You are on page 1of 2

Ngayon naman ay aming tatalakayin ang pagkakabuo ni Jose Rizal sa akdang El Filibusterismo.

Ito ay
maaring iuri sa limang yugto, ang mga ito ay sumusunod: una, ang pagplano at pagsulat, pangalawa ang
pagrebisa, pangatlo naman ang pagtapos ng nobela, pang-apat ang pagtitipid na ginawa ni Rizal upang
matustusan ang paglimbag sa ikalimang yugto. Sa kabuoang proseso, inyong mapapansin ang
pagkakaiba sa sitwasyon at estado ni Rizal noong siya ay sumulat sa kaniyang unang nobela kompara sa
pangalawang noibela. Mapapansing ibat ibang lugar ang napuntahan ni Dr. Rizal hábang sinusulat pa
niya ang kaniyang mga nobela. Para sa Noli Me Tangere, ang mga dahilan ay may kinalaman sa kaniyang
pamamasyal at sa kaniyang propesyon. Ngunit para naman sa El Filibusterismo, pangunahing dahilan
ang labis na pagtitipid at kahirapan. Ang akdang El Filibusterismo ay tanyag sa buong mundo bilang akda
ng kasaysayan ng tagumpay at pagkabigo ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga kastila. Kaya
marapat lamang nating alamin ang background o ang mga karanasan ng manunulat nito.

FIRST BAR: BALINGIT


EXPLANATION: Ayon sa tekstong inyong binasa, sa sariling bansa lang sinimulan, ngunit sa dayuhang
bansa natapos ang akdang El Filibusterismo. Dahil ito sa pagtuligsa at pagbabantang natatanggap ni Rizal
matapos nakarating sa mga Kastila ang unang nobelang kanyang isinulat, na ayon pa sa kanila ay
“makamandag”. Nang panahon rin iyon ay nagdaranas ng pagmamalupit ang mga magsasaka ng
Calamba at ang kaniyang pamilya dala ng mga paring Dominiko, na masasalamin sa ikaapat na kabanata
ng El Fili, pinamagatang (Kabesang Tales). Kaya, ating mahihinuha na sa yugtong pagpaplano at
pagsusulat ng nobelang El Filibusterismo sadyang napakaraming balakid, kasawian, at paghihirap ang
dinaranas ni Rizal. Dito niya hinugot ang agresyon ng kaniyang ikalawanag nobela, na matatalakay sa
susunod na yugto. Ginoong Adrian, mangyaring pumagitna sa entablado.

SECOND BAR: PATRICIO


EXPLANATION: Ang mga karanasan na humubog sa akdang El Filibusterismo ay ang mga sumusunod: (1)
Ang pagkamatay ng dalawang Filipino sa Madrid na sina Felicisimo Gonzales at ang kaibigan niyang si
Jose Maria Panganiban, (2) ang away nilang dalawa ni [Heneral] Antonio Luna dahil sa isang babae, si
Nelly Bousted, (3) ang tunggalian sa pagitan nila ni Marcelo H. del Pilar sa pamumuno ng samahán ng
mga Kastila at mga Filipino sa Espanya―mababása sa unang mga bahagi ng nobela ukol sa pagpapatayo
ng Akademya ng wikang Kastila, at (4) ang pagpapakasal ng kaniyang kasintahang si Leonor Rivera sa
isang inhinyerong Ingles na si Henry C. Kipping―matutunghayan sa hulíng mga bahagi ng nobela, sa
kabanata kung saan nagpakasal si Paulita Gomez kay Juanito Pelaez.

THIRD BAR: ALLAWAN


EXPLANATION: Sino si Suzanne Jacoby, at bakit niya iniiwasan ito? Si Suzanne Jacoby ay isang babaeng
Belgian na namamahala sa isang boarding house kung saan nananitili si Rizal sa anim na buwan. Ang
kanilang relasyon ay maaring maihahambing sa “mutual understanding” ng mga kabataan ngayon. Sa
kabila ng silakbo ng pagmamahal, kinailangan niyang pigilin ang kaniyang damdamin para kay Suzanne
Jacoby alang-alang sa maalab niyang pag-ibig sa Filipinas. Isinakripisyo ni Dr. Rizal ang kaniyang
nararamdaman sa isang babae―ang kaniyang personal na pangangailangan―dahil higit na kailangan
siya ng kaniyang mga kababayang patuloy na nagtitiis sa panlalapastangan ng mga Espanyol.
FOURTH BAR: DATARO
EXPLANATION: Ayon sa aklat na “Rizal’s Life, Works, and Writings” ni Gregorio F. Zaide, ang tinutuluyan
nilang apartment ay may sariling canteen pero sa halip na kumain doon, dahil sa mas mapapamahal sila,
ay bumili na lámang si Rizal ng isang latang biskuwit at ilang kape para sa mga almusal nilang dalawa sa
loob ng isang buwan. Ang ginawa pa ni Dr. Rizal, hinati niya nang pantay para sa kanilang dalawa ang
mga biskuwit. Subalit sa hindi magandang palad, tulad sa mga nangyari sa kaniya hábang ipinapalathala
ang unang nobela, muli na namang kinapos sa salapi si Dr. Rizal. Naubos na ang perang nakuha mulâ sa
pagsangla niya sa kaniyang mga alahas. Kaya noong 6 Agosto 1891 ay itinigil ang paglilimbag sa nobela
na noo’y nasa ika-112 pahina na.

FIFTH BAR: ANANA


EXPLANATION: Labing-isang taóng gulang pa lámang noon si Dr. Rizal nang masaksihan niya ang kalunos-
lunos na pagbitay sa tatlong paring martir, ang GOMBURZA, na sina Mariano Gomez de los Angeles, Jose
Apolonio Burgos y Garcia, at Jacinto Zamora y del Rosario. Marami ang nalungkot at marami ang nagalit
dahil pinatay ang tatlong paring inosente na dinawit lámang sa Cavite Mutiny. Ang Cavite Mutiny ay ang
pag-aaklas noon sa Cavite ng tinatayang 200 pinagsama-samang manggagawang Pilipino dahil sa
sapilitang paggawa o polo y servicio at pagkakaltas ng buwis ng mga Espanyol. Gayunman, ang pag-
aaklas na ito ay hindi naging matagumpay dahil lahat ng nagsipag-aklas ay hinuli, pinarusahan at pinatay.
Idinawit ng mga Espanyol ang tatlong pari bilang mga “FILIBUSTERO”, at binitay sa pamamagitan ng
garote sa Bagumbayan (ngayon ay Luneta Park) noong 17 Pebrero 1872. Ang karumal-dumal na
pangyayaring iyon, kahit maraming taon na ang lumipas, ay kumintal sa isipan at bumiyak sa puso ni Dr.
Rizal kayâ ang GOMBURZA ang kaniyang pinag-alayan ng pagsusulat ng nobelang El Filibusterismo.

You might also like