Sa aking hinuha,

marami na ring google applications ang ginagamit nila ngayong bagong normal. Malaki

kasi ang naitutulong ng mga ito para maipagpatuloy ang pagtuturo at pag-aaral sa

panahon ng pandemya. Maski ang mga may edad ng guro ay pilit na nag-aral o natuto

para sa kanyang mga mag-aaral. Sila ay dumadalo ng mga seminar/webinar para

matutunan lamang ang mga ito.

Doctor of Philosophy
4

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

Saklaw at Limitasyon

Ang pokus ng pag-aaral na ito ay “Ang Antas ng Kaalaman ng mga Guro sa Iba’t

ibang Google Applications sa Pagtuturo sa Bagong Normal”. Ang saklaw ng pag-aaral ay

ang mga guro na gumagamit ng mga ito.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sapagkat ninanais nitong alamin ang “Antas ng

Kaalaman ng mga Guro hinggil sa Iba’t Ibang Google Applications sa Pagtuturo sa

Bagong Normal”.

Itinuturing na ang pag-aaral na ito ay mapapakinabangan ng mga sumusunod:

a. Mag-aaral- matututo ang mga mag-aaral ng mga iba’t ibang google applications

na ginagamit ng kanilang mga guro sapagkat ito ang mga pamamaraan para

makapag-aral sa kasalukuyan.

b. Magulang- upang magabayan ang mga anak sa paggamit ng mga google

applications na ginagamit ng mga guro.

c. Guro- mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga guro sapagkat ito ay makatutulong

sa kanila upang lalong pagsikapan ang pagkatuto ng mga iba’t ibang google

Doctor of Philosophy
5

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

applications para magamit sa pagtuturo sa bagong normal at magiging mas

epektibo pa ang kanilang pagtuturo sa pamamagitan ng paggamit ng mga ito.

d. Mga Susunod na mananaliksik- ginawa ang pananaliksik na ito upang may

gamiting sanggunian ang mga susunod na mananaliksik sapagkat importante

malaman nila kung anong mga google applications ang talamak na ginagamit ng

mga guro sa kanilang pagtuturo.

Katuturan ng mga Termino

Upang maging madali ang pang-unawa sa pananaliksik ng ito, binigyan ng

pagpapakahulugan ang mga sumusunid na termino:

a. antas- tumutukoy sa lebel o posisyon. Ito ay maaaring gamitin sa anumang

bagay.

b. kaalaman- pagkilala, kamalayan at pang-uanawa sa isang bagay.

c. guro- sila ang magiging respondente sa pag-aaral na ito.

d. Google applications- mga pamamaraang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo

ngayong bagong normal.

e. bagong normal- tawag sa paraan ng pamumuhay sa panahon ng pandemya ng

COVID- 19.

f. Google Classroom - ay isang libre, gamit sa pakikipagtulungan batay sa

internet na binuo ng Google bilang bahagi ng Suite for Education. Sa pamamagitan ng

isang Google account, maaaring gamitin ng mga tagapagturo ang plataporma upang

lumikha ng isang birtwal na silid-aralan, anyayahan ang mga mag-aaral na dumalo sa

Doctor of Philosophy
6

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

live na pagtuturo, at itala ang mga marka ng mag-aaral. Hinihikayat din ng Google

Classroom ang pakikilahok ng magulang. Maaaring anyayahan ng mga guro ang mga

magulang sa Google Classroom upang magbahagi ng mga buod ng gawain ng mag-

aaral at upang makatanggap ng mga awtomatikong email na buod ng gawain ng mag-

aaral at mga anunsyo sa klase.

g. Google Meet - ginagawang available ng Google para sa lahat ang paki

kipagkumperensya gamit ang video sa antas ng enterprise. Ngayon, magagawa na ng

sinumang may Google Account na gumawa ng online na meeting na may hanggang 100

kalahok at mag-meet sa loob ng hanggang 60 minuto bawat meeting. Puwedeng gamitin

ng mga negosyo, paaralan, at iba pang organisasyon ang mga advance na premium,

kasama ang mga meeting na may hanggang250 internal o external na kalahok at live

streaming na may hanggang 100,000 manonood sa isang domain.

h. Google form- ito ay isang software sa google na kung saan maaari kang

magsagawa ng sarbey o kaya’y pagsusulit. Dito nagiging madali ang pagsasagawa ng

sarbey at pagwawasto ng pagsusulit sapagkat mayroon nang iskor ang isang pagsusulit

pagkasumite ng sumagot ng form.

Doctor of Philosophy
7

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

Kabanata II

METODOLOHIYA

Inilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at

paglalarawan sa mga hakbang na ginawa ng mga mananaliksik upang malutas ang

suliranin.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik. Napili ng mananaliksik na gamitin ang “Descriptive Survey Research

Design” na gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng datos.

Dahil naniniwala ang mananaliksik na mas angkop ang disenyong ito para sa paksa

ng pananaliksik sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa mga

respondenteng napili.Limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot sa mga

Doctor of Philosophy
8

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

talatanungan, ngunit ang uri ng disenyong ito ay hindi lamang nakadepende sa dami

ng sumagot sa talatanungan.

Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay nakita ng mananaliksik na

magiging mabisa sa pag-aaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na

magiging epektibo sa pananaliksik.

Pinagmulan ng mga Datos

Lokal ng Pag-aaral

Ang mga napiling respondente sa pananaliksik na ito ay ang mga guro sa

Senior High at Junior High School ng Irene Rayos Ombac National High School. Sila ay

sumagot sa pamamagitan ng talatanungan o sarbey kuwestyuneyr na nasa Google form

na ipinadala ng mananaliksik sa kanilang Group Chat sa messenger.

Populasyon ng Pag-aaral

Ang mga respondente sap ag-aaral na ito ay labintatlong (13) guro mula sa

Senior High School at pitong (7) guro mula sa Junior High School.

Instrumento at Pamamaraan ng Pagkalap ng mga Datos

Doctor of Philosophy
9

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

Ang mananaliksik ay bumuo ng talatanungan o sarbey kuwestyuneyr at ito

ay isinagawa sa pamamagitan ng google form. Pagkatapos, ipinadala ang link sa mga

group chat ng mga respondente para sila ay makasagot.

Paraan ng Pagsusuri ng mga Datos

Ang mga datos na makakalap ng mananaliksik mula sa mga respondente

na tutugon sa talatanungan sa google form ay ipagsasama o itatally at bibigyan ng berbal

na interpretasyon. Ang mga datos na ito ay magsisilbing kasagutan sa mga

katanungang inilahad ng pag-aaral. Ang mga resulta ay ikukumpara ayon sa pagkakaiba

ng mga kasagutan. Ang mga datos ay iaanalisang mabuti at magiging gabay sa resultang

ninanais ng mananaliksik. Mula sa sarbey-kuwestyuneyr na isinagawa sa pamamagitan

ng google form, ang mga makakalap na datos ito ay sasalain at pipiliin ang mga

makakatulong o benepisyunal sa pag-aaral.

Ang papel na ito ay hindi ginamitan ng komplikadong istatistikal na pamamaraan.

Nagkaroon lamang ng masusi at maingat na pagta-tally at pagkuha ng porsyento na

galing sa mga sagot ng mga respondente. Ang 100 porsyento sa bawat katanungan ay ang

kabuuang bilang ng mga sagot nito. Ang porsyento ng bawat sagot ay nakuha sa

pamamagitan ng pormyulang:

bilang ng kasagutan sa bawat pagpipilian


100

kabuuang bilang ng mga sagot sa bawat tanong

Doctor of Philosophy
10

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

Konsiderasyong Etikal sa Pag-aaral

Ang mananaliksik sa pag-aaral na ito ay tumatanaw ng utang na loob sa

mga iba’t ibang websites at babasahin na naglathala ng mga paksang may kinalaman sa

kanyang pag-aaral. Hindi niya inaangkin ang mga iba’t ibang kaisipang nakalap para

matapos ang kanyang pananaliksik. Kung hindi dahil sa tulong ng mga ito, hindi

maisasakatuparan ang pag-aaral na ito.

Kabanata III

MGA RESULTA AT TALAKAYAN

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga datos na nakalap ng

mananaliksik mula sa mga respondente.

Grap 1. 1

Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Edad

Doctor of Philosophy
11

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

Ipinakikita sa grap na ang mga respondenteng may edad na 20- 30 ay pito

(7) o 35%; sa edad na 31- 40 ay apat (4) o 20%; sa edad na 41- 50 ay anim (6) o 30%; at

sa edad na 51- 50 ay tatlo o 15% mula sa dalawampung (20) respondente o 100%.

Grap 1. 2

Doctor of Philosophy
12

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Kasarian

Sa grap 1. 2, ipinakikita na ang respondenteng lalaki ay pito (7) o

35%; samantalang ang respondenteng babae naman ay labintatlo (13) o 65% mula sa

kabuuang dalawampu (20) o 100% na respondente.

Grap 1. 3

Distribusyon ng mga Respondente ayon sa kanilang Posisyon/Katungkulan

Doctor of Philosophy
13

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

Sa Grap 1. 3, makikita na ang respondenteng Guro 1 ay wala (0) o 0%;

sa Guro II ay pito (7) o 35%; sa Guro III ay labindalawa (12) o 60%; sa Dalubguro II ay

isa (1) o 5%; sa Ulong guro I, II, III at iba pa ay wala (0) o 0%.

Grap 2

Distribusyon ayon sa mga Google Applications na Ginagamit sa Pagtuturo

Doctor of Philosophy
14

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

Ipinakikita sa Grap 2 na ang respondenteng gumagamit ng Google meet ay

labinlima (15) o 75%; sa Google classroom ay labing-anim (16) o 80%; sa Google forms ay

labing-anim (16) o 80%; sa Google docs ay labing-isa (11) o 55%; sa Google sites ay anim (6) o

30%; sa Podcast ay isa (1) o 5%; sa Google drive ay walo (8) o 40%; sa Google chat ay tatlo (3)

o 15% at iba ay apat (4) o 20%.

Grap 3

Distribusyon ayon sa mga Google Applications na Madalas Gamitin sa Pagtuturo

Doctor of Philosophy
15

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

Sa Grap 3, ipinakikita ang Google Applications na madalas gamitin sa


pagtuturo na kung saan ang gumagamit ng Google meet ay labing-isa (11) o 55%; sa
Google classroom ay labindalawa (12) o 60%; sampu (10) o 50% sa Google form; anim
(6) o 30% sa Google Docs; apat (4) o 20% sa Google sites at apat (4) o 20% naman sa iba
pang applications.

Grap 4

Doctor of Philosophy
16

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

Antas ng Kaalaman ng mga Guro sa Paggamit ng Iba’t Ibang Google Applications


sa Pagtuturo sa Bagong Normal

Ipinakikita sa Grap 4 ang Antas ng Kaalaman ng mga Guro sa Paggamit ng Iba’t Ibang

Google Applications sa Pagtuturo sa Bagong Normal na kung saan sa Google meet, walo (8) o

40% ang may katamtamang antas ng kaalaman; walo (8) o 40% ang may mataas na antas ng

kaalaman samantalang apat (4) o 20% ang eksperto sa paggamit nito. Sa google classroom

naman, dalawa (2) o 20% ang may mababang antas ng kaalaman; siyam (9) o 45% ang may

katamtamang kaalaman, lima (5) o 25% ang may mataas na kaalaman at apat (4) o 20% ang

eksperto. Sa google form naman, apat (4) o 20% ang may mababang kaalaman; walo (8) o 40%

ang may katamtamang kaalaman; lima (5) o 25% ang may mataas na kaalaman at tatlo (3) o 15%

ang eksperto. Pagdating naman sa google docs, dalawa (2) o 20% ang may mababang kaalaman;

sampu (10) o 50% ang may katamtamang kaalaman; dalawa (2) o 20% ang may mataas na

kaalaman at anim (6) o 30% ang nagsabing sila ay eksperto. Sa google sites naman ay apat (4) o

25% ang may mababang kaalaman; siyam (9) o 45% ang may katamtamang kaalaman ; tatlo

(3) o 15% ang may mataas na kaalaman at tatlo (3) o 15% ang eksperto sa paggamit nito. Sa iba

Doctor of Philosophy
17

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies
pang google applications, lima (5) o 25% ang nagsabing mababa ang kanilang kaalaman; walo

(8) o 40% ang may katamtamang kaalaman; apat (4) o 20% ang may mataas na kaalaman at

tatlo (3) o 15% naman ang eksperto sa paggamit nito.

Doctor of Philosophy
18

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

TSAPTER IV

BUOD, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Sa kabanatang ito, inilalahad ng mananaliksik ang buod ng pag-aaral,

konklusyon na nabuo batay sa mga datos na nakalap at ang mga rekomendasyon upang

maging kapaki-pakinabang ito sa mga susunod na mananaliksik lalo na sa mga

mag-aaral upang makatulong sa pag-alam ng antas ng kaalaman ng mga guro sa

paggamit ng iba’t ibang google applications sa pagtuturo sa bagong normal o panahon ng

pandemya.

Buod

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa Antas ng Kaalaman ng mga Guro sa

Paggamit ng Iba’t Ibang Google Applications sa Pagtuturo sa Bagong Normal. Narito

ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng sarbey kuwestyuneyr sa

google form:

a. Karamihan sa mga respondente ay nasa edad 20- 30;

b. Mas maraming respondenteng babae kaysa sa lalaki;

c. 60% ang respondenteng Guro III ang katungkulan/posisyon;

d. Pinakagamitin sa pagtuturo ang google classroom at google forms;

e. Madalas gamitin sa pagtuturo ng mga gurong respondente ang google classroom; at

f. Ang antas ng kaalaman ng mga guro sa iba’t ibang google applications ay mataas.

Doctor of Philosophy
19

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

Kongklusyon

Sa pananaliksik na ito, natuklasan na ang mga guro ay may sapat nang kaalaman

sa paggamit ng iba’t ibang google applications sa pagtuturo sa bagong normal.

Samakatuwid, handang- handa na sila anuman ang sitwasyon sa pagtuturo. Masasabing

ang mga guro ay malikhain sapagkat anuman ang sitwasyon, lagi silang nakahandang

matuto at makagawa ng paraan alang-alang sa kanilang mga mag-aaral. Ito ang siyang

dahilan kung bakit ang google ay nakaisip ng iba’t ibang google applications para

magamit ng mga guro sa pagtuturo sa panahon ng pandemya o ang tinatawag na bagong

normal. Naging epektibo ang mga ito bilang pamamaraan ng pagtuturo at pagkatuto.

Rekomendasyon

Dahil gumagamit ang mga guro ng iba’t ibang google applications sa pagtuturo,

nararapat na ang mga:

a. Mga mag-aaral- dapat matuto rin ng paggamit ng iba’t ibang google

applications upang maging epektibo ang kanilang pagkatuto at makasabay sa agos ng

panahon.

b. Mga magulang- hindi lamang ang mga mag-aaral at mga guro ang

kinakailangang matuto sa paggamit ng iba’t ibang google applications sapagkat ang mga

magulang ang gagabay sa kanilang mga anak sa pag-aaral habang wala pang “face to

face” na pag-aaral.

Doctor of Philosophy
20

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

c. Iba pang mga guro- kinakailangang ang lahat ng guro ay maalam sa mga

aplikasyon na kailangang gamitin sa pagtuturo at pagkatuto sa panahon ng pandemya o

bagong normal ng edukasyon nang sa gayon ay epektibo nilang maiparating sa kanilang

mga mag-aaral ang dapat nilang matutunan. Kung kinakailangang sila ay dumalo ng mga

seminar/webinar para maging ganap ang kanilang kaalaman sa mga ito, gawin nila nang

sa gayon ay hindi na sila gaanong mahihirapan sa paggamit ng mga ito.

Doctor of Philosophy
21

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

SANGGUNIAN

https://nicofos.com/2020/06/24/talaan-ng techsto-mga-tech-tools-apps-at-resources-na-
sumusuporta-sa-online-distance-learning/

https://support.google.com/analytics/answer/11053645?hl=fil

https://policies.google.com/technologies/partner-sites?hl=fil

Common Sense. (2020) Wide Open School. Nakuha mula sa https://wideopenschool.org/

International Literacy Association. App a Day. Nakuha mula


sa https://www.literacyworldwide.org/blog/digital-literacies/app-a-day

Peachey, N. (2013) Nik’s Learning Technology Blog. Nakuha mula


sa https://nikpeachey.blogspot.com/2013/09/evaluating-authentic-mobile-apps-for.html

UNESCO (2020) Distance learning solutions. Nakuha mula


sa https://en.unesco.org/covid19/educationresponse/solutions

Doctor of Philosophy
22

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

APENDIKS A

Liham na Humihiling ng Pahintulot sa Pagsasagawa ng Sarbey

LYCEUM-NORTHWESTERN UNIVERSITY

Dagupan City

INSTITUTE OF GRADUATE AND PROFESSIONAL STUDIES

DOCTOR OF PHILOSOPHY- MAJOR IN FILIPINO LANGUAGE

DOLORES G. RACRAQUIN, ED. D.


Punong Guro IV
Pambansang Mataas na Paaralan ng Irene Rayos Ombac
Bolaoen, Bugallon, Pangasinan

Madam:

Magandang araw po!

Ako po ay isang mag-aaral ng “Doctor of Philosophy Major in Filipino


Language” at kasalukuyang gumagawa ng Papel Pananaliksik hinggil sa “Antas ng
Kaalaman ng mga Guro sa Paggamit ng Iba’t Ibang Google Applications sa Pagtuturo sa
Bagong Normal” upang maisakatuparan ang isa sa mga kinakailangan sa asignaturang
“Pananaliksik sa Filipino sa Espesipikong Larangan”.

Kaugnay nito, nais kong magsagawa ng sarbey sa mga guro ng ating paaralan
ukol sa nabanggit na paksa.

Inaasahan ko ang inyong positibong pagtugon hinggil sa bagay na ito. Maraming


Salamat po.

Lubos na gumagalang, Pinagtibay:

Emily J. Macaltao DOLORES G. RACRAQUIN, ED. D

Mag-aaral, Ph. D. Filipino Punong Guro IV

Doctor of Philosophy
23

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

APENDIKS B

Sarbey-Kuwestyuneyr ukol sa Antas ng Kaalaman ng mga Guro hinggil sa

Iba’t Ibang Google Applications sa Pagtuturo sa

Bagong Normal

Mga minamahal na respondente,

Magandang araw!

Ang inyong lingkod ay isang mag-aaral ng "Doctor of Philosophy Major in Filipino


Language" sa Lyceum-Northwestern University at nagsasagawa ng pananaliksik ukol sa
"Antas ng Kaalaman ng mga Guro sa Paggamit ng Iba't Ibang Google Applications sa
Pagtuturo sa Bagong Normal" bilang isa sa mga kakailanganin sa asignaturang "
Pananaliksik sa Filipino sa Espesipikong Larangan".

Mangyari pong sagutan nang buong katapatan ang mga sumusunod na aytem.
Tinitiyak kong magiging kumpidensyal na impormasyon ang inyong mga kasagutan.

Maraming salamat po!

- Ang Mananaliksik

Panuto: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga kasunod na patlang. Kung
may pagpipilian, punan ng tsek () ang patlang na tumutugon sa inyong sagot.

I. Profayl ng mga Guro:

a. Pangalan_______________________ (Opsyunal)

b. Edad

______21- 30 ______ 31- 40 ______ 41- 50

______51- 60 ______iba pa

Doctor of Philosophy
24

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

c. Kasarian

______ Lalaki ______ Babae ______ iba pa

d. Posisyon/Katungkulan

______ Guro I ______ Guro II ______ Guro III

______ Dalubguro I ______ Dalubguro II ______ Ulong guro I

______ Ulong Guro II ______ Ulong Guro III

II. Ano- ano ang mga google applications na ginagamit sa pagtuturo sa bagong normal?

______ Google meet

______ Google classroom

______ Google forms

______ Google docs

______ Google sites

______ Podcast

______ Google drive

______ Google chat

______ iba pa

III. Alin sa mga google applications ang madalas gamitin ng mga guro sa pagtuturo?
______ Google meet

Doctor of Philosophy
25

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

______ Google classroom


______ Google forms
______ Google docs
______ Google sites
______ iba pa

III. Ano ang antas ng kaalaman mo bilang guro sa paggamit ng iba’t ibang google
applications sa pagtuturo sa bagong normal? (Lagyan ng tsek () ang angkop na patlang
ng inyong kasagutan.
Antas ng Kaalaman

Google Mababa Katamtaman Mataas Eksperto


Applications

a. Google meet

b. Google
classroom

c. Google forms

d. Google docs

e. Google sites

f. Iba pa

___________________________________

Lagda ng Respondente

Doctor of Philosophy
26

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

APENDIKS C

Curriculum Vitae

Pangalan: Emily J. Macaltao

Edad: 44 na taong gulang

Tirahan: Blk. 20, Lot 9, Grand Royale Subdivision, Poblacion, Bugallon,


Pangasinan

Araw ng Kapanganakan: ika- 11 ng Marso, 1977

Lugar ng Kapanganakan: Maningding, Sta. Barbara, Pangasinan

Contact number: 09399180319/ 09605555208

E-mail address: macaltaoe@gmail.com

Edukasyon

Elementarya: East Central School

Sta. Barbara, Pangasinan

1984- 1990

Second Honors

Doctor of Philosophy
27

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

Sekondarya: Daniel Maramba National High School

Sta. Barbara, Pangasinan

1990- 1994

Tersyarya:

A. Kolehiyo: University of Pangasinan

Dagupan City

Bachelor of Secondary Education

Major in Filipino

B. Graduate School: Lyceum- Northwestern University

Dagupan City

Master of Arts in Education

Major in School Administration

1999- 2006

Lyceum- Northwestern University

Dagupan City

Master in Education

Major in Filipino

2016- 2017

C. Post Graduate: Doctor of Philosophy

Major in Filipino Language

2021- present

Doctor of Philosophy
28

Lyceum-Northwestern University Institute of Graduate and Professional


Studies

Doctor of Philosophy

You might also like