You are on page 1of 9

Learning Area: Socio-Emotional Development

Learning Delivery Modality: Face to Face

School Malainen Bago Elementary Grade Level Kindergarten


School
Teacher Ronalyn C. Jimenez Learning Area Social Studies
LESSON Teaching Date April 17, 2023 Quarter 3- Week 9
EXEMPLAR Teaching Time 7:30- 8:30 AM No. of Day/s 4
I. Objectives Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Pagkatapos ng aralin inaasahang:
 Natutukoy ang mga bagay na nangangailangan ng
maingat na paggamit.
 Nakikilala ang pagkakaiba ng mga bagay na ligtas at
mapanganib
 Napaghihiwalay ang mga bagay ayon sa mga
katangian nito (matutulis/matatalim na bagay, maliliit
na bagay at mga bagay na lumilikha ng apoy)
 Nakikinig at nakikilahok nang mabuti sa kuwento at
talakayan.
 Nakapagbabahagi ng mga tuntunin upang maging
ligtas gamitin ang mga matutulis/matatalim at maliliit
na bagay na matatagpuan sa tahanan.
A. Content Standards Ang bata ay nagkakaroon ng pag-unawa sa kakayahang
pangalagaan ang sariling kalusugan at kaligtasan
B. Performance Standards Ang bata ay nakapagpapamalas ng pagsasagawa ng mga
pangunahing kasanayan ukol sa pansariling kalinisan sa
pang-araw-araw na pamumuhay at pangangalaga para sa
sariling kaligtasan
C. Most Essential Learning Competencies Nakikilala ang kahalagahan ng mga tuntunin: pag-iwas sa
(MELC) paglalagay ng maliit na bagay sa bibig, ilong, at tainga, hindi
paglalaro ng posporo, maingat na paggamit ng
matutulis/matatalim na bagay tulad ng kutsilyo, tinidor,
gunting, maingat na pag-akyat at pagbaba sa hagdanan,
pagtingin sa kaliwa’t kanan bago tumawid sa daan,
pananatiling kasama ng nakatatanda kung nasa sa
matataong lugar (KPKPKK-Ih-3)
D. Enabling Competencies
(If available write the indicated MELC) N/A
II. Content/ Core Content Kahalagahan ng mga tuntunin upang maging ligtas sa
anumang aksidente (KPKPKK-Ih-3)
 Approach: Constructivism
 Strategy: Direct instruction
 Suggested Activity: TGA (Tell Guide and Act)
III. Learning Resources
A. References Kindergarten MELC / Kindergarten PIVOT 4A BUDGET OF WORK
a. Teacher’s Guide Pages MELC Kindergarten Quarter 3- Week 9
b. Learner’s Material Pages Kindergarten PIVOT pp. 39-42
c. Textbook Pages
d. Additional Material from Learning
Resources
B. List of Learning Resources for Materials: slide deck, music/ videos, pictures, worksheets
Development and Engagement
IV. PROCEDURES BLOCKS OF TIME
A. Introduction A. Panimulang Gawain:
( Panimula) (Arrival)
Daily Routine 1. Lupang Hinirang
Activities 2. Pambungad na Panalangin
3. Ehersisyo
4. Kumustahan
5. Attendance
6. Panimulang Pagbati

B. Development
(Pagpapaunlad) Meeting Time 1 1. Panimula: Magandang-araw mga bata. Handa na ba kayong
matuto at mag-aral sa araw na ito?

Pagganyak:

Ipakita si Doraemon.
Nais ni Doraemon na magpatulong sa inyo na linisin ang kanyang
mahiwagang bulsa sa pamamagitan ng paghihiwalay sa ligtas at di ligtas
na bagay. Maaari nyo ba siyang tulungan?

Bilangin ang mga bagay na nasa ligtas gamitin at bagay na nasa hindi
ligtas gamitin. Ilan lahat ang nasa loob ng mahiwagang bulsa ni
Doraemon? (Numeracy)

Balik-Aral:
Magpakita ng video ng palengke ng Naic

https://www.youtube.com/watch?v=A5eKq9FnYFI

Tanong:
 Nakapunta ka na ba sa palengke?
 Ilarawan ang palengke base sa napanood.
 Ano ang inyong dapat gawin kung sakaling isama kayo ng
inyong magulang sa palengke?
 May ibinibilin ba sa inyo si nanay o tatay kapag kayo ay
isasama sa palengke?

2. Paglalahad ng Paksa (Parada ng larawan)

Ang guro ay magpapakita ng mga larawan sa mga bata.


Ano ano ang mga nakikita ninyo sa larawan?

(natutukoy ang mga kongretong bagay na maaring gamitin sa


pagbibilang)
(Natutukoy kung sino-sino ang bumubuo ng pamilya)
(Natutukoy ang lugar sa komunidad)

Ang guro ay maglalahad ng maikling kwento sa mga bata


gamit ang mga larawan na ipinakita. Babasahin ng guro ang
maikling kuwento at pagkatapos ay tatalakayin ang mga
tanong.

(Tell)

Mga tanong: (Literacy)


1. Ano ang pamagat ng maikling kwento?
2. Ano ang laruan ni Nena?
3. Sino ang kumuha ng laruan ni Nena?
4. Ano ang nangyari sa kapatid na bunso ni Nena?
5. Ano ang ginawa ni Nena?
6. Saan dinala ang bunsong kapatid ni Nena?
7. Naglaro pa ba siya ulit ng holen?
8. Bakit kailangan nating iwasan ang paglalaro ng mga
bagay na hindi ligtas para sa atin?

Narito ang ilan sa mga paraan upang mapanatiling ligtas ang ating sarili.
Tandaan ang mga tuntunin na ito upang maging ligtas sa lahat ng
panahon.

1. Kilalanin at suriin ang mga tao, bagay, lugar at mga pangyayari na ligtas
o di ligtas para sa sarili.
2. Umiwas sa paglalagay ng maliliit na bagay sa bibig, ilong, at tainga.
3. Iwasang maglaro ng apoy o maglaro ng posporo.
4. Mag-ingat sa paggamit ng matutulis at matatalim na bagay tulad ng
kutsilyo, tinidor, gunting at iba pa.
5. Para maging ligtas sa loob ng bahay na may hagdanan, mag-ingat at
gamitin ang hawakan sa pag-akyat at pagbaba dito.
6. Sa paglabas ng bahay, kung may dadaanang maraming sasakyan ay
tumingin sa kaliwa’t kanan bago tumawid o di kaya’y magpasama sa mga
nakatatandang tagapangalaga sa bahay.
7. Panatilihing kasama ang nakatatanda kung nasa matataong lugar.

Gawain 1:
Mula sa mga bagay na ating pinangkat sa pagganyak, paghiwalayin
naman natin ang mga bagay na hindi ligtas gamitin sa mga kategoryang
matutulis/matatalim na bagay, maliliit na bagay at mga bagay na lumilikha
ng apoy.

matutulis/matatalim maliliit na bagay mga bagay na


na bagay lumilikha ng apoy.

Mga Tanong:
1. Mula sa mga bagay na hindi ligtas gamitin, ano kaya ang maaari
nating magamit kapag ang guro ay nagpagawa ng mga arts
activities? Kanino tayo maaaring humingi ng tulong upang
maiwasan natin ang posibleng aksidente?
2. Halimbawa na nagkaroon ng sunog dahil sa napaglaruan ng iyong
kalaro ang posporo at kandila, kanino tayo maaaring humingi ng
tulong upang mabilis itong mapatigil?
3. Aksidenteng natusok ng matulis na bagay ang isa sa iyong kalaro
o kamag-aral, sino kaya ang tutulong upang siya ay mailigtas?
Saan lugar ng komunidad kaya siya dadalhin?

(Nakikilala ang mga taong nakatutulong sa komunidad hal.


guro,bombero, pulis, at iba pa)

(Natutukoy ang iba’t ibang lugar sa komunidad)

Gawain 2:
Tingnan ang mga sumusunod na larawan. Tukuyin ang mga tuntunin na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa sariling kaligtasan. Lagyan ng Tsek or
Ekis ang maliliit na kahon.

C. Engagement A. Teacher Supervised


(Pakikipagpalihan) Work Period 1
(Guide) Paalala:  Gabayan ang mga mag-aaral sa mga Gawain. Basahin ang panuto at
ipaliwanag sa bata.

Gawain 3:
Panuto: Suriin ang mga larawan. Piliin ang masayang 😊 mukha sa
screen kung ang pangyayari sa larawan ay nagpapakita ng tuntunin upang
maging ligtas sa anumang aksidente at malungkot na ☹ mukha naman
kung hindi.

B. Independent Activities

Panuto: Isagawa ng bawat grupo ang mga sumusunod na gawain.


Meeting Time 2 Pangkat I- Suriin ang bawat larawan kung ito ay nagpapakita ng ligtas o
hindi ligtas na tuntunin. Idikit ang mga ito ayon sa kanyang tamang hanay.
(Act)

Pangkat II- Lagyang ng tsek ang larawan na nagpapakita ng kaligtasan at


ekis naman kung hindi.

Pangkat III- Kulayan ang mga larawan na maaari mong gawin upang
maging ligtas mula sa panganib.
Pagtalakay sa kanilang ginawa

Rubriks
Pamantayan sa Paggawa Puntos
Naibigay ng bigay husay ang hinihinging
datos o takdang paksa sa pangkatang
gawain
Naipamalas ng buong miyembro ang
Supervised Recess pagkakaisa sa paggawa ng pangkatang
gawain
Natapos ang pangkatang Gawain ng
buong husay sa loob ng itinakdang oras
Kabuuan 15

1. Isagawa ang Panalangin bago kumain


Panginoon, maraming salamat po sa mga biyaya at pagkain na Iyong
ibinigay sa araw na ito. Amen.
2. Talakayin ang kahalagahan ng malinis
na kamay bago kumain sa pamamagitan ng pag-awit.
Awit: Maghugas ng kamay by: Teacher Cleo Varela

Paalala: Ipaalala sa mga bata ang mga health protocol bago kumain.

Story Time Paalala: Pamantayan sa pakikinig ng kuwento

1. Awit: Oras na ng Kuwentuhan

2. Pagbasa ng Kuwento: Ang Batang Bubuyog

(Self-Learning Module (SLM)


Quarter 3 – Module 8: p. 8-15)

1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?


Inaasahang sagot ng bata: batang bubuyog, Amang bubuyog, Inang
bubuyog, uod, at
paru-paro.
2. Ano ang tagubilin ng mga magulang na bubuyog sa kanilang anak?
Sinunod ba ito ng anak?
Inaasahang sagot: Huwag lumabas ng bahay. Hindi po niya sinunod.
3. Ano ang ginawa ng batang bubuyog nang makaalis na ang mga
magulang?
Inaasahang sagot: Inilabas ang kanyang mga laruan at naglaro, at nang
mapagod ay
lumabas ng bahay at namasyal sa hardin.
4. Ano ang nangyari sa batang bubuyog sa kanyang pamamasyal sa
hardin?
Inaasahang sagot: Nabihag siya sa sapot ng gagamba.
5. Ano ang ginawa ng mga magulang na bubuyog nang wala silang
madatnan sa bahay?
Inaasahang sagot: Hinanap ni Amang bubuyog ang anak at natagpuan
niya itong
nabihag ng sapot ng gagamba.
6. Bakit kailangang sundin natin ang mga tagubilin ng ating mga
magulang?
Inaasahang sagot: Upang maging ligtas ang ating sarili sa kapahamakan.

D. Assimilation Makinig sa babasahin na pangyayari ng guro, ilagay mo ang sarili sa


( Paglalapat )
bawat ang sitwasyon at sagutin ang bawat tanong.

1. Tumatawid ang bata ng mag-isa sa daan na maraming sasakyan na


dumadaan. Ano ang
dapat gawin ng bata?
2. Gustong kumuha ng bata ng kutsilyo upang hiwain ang isang prutas.
Ano ang dapat
niyang gawin?
3. Sumama ang bata sa palengke at gusto niyang bumili ng pagkain ngunit
malayo pa ito sa isdaan kung saan bumibili ang nanay niya. Ano ang dapat
gawin?

E. Assessment Work Period 2 Subukan Natin!


(Pagtataya)
Panuto: Gumuhit sa loob ng kahon ng masayang mukha 😊 kung ang
pangyayari ay nagpapakita ng tuntunin upang maging ligtas sa anumang
aksidente at malungkot na mukha ☹ naman kung hindi.

_________ 1. Hinawakan ng bata ang kamay ng ama niya kaya’t ligtas


siyang nakatawid sa daan.
_________ 2. Naglalaro ng apoy sa bakuran ang magkapatid kaya’t
nagliyab ang basurang papel na nakaimbak na malapit sa kanila.
_________ 3. Tumulong si ate sa paggamit ng kutsilyo kaya’t hindi
nasugatan ang bata.
_________ 4. Humiwalay ang bata sa ina nang pumunta sila sa palengke
kaya’t nawala ito sa paningin ng ina.
_________ 5. Binabantayan ng bata ang maliit na kapatid habang
naglalaro ito kaya’t nakita niyang kinakain na nito ang mga laruang plastic
at kinuha ito mula sa bibig ng kapatid.

Indoor/Outdoor
Activities
Kumpletuhin mo ang sumusunod na pahayag.
Sa araling ito natutuhan ko ________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

Meeting Time 3
Oras ng Pamamaalam:

1. Isagawa ang pangwakas na panalangin


2. Ipaawit ang Paalam na Sa’yo by: Teacher Cleo Varela
3. Ibigay ang mga Paalaala bago mag-uwian:
a. Panatilihing nakasuot ang facemask
b. Panatilihin ang social distancing sa pila.
c. Lumakad nang maayos.

Prepared by: Checked by:


RONALYN C. JIMENEZ ROSEMARIE R. PERIDO
Teacher Applicant Principal III

You might also like