wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw.
Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
Ang Lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o
paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga pamahalaan. Ang Lipunan din ay isang pangkat ng mga taong nagtataguan at nagkakaisa.
Ang wika ay ang pangunahing instrumento ng komunikasyon at pakikipag-
ugnay sa lipunan. Malaki ang ang ugnayan ng wika at lipunan dahil kapwa naiimpluwensyahan at nahuhubog nila ang isa't isa sa ano mang aspekto.
Ayon kay Lumbera (2000) “Ang usapin ng wikang Pambansa ay usaping
kimasasangkutan ng buhay ng milyon-milyong Pilipino na hindi nakapagsasatinig ng kanilang mga adhikain at pananaw sa kadahilanang ang nasa paaralan, pamahalaan, at iba-ibang institusyong Panlipunan ay sa ingles nagpapanukala at nagpapaliwanag. Sa ganitong posisyon, mababakas ang mahalagang papel ng wikang Filipino, hindi lamang bilang kasangkapan sa pakikipagtalastasan kundi lalo’t higit, bilang