You are on page 1of 6

Reviewer in Filipino

(week 1)

Talaarawan-Ang journal o talaarawan ay talaan ng mga pansariling gawain, mga


replekson, o saloobin at ideya ng mga naiisip at nadarama at kung ano-ano pa.Ito ay
isang permanenteng personal na talaan at iniingatan nang may kaganapan ng isang
indibidwal.Binibasa ito nang may pang-unawa ang tekste uapang masagot at makuha
ang mahahalagan impormasyon.

(week 2)

Salitang Hiram-Ito ay tumutukoy sa pag gamit ng isang bagay na


pagmamay-ari ng iba. Eto ay sa panandalian panahon ng paggamit
lamang at may intensyong isauli o ibalik sa tunay na may ari. Ang
kalimitan na hinihiram ay mga gamit na madaling buhatin. Isa na sa
halimbawa ay gunting, lapis, suklay at iba pa na kaylangan sa araw
araw. Ang hiram na salita ay nagpapahiwatig ng pagkuha saglit ng
isang gamit at ibabalik kapag natapos na ang ginagawang gawain.
1.Sa panghihiram ng salita na may katumbas sa wikang Ingles at sa
Kastila unang prepensiya ang hiram na kastila.
Hal:
English Kastila Filipino
Check Cheque Tseke
Liquid Liquido Likido
Education Educacion Edukasyon
Liter Litro Litro
2.Kung konsistent ang baybay na salita hiramin ito ng walang
pagbabago.
Hal:
Reporter,hair spray, braid gel,brush,chemotherapy,curlers,density
3.Kung hindi konsistent ang baybay ng salita,hiramin ito at baybayin ito
ng konsistent.
Hal:
jacket-dyaket
leader-lider
teacher-titser
doctor-doktor
4.Sa pagsusulat ng pabaybay,kung ano ang bigkas ay siya ring sulat at
kung ano ang sulat ay siya ring bigkas.
Hal:
physical-pisikal
emotional-emosyonal
column-kolum
(week 3)
Natutukoy ang Elemento ng Pelikula
Mga Elemento ng Pelikula
1.Nlalamian o Banghay-katulad rin ng mga akdang pampanitikan,ang pelikula ay
isang kuwento na may, simula gitna at wakas

2.Tunog-maaring diyalogo,sound effect,mga inagy mula sa kapaligiran (ambient


noise) at/o katahimikan.

3.Disenyong Pamproduksyon-pagpapanatili sa kaangkupan ng


lugar,eksena,pananamit,make-up,kagamitan at sitwasyon

4.Direksyon-ang direktor ang pinakapuso ng isang pelikula.

5.Sinematograpiya-Pagkuha ng wastong anggulo at tamang pagkakakuha


(framing) upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa
pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera.

6.Musika-ito ay mga himig na makakatulong sa pagpapalitaw ng damdaming


nais mamayani sa pelikula kasama na rin ang pagtukoy sa katauhan ng
gumaganap na actor.

7.Editing-ito ay pagpuputol at pagdudugtong muli ng mga negatibong mula sa


mga ekesenang nakuhaan na.

Mga Katangian ng Pelikula

1.Audio Visual-nararapat na angkop ang musika at props na ginagamit sa


pelikula.

2.Kaisipan,Mensahe at Damdamin-malinaw dapat na maipakita ang kaisipan at


mensahe ng pelikula.
3.Tiyak na haba ng pelikula-ang paggawa ng isang pelikula ay napakahirap na
gawain o proyekto.

4.Sapat na budget para sa pelikula-nararapat na sapat ang pera o budget sa mga


pangangailangan ng peliula dahil napakagastos ang pagbuo nito.

5.Gawa ng tao ang pelikula-nangangailangang sapat ang builang nga tao sa loob
ng pamumuno ng direktor.

(week 4)

Pagbibigay ng Paksa o Layunin sa Pinanood o Nabasang Dokyumentaryo

Dokyumentaryo-Ang dokyumentaryo ay isang programa sa radyo,telebisyon, at


maari ring pelikula na nagsisilbing libangan.Gumigising din ito sa diwa at
damdamin ng isang tao kapag naging mabisa ang pagkakalahad nito.

Napapabago rin nito ang pananaw,saloobin, at prinsipyo ng isang


tao.Tumatalakay ito sa mga isyung panlipunan,pang-
espirituwal,pangkultura,pang edukasyon at marami pang iba.

Sa kasulukuyan,laganap ang dokyumentaryong pantelebisyon,panradyo at


social media na naglalahad ng katotohanan ng buhay ng tao sa bawat sektor ng
lipunan gayundin ang kultura at pamumuhay rito.

(week 5)

Nabibigkas ng may wastong tono diin,antala at damdamin ang napakinggang


tula

1.Antala-ang antala o saglit na paghinto sa pagbibigkas.Ito ay depende sa bantas


na ginagamit sa pagsulat ng tula,kapag kuwit (,) ang bantas bahagya lng titigil
(pause) ngunit kung tuldok (.) naman ang ginagamit titigil sa bahaging may
tuldok bago magpatuloy sa pagbabasa kung mayroon pang kasunod na taludtod
o saknong.

2.Diin-ang diin sa pagbigkas ng tula na inilalapat sa salita o pantig ayon sa tindi


ng damdaming ipinapahayag.

3.Tono-ang tono sa pagbibigkas ng tula ay maaring mataas o mahina at payapa


o mahinahon ayon sa damdamin o emosyong ipinapahayag.

4.Damdamin-ang damdamin sa pagbigkas ng tula ay pagpapakita ng ekspresyon


ng mukha.Maaring masay o malungkot,maygalit o pagmamahal.
5.Tikas-ang tikas galaw at kumpas ay ang paraan pagkilos o paggalaw binibigkas
wili at kapani-paniwala ang pagbasa.

(week 6)

Nabibigkas ang iba’t-ibang uri ng Mapa

1)Mapa-ito ay patag at palapad na representasyon ng daigdig.

2) Mapang Pisikal-Ito ay nagpapakita ng likas na katangian ng bansa.Ito rin ay


nagpapakita ng anyong lupa at anyong tubig upang malaman ang pisikal ng anyo
ng Pilipinas.

3)Mapang Demograpiko-Ito ay nagpapakita ng pagkakabahagi ng populasyon ng


bansa.

4)Mapang Pangkabuhayan-Ito ay nagpapakita ng uri ng mga pangunahing


pananim,produkto at idustriya ng isang pook.

5) Mapang Politikal-Ito ay nagpapakita ng lawak ng hangganan ng gawa ng tao


at mga katangiang kultural.Makikita ditto ang hanggan kabisera o kapitolyo at
lalawigan.

6) Mapang Pangklima-Ito ay nagpapakita ng lagay ng panahon sa loob ng ilang buwan sa iba’t-


ibang bahagi ng bansa.

(week 7)

Pagbibigay Kahulugan sa Bar Grap,Pie Grap,Talahanayan at Iba pa

Grap-Ang grap ay representasyon ng mahalagang tala. Sa pamamagitan nito mas madali nating
makikita ang pag-unlad ng isang bagay,produkto at iba pang kauri nito.

Uri ng Grap

1) Pikto Grap-Larawan ang ginagamit upang kumatawan sa datos,impormasyon o mga


produkto.
Hal:
2) Bar Grap-Dito ay ipinapakita ang paghahambing sa mga datos gamit ang
bar.Maaring patayo o pahiga ang isang bar grap.
Hal:

3) Linyang Grap-Binubuo ng linyang perpendicular na ginagamit sa pagsukat


ng pagbabago o pag-unlad.Ang patayo o pahabang linya ay may
kaukulang pagtumbas.Gamit ang linya at tuldok,tinutukoy nito ang mga
salik tulad ng interbal,bilis bagal o tagal ng mga bagay na nakatala sa
bawat grid.

Hal:

You might also like