You are on page 1of 11

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL

IBP Road, Batasan Hills Quezon City


SCIENCE, TECHNOLOGY, and ENGINEERING PROGRAM
Academic Year 2022 - 2023

Q3 AP Reviewer

PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA

● Sambahayan - kumukonsumo ng mga produkto at serbisyo


● Bahay – Kalakal - tagalikha ng produkto
● Pamilihan ng mga Produkto at Serbisyo (Commodity Market/Goods and Services
Market) - uri ng pamilihan na kung saan bumibili ng mga produkto at serbisyo na
tutugon sa pangangailangan at kagustuhan ng mamimili.
● Pamilihan ng mga salik ng produksyon (Factor Market) - uri ng pamilihan para sa
mga salik ng produksyon katulad ng kapital, produkto, lupa, at pagnenegosyo.
● Pamilihang Pinansyal (Financial Market) - uri ng pamilihan kung saan
nakikipagkalakalan ng ibat ibang pinansyal na ari-arian o assets, kabilang ang
dividends, stocks, bonds at forex exchange.
● Pamahalaan - sektor ng ekonomiya na bumubuo at nagpapatupad ng ibat ibang
patakaran para sa pag-unlad ng ekonomiya
● Panlabas na Sektor – sektor ng ekonomiya na tumutugon ugnayan sa ibang bansa sa
pamamagitan ng pag-aangkat at pagluwas ng produkto.

Unang Modelo (Simpleng Ekonomiya)


● Sambahayan = Bahay-Kalakal
○ Ang lumilikha ng produkto ay siya ring konsyumer.
○ Ang kita ng simpleng ekonomiya ay ang Halaga ng Produksyon, na siya ring
Halaga ng Pagkonsumo sa produkto.

Reviewer by: Aaron Drix Abas


BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills Quezon City
SCIENCE, TECHNOLOGY, and ENGINEERING PROGRAM
Academic Year 2022 - 2023

Ikalawang Modelo
● Pag-iral ng Sistema ng Pamilihan sa Pambansang Ekonomiya
○ Magkaiba ang Sambahayan at Bahay-kalakal

● Dalawang Uri ng Pamilihan


○ Factor Market
■ Dito ipinagbibili ng sambahayan ang kapital na produkto, lupa, at
paggawa.
○ Goods Market/ Commodity Market
■ Ang mga kapital,lupa, at paggawa ay binibili ng mga bahay-kalakal na
ginagamit sa paggawa ng tapos na produkto at serbisyo na inipagbibili
dito.
● Ginagamit ng sambahayan ang salapi sa pagbili ng mga produkto at serbisyo mula sa
bahay-kalakal.
● Ginagamit ng bahay-kalakal ang kanilang kinikitang salapi sa pagbabayad ng paggamit
nila ng mga salik ng produksiyon gaya ng sahod, renta, interes at ang matitira ay tubo
para sa may-ari ng bahay-kalakal.

Ikatlong Modelo
● Pamilihang Pinansyal
○ Ang pag-iimpok ay pagpapaliban sa paggastos ng sambahayan para sa
kanilang mga pangangailangan para sa hinaharap.
○ Dahil dito, ang pag-iimpok ay isang palabas na daloy sa paikot na daloy ng
ekonomiya.
● Upang maging matatag ang ekonomiya, kailangang may sapat na ipon ang
sambahayan. Kailangan din na may sapat na dami ng bahay-kalakal na handang
mamuhunan.
● Inaasahan na sa pamumuhunan ng bahay-kalakal, tataas ang produksiyon ng mga
kapital na produkto. Inaasahan na darami rin ang mabubuksang trabaho para sa

Reviewer by: Aaron Drix Abas


BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills Quezon City
SCIENCE, TECHNOLOGY, and ENGINEERING PROGRAM
Academic Year 2022 - 2023

paggawa. Sa ganitong modelo ng ekonomiya, mahalagang balanse ang pag-iimpok at


ang pamumuhunan.

Ikaapat na Modelo
● Paglahok ng Pamahalaan
○ Sumisingil ng buwis ang pamahalaan upang kumita. Ang kita mula sa buwis ay
tinatawag na public revenue.
○ Ito ang ginagamit ng pamahalaan upang makalikha ng pampublikong
paglilingkod.
● Ito ang modelo ng ekonomiya kung saan ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng
pamilihan.
● Bukod sa pag-iimpok at pamumuhunan, ang pagbabayad ng buwis ay nagiging
karagdagang gawain sa ekonomiya.
● Ang pagbabayad ng buwis ay takdang gawain ng sambahayan at bahay-kalakal sa
isang pamilihan.
● Upang maging matatag ang ekonomiya, mahalagang maihatid ang mga pampublikong
paglilingkod na ipinangakong isasakatuparan sa pagsingil ng buwis.

Ikalimang Modelo
● Kalakalang Panlabas

Reviewer by: Aaron Drix Abas


BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills Quezon City
SCIENCE, TECHNOLOGY, and ENGINEERING PROGRAM
Academic Year 2022 - 2023

○ Ang kalakalang panlabas ay may kinalaman sa pag-aangkat at pagluluwas ng


mga produkto at serbisyo sa ibang bansa.
■ Ang pag-aangkat (import) ay pagbili ng mga produkto at serbisyo mula sa
ibang bansa, samantalang ang pagluluwas (export) ay pagbebenta ng
mga produkto at serbisyong gawa sa ating bansa.
● Ang saradong ekonomiya at bukas na ekonomiya ang dalawang perspektiba sa
pagsusuri ng pambansang ekonomiya.
○ Sarado ang ekonomiya
■ kung ang pambansang ekonomiya ay hindi nakikilahok sa kalakalang
panlabas.
○ Bukas ang ekonomiya
■ kapag ang pambansang ekonomiya ay nakikilahok sa kalakalang
panlabas.
● Makikita sa modelong ito ang relasyon ng panlabas na kalakalan sa paikot na daloy ng
ekonomiya.
● Ang bahay kalakal ay nagluluwas (export) ng mga produkto sa panlabas na sektor
samantalang ang sambahayan ay nag-aangkat (import) mula dito.

PAMBANSANG KITA(National Income)


- Kabuuang halaga ng mga tinatanggap na kita ng
Pambansang ekonomiya.
- Nasusukat sa pamamagitan ng GNP at GDP.

Kahalagahan

Reviewer by: Aaron Drix Abas


BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills Quezon City
SCIENCE, TECHNOLOGY, and ENGINEERING PROGRAM
Academic Year 2022 - 2023

- nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksyon ng ekonomiya at


maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksyon ng bansa.
- masusubaybayan ang direksyon na tinatahak ng ating ekonomiya
- Malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbabago.
- gabay ng mga nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at polisiya na
makapagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan at makapagpapataas sa
economic performance ng bansa.
- maaaring masukat ang kalusugan ng ekonomiya.

Sangay ng Pamahalaan
● National Economic Development Authority (NEDA)
○ tagalabas ng tala ng pambansang kita
○ programang pangkaunlaran.
● Philippine Statistics Authority (PSA)
○ tungkulin na magtala ng National Income Accounts (GNP at GDP).

Gross National Income (GNI)/ Gross National Product (GNP)


- Gawa Ng Pinoy
- kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng buong ekonomiya (loob at
labas) sa loob ng isang taon.
- Kasama OFW

Gross Domestic Product (GDP)


- Gawa Dito sa Pinas
- halaga ng kabuuang produkto at serbisyo kasama ang partisipasyon ng mga dayuhang
negosyante sa produksyon sa bansa sa loob ng isang taon.
- Kasama Foreigner

Paraan ng pagsukat ng GNP


● Income Approach
○ batay sa kita ng mga Pilipino na mula sa pagbebenta ng produkto at serbisyo.
● Expenditure Approach
○ Batay sa halagang ginastos sa paglikha ng produkto o serbisyo.
● Industrial Origin Approach
○ Batay sa pinagmulang industriya sa ating bansa.

Ang tinutukoy na sektor ng ekonomiya ay agrikultura industriya (industriya) at


paglilingkod (service).

Formula
GDP = [C + I + G + (X – M)]

Reviewer by: Aaron Drix Abas


BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills Quezon City
SCIENCE, TECHNOLOGY, and ENGINEERING PROGRAM
Academic Year 2022 - 2023

GNP = GDP + NFIA


Where:
C = Personal Consumption Expenditure
G = Government Consumption
I = Capital Formation
X = Export Revenues
M = Import Spending
NFIA = Net factor income from abroad

INFLATION
- pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling produkto na nakapaloob sa basket of
Goods.

Dahilan
● Demand Pull
○ paglaki sa pagkonsumo ng isang kalakal ngunit walang katumbas na paglaki sa
produksyon.
● Cost Push
○ Lumalaki ang gastos sa produksyon ngunit walang paglaki sa kabuuang suplay.

Inflation Rate

Consumer Price Index


- Mekanismo upang masukat ang pagbabago ng presyo ng mga produkto at
serbisyong ginagamit ng konsyumers.

Reviewer by: Aaron Drix Abas


BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills Quezon City
SCIENCE, TECHNOLOGY, and ENGINEERING PROGRAM
Academic Year 2022 - 2023

Mga Nakikinabang

Mga Naapektuhan

PATAKARANG PISKAL (FISCAL POLICY)


● behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis.
● pagkontrol ng pamahalaan sa ekonomiya upang mapatatag ang pambansang
ekonomiya.

○ Nakapaloob dito ang:


■ pagbabadyet,
■ pangungulekta ng buwis

Reviewer by: Aaron Drix Abas


BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills Quezon City
SCIENCE, TECHNOLOGY, and ENGINEERING PROGRAM
Academic Year 2022 - 2023

■ Paggasta

Uri ng Patakarang Piskal


● Expansionary
○ mapasigla ang pambansang ekonomiya.
○ pamumuhunan ng pamahalaan
○ pagbabawas sa ibinabayad na buwis
○ magpapataas sa demand, magpapababa sa presyo ng kalakal at magpapalaki sa
output ng ekonomiya.
● Contractionary
○ bawasan ang sobrang kasiglahan ng ekonomiya
○ pagbabawas sa gastusin ng pamahalaan
○ pagsasapribado ng ilang pagpublikong korporasyon
○ pagpapataas sa singilnna buwis
○ magpapababa sa demand, magpapataas sa presyo ng kalakal at pagbabawas sa
output ng ekonomiya

Kita mula sa buwis = 81%


Kita mula sa di-buwis = 19%

Buwis (tax)
● salapi na sapilitang kinukuha ng pamahalaan sa mga mamamayan.
● Layunin
○ Mapataas ang kita ng pamahalaan.
○ Pagpapatatag ng ekonomiya.
○ Mapangalagaan ang industriyang panloob laban sa mga dayuhang kalakal.
○ Gamit para sa tamang distribusyon ng kita.
○ Regulasyon para sa tamang pagbili at pagkonsumo ng kalakal.
● Uri
○ Direct tax
■ Tuwirang pinapataw sa indibidwal o bahay-kalakal.
■ Ex. with-holding tax
○ Indirect tax
■ Pinapataw sa kalakal o serbisyo
■ Ex. value-added tax

Sangay sa pangongolekta ng buwis

● Bureau of Internal Revenue (BIR)

Reviewer by: Aaron Drix Abas


BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills Quezon City
SCIENCE, TECHNOLOGY, and ENGINEERING PROGRAM
Academic Year 2022 - 2023

○ Nangangalap ng buwis sa loob ng bansa.


● Bureau of Customs
○ Nangangalap ng buwis sa labas ng bansa.

PAMBANSANG BADYET

● Plano kung paano tutugunan ng pamahalaan ang lahat ng gastusin nito


● Kilala sa tawag na “General Appropriations Act”
● Naglalaman ng inaasahang kita at kung paano gagamitin ito

Sa paghahanda ng badyet, binibigyan ng pansin kung magkano ang gagastusin sa


programa ng pamahalaan tulad ng depensa, edukasyon at kalusugan.

Ang kabuuang gastusin ay maaring baguhin upang mapataas o mapababa ang output
ng ekonomiya.

Sitwasyon ng badyet
● Budget Deficit
○ Mas mataas ang gastos kaysa sa kita ng pamahalaan
● Budget Surplus
○ Mas mataas ang kita kaysa sa gastos

Sangay ng Pamahalaan na namamahala ng pambansang badyet.

● Department of Finance (DOF)


● Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
● National Economic and Development Authority (NEDA)
● Department of Budget and Management (DBM)

Pagbuo ng pambansang badyet

● Budget Preparation
○ paghahanda ng panukalang badyet.
● Budget Legislation
○ pagsusuri at pag-apruba (o hindi pag-apruba) ng panukalang badyet.
● Budget Execution
○ pagbibigay ng badyet at paggamit nito.
● Budget Accountability
○ paghahanda ng ulat upang malaman kung nagamit ng tama ang pambansang
badyet.

Reviewer by: Aaron Drix Abas


BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills Quezon City
SCIENCE, TECHNOLOGY, and ENGINEERING PROGRAM
Academic Year 2022 - 2023

PATAKARANG PANANALAPI

● Gamit ng salapi at kung paano ito inilalaan sa gawaing pang-ekonomiya


● Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang tagapangasiwa
● Pagkontrol sa suplay ng salapi

Institusyon ng Pananalapi
● Bangko
○ Tagapamagitan ng taong may labis na salapi at mga negosyanteng
namumuhunan
○ Taga- ingat ng salapi

● Uri ng Bangko
○ Thrift Bank
■ Tinatawag na savings bank
■ Humihikayat sa tao na magimpok
○ Commercial Bank
■ nakikipag-ugnay sa mga nag-iimpok at mga negosyante at kapitalista.
○ Rural Bank
■ Tumutulong sa mga magsasaka na mamuhunan
○ Trust Companies
■ Nangangalaga sa mga ari-arian
○ Special Banks
■ Land Bank of the Philippines
● itaguyod ang pagpaptupad ng reporma sa lupa. May kinalaman ito
sa pagsasaayos ng pondo ng pamahalaan ukol sa reporma
salupa.
■ Development Bank of the Philippines (DBP)
● ito ang nagbibigay tulong pinansyal sa pagpapatupad ng mga
programa at proyekto na magpapaunlad ng pangunahing sektor
ng ekonomya, ang agrikultura at industriya.
■ Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (Al-Amanah)
● tulungan ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan at
mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

● Di-bangko
○ Kooperatiba
■ Binubuo ng mga kasaping iisa ang layunin

Reviewer by: Aaron Drix Abas


BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills Quezon City
SCIENCE, TECHNOLOGY, and ENGINEERING PROGRAM
Academic Year 2022 - 2023

○ Pawnshop
■ Magpautang sa mga nangangailangan ng pera
○ Pension funds
■ PAG-IBIG
● Pagtutulungan sa kinabukasan – Ikaw, Bangko Industriya at
Gobyerno
○ Matulungan ang mga kasapi ng sariling bahay
■ Government Service Insurance System (GSIS)
● Namamahala sa pagkakaloob ng tulong sa mga manggagawa ng
pamahalaan.
■ Social Security System (SSS)
● nagkakaloob ng seguro sa mga manggagawa sa mga pribadong
industriya at kompanya.
○ Pre-Need
■ Mga kompanya o establisimyento na rehistrado sa SEC na
pinagkalooban ng nararapat na lisensiya na mangalakal o mag-alok ng
mga kontrata ng preneed o pre-need plans.
○ Insurance Companies
■ rehistradong korporasyon sa SEC at binigyan ng karapatan ng Komisyon
ng Seguro (Insurance Commission) na mangalakal ng negosyo ng seguro
sa Pilipinas.

Reviewer by: Aaron Drix Abas

You might also like