You are on page 1of 24

Pagsulat sa Filipino sa

Piling Larang-Akademik
Unang Markahan – Modyul 1
Ang Kahulugan at Kalikasan ng
Akademikong Pagsulat

CO_Q1_Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang-Akademik


SHS Modyul 1
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik) – Senior High School
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Kahulugan at Kalikasan ng Akademikong Pagsulat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lucila V. Zamoranos


Editor: Consolacion A. Antonio
Tagasuri: Rico C. Tarectecan
Tagaguhit: Eric De Guia
Tagalapat: Mary Jane V. Fetalver
Tagapamahala: Malcom S. Garma, Director IV
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, Regional EPS In-Charge of LRMS
Micah S. Pacheco, Regional ADM Coordinator
Loida O. Balasa, CID Chief
Grace R. Nieves, Division EPS In-Charge of LRMS
Lorena J. Mutas, Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – National Capital Region

Office Address: Misamis St., Bago Bantay, Quezon City


____________________________________________
____________________________________________
Telefax: 02-929-0153
____________________________________________
E-mail Address: depedncr@deped.gov.ph
____________________________________________
Pagsulat sa Filipino sa
Piling Larang-Akademik
Unang Markahan – Modyul 1
Ang Kahulugan at Kalikasan ng
Akademikong Pagsulat
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman


ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Binabati kita at nasa Baitang 12 ka na ng pag-aaral ng Filipino! Tinitiyak ko na


kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul na ito. Ang modyul na ito ay dinisenyo
para sa iyo. Ito ay makakatulong upang magkaroon ka ng sapat na kaalaman sa
Kahulugan at Kalikasan ng Akademikong Pagsulat. Ang mga inaasahang
kasanayan na matatamo ay mula sa kasanayang pampagkatuto sa Modyul 1:
Ang Kahulugan at Kalikasan ng Akademikong Pagsulat!

a. Ang Pagsusulat
b. Ang Akademikong Pagsulat
Inaasahang matatamo mo ang sumusunod na kasanayan sa pag-aaral ng
modyul na ito:

1. Nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat (CS_FA11/12PB-0a-


101)
2. Nailalarawan ang pagsulat batay sa sa mga pananaw hinggil dito.

1 CO_Q1_Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang-


(Akademik)SHS- Modyul 1
Subukin

Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng


modyul na ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin mo ang letra ng tamang
sagot at isulat ito sa sagutang papel.

A. Akademiko C. Journalistic E. Propesyonal


B. Teknikal D. Reperensyal F. Malikhain

1. Uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sors hinggil


sa isang paksa.

2. Layunin na paganahin ang imahinasyon, bukod pa sa pukawin ang damdamin ng


mga mambabasa.

3. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba pang akdang
karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.

4. Napakaispesyalisado ang uri ng pagsulat kung kaya nga may ispesipikong kurso
para rito, ang AB Journalism.

5. Itinuturo sa mga paaralan bilang paghahanda sa isang tiyak na propesyon na napili


ng mga mag-aaral tulad ng Medicine, Nursing, Law at Criminology.

6. Nagsasaad ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa


isang komplikadong suliranin.

7. Itinuturing na isang intelektwal na pagsulat dahil layunin na pataasin ang antas at


kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.

8. Maituturing na halimbawa nito ang pagsulat ng police report ng mga pulis,


investigative report ng mga imbestigador, mga legal forms, briefs, pleadings ng mga
abogado at legal researchers at medical report at patient’s journal ng mga doctor at
nars.

9. Karaniwan nang mayaman na sa mga idyoma, tayutay, simbolismo, pahiwatig at iba


pang creative devicesang mga akda sa uring ito.

10. Uri ng pagsulat sa larangan ng literatura.

2 CO_Q1_Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang-


(Akademik)SHS- Modyul 1
11. Ang paggawa ng bibliograpi, indeks at maging ang pagtatala ng mga impormasyon
sa note cards ay maihahanay sa ilalim ng uring ito.

12. Karaniwan nang mayaman sa idyoma, tayutay, simbolismo, pahiwatig at iba pang
creative devices ang mga akda sa uring ito.

13. Uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na propesyon.

14. Makikita ito sa mga pamanahong-papel, tesis at disertasyon lalo na sa bahaging Mga
Kaugnay na Pag-aaral at Literatura.

15. Masining ang uring ito ng pagsulat.

3 CO_Q1_Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang-


(Akademik)SHS- Modyul 1
Aralin ANG KAHULUGAN AT
1 KALIKASAN NG
AKADEMIKONG PAGSULAT

Minsa’y may nagsabing “Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumigil na rin
siya sa pag-iisip. Isang mapapanaligang pananaw ito sa pagpapaunlad ng isang tao,
hindi lamang sa pagtugon sa mga personal na pangangailangan, kundi maging sa
propesyonal na larangan. Sa pamamagitan ng pagsulat, naitatala ng tao ang lahat ng
karunungan at kaalaman, mula sa mga pansariling karanasan hanggang sa mga
kaalamang pang-edukasyon.

Hindi basta-basta natututuhan ng tao ang pagsulat sapagkat kinakailangan pa


niyang magsanay sa pagpili ng paksa, organisasyon ng diwa, gramatika at lohika ng
presentasyon ng ano mang paksang nais talakayin.

Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa damdamin at isipan ng tao.


Sa pamamagitan nito, naipahahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap,
agam-agam, bungang-isip, at mga pagdaramdam. Dahil din sa pagsulat, nakikilala ng
tao ang kanyang sarili, ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog
ng kanyang kaisipan, at ang mga naabot ng kanyang kamalayan. Ang pangunahing
layunin ng pagsulat ay mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman, at
mga karanasan ng taong sumusulat. Kaya naman, napakahalaga na bukod sa
mensaheng taglay ng akdang susulatin., kailangan ang katangiang mapanghikayat
upang mapaniwala at makuha ang atensiyon ng mga mambabasa. Mahalagang
isaalang-alang ang layuning ito sapagkat masasayang ang mga isinulat kung hindi iti
magdudulot ng kabatiran at pagbabago sa pananaw, pag-iisip, at damdamin ng
makababasa nito.

Ngunit bago natin talakayin ang mga kasanayang ito, talakayin muna natin ang
iba’t ibang pagpapakahulugan at paglalarawan sa pagsulat.

4 CO_Q1_Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang-


(Akademik)SHS- Modyul 1
Balikan

MAGTHROWBACK TAYO!

Panuto: Muling balikan ang araling tinalakay, binasa, sinuri at isinulat sa Filipino
11. Magsalaysay ng ing karanasang di malilimutan mula sa napiling teksto. Gawin ito
sa sagutang papel gamit ang grapikong pantulong.

Iba’t Ibang Uri ng Teksto

Sariling Karanasan

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Gabay na Tanong:

1. Sa iyong palagay, bakit mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang uri ng teksto?

2. Paano ito makatutulong sa iyo bilang isang mag-aaral?

5 CO_Q1_Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang-


(Akademik)SHS- Modyul 1
Mga Tala para sa Guro
Alam Mo Ba?
Isa sa makrong kasanayan sa pakikipagtalastasan ang
pagsulat at ang wika ang pangunahing sangkap sa pagbuo ng
isang sulatin na magluluwal ng iba’t ibang ideya na magiging
mensahe sa anumang sulatin.
Sa kasalukuyang antas ng iyong pag-aaral, malaki ang
gampanin ng pagsulat sa pagpapahayag ng iyong saloobin,
pananaw, opinyon, ideya, at anumang naiisip. Inilalapat at
isinasakonteksto ng pagsulat ang mga nais mong maipahatid
mula sa sariling kaalaman at karanasan na sinangkapan ng
komprehensibong pananaliksik upang maging akademiko.
Hindi maaaring paghiwalayin ang pagsulat at kognisyon.
Ang isip ang pinagmumulan ng proseso ng kognisyon.
Samakatuwid, magkatambal ang pagsulat at pag-iisip.
Nakapaloob sa pag-iisip ang kalipunan ng mga kaalaman buhat
sa biyolohikal at kaalamang idinulot ng karanasan. Taglay rin ng
lawak ng pag-iisip ang imahinasyon ng pangunahing sangkap sa
pagpapalawak ng isang uri ng sulatin. Pinabibisa pa ito ng
tamang gamit ng salita, kataga, ekspresyon, at kalipunan ng mga
pangungusap na binuo ng kaisipan ng isang tao.
Isang uri ng pagsulat ang akademikong sulatin. Ito ay
makikilala sa layunin, gamit, katangian, at anyo nito. Taglay ng
akademikong sulatin ang mataas na gamit ng isip upang
maipahayag ang ideya bilang batayan ng karunungan.

6 CO_Q1_Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang-


(Akademik)SHS- Modyul 1
Tuklasin

Gawain Blg. 1.
Bago mo tuluyang malaman ang kahulugan ng Akademikong Pagsulat, nais kong
magbigay ka muna ng iyong pananaw hinggil sa pahayag sa ibaba.

“Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumitigil na rin


siya sa pag-iisip.”

Gawain Blg. 2: Magbigay ng sariling pananaw batay sa graphic organizer.

PAGSULAT
Paano?
Ano?
Paano ko ito
Ano ang mga
isusulat?
paksaing
kadalasang
isinusulat?

Sino? Bakit?
Sino ang mga Bakit ito ang
babasa ng aking karaniwang
isusulat? paksain sa
kasalukuyan?

7 CO_Q1_Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang-


(Akademik)SHS- Modyul 1
Suriin

Sa bahaging ito ng modyul ay nais kong basahin mo ang iba’t ibang


pagpapakahulugan at paglalarawan sa pagsulat.

Alam mo ba na ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat


mahubog sa mga mag-aaral? Ito ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at
damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinaka epektibong midyum ng paghahatid
ng mensahe, ang wika. Ang pagsusulat ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental
dahil sa pamamagitan nito ay naipahahayag ng tao ang nais niyang ipahayag at ang
paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan.

Sa pamamagitan ng pagsusulat, naisasatitik ang nilalaman ng isipan,


damdamin, paniniwala, at layunin ng tao sa tulong ng paggamit ng mga salita, ayos ng
pangungusap sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin.

A. Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat


Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang
tao o mga tao sa lyuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan.Ito ay kapwa
isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin.
Ayon kina Xing at Jin (1989, sa Bernales, et al., 2006), ang pagsulat ay isang
komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo
ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento. Kaugnay nito ang pakikinig, pagsasalita
at pagbasa. Komprehensibo ang pagsulat sapagkat bilang isang makrong kasanayang
pangwika, inaaasahang masusunod ng isang manunulat ang maraming tuntuning
kaugnay nito. Kung gayon, maituturing ito bilang isang mataas na uri ng gramatika at
bokabularyo.

Sinabi ni Badayos (2000) na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang


bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang
wika o pangalawang wika man. Ito ay nangyayari sa kabila ng maraming taong
ginugugol natin sa pagtatamo ng kasanayang ito. Sa pagkakataong ito, maaaring nating
tanggapin na ang pagsulat ay isang kasanayang pangwika na mahirap matamo. Subalit
mayroon tayong magagawa. Napag-aaralan ang wasto at epektibong pagsulat.

Ayon naman kay Keller (1985, sa Bernales, et al., 2006), ang pagsulat ay isang
biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito. Isang biyaya
ito sapagkat ito ay isang kasanayang kaloob ng Maykapal at eksklusibo ito sa tao. Isa
itong pangangailangan sapagkat ito, kasama ang kasanayang pakikinig, pagbasa at
pagsasalita, ay may malaking impluwensiya ito

8 CO_Q1_Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang-


(Akademik)SHS- Modyul 1
upang maging ganap ang ating pagkatao. Isa itong kaligayahan sapagkat bilang isang
sining, maaari itong maging hanguan ng kasiyahan ng sino man sa kanyang
pagpapahayag ng nasasaisip o nadarama.

Samantala, ganito naman ang paglalarawan nina Peck at Buckingham (sa


Bernales, et al., 2006): Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng
isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.

Ang isang akademikong sulatin ay mahalagang mayroong pinagbabatayan.


Pundasyon ang isip na magluluwal ng mabungang impormasyon. Ang impormasyon ay
dapat sangkapan ng lohikal, kritikal, maugnayin, malikhaing paraan upang iugnay ang
kaalaman sa nilalaman ng akaddemikong sulatin. Hindi maihihiwalay sa isip ang
damdamin o puso ng akademikong sulatin. Bukod sa nararamdamang saya, lungkot ,
galit at iba pang saloobin, litaw ang damdaming nais iparating ng akademikong sulatin
na lalong nagiging mabisa sa pamamagitan ng kaugnay ng mga tiyak na pagtugon o
pagkilos batay sa layunin ng akademikong sulatin.

Sa bahaging ito mahihinuha mo dito ang mga hakbang o proseso ng


akademikong sulatin at ang mga uri ng pagsulat. Sa paraan ng paggawa ng isang
akademikong sulatin, makikita ang taglay nitong mga katangian. Ito ay ang
sumusunod.

1.Komprehensibong Paksa- Batay ito sa interes ng manunulat. Kung ang pagsulat


naman ay itinakdang ipagawa, madalas nakabatay ang paksa sa isyung napapanahon
na may kaugnayan sa mga usaping panlipunan batay sa aspektong pangkabuhayan,
pampolitika, pangkultura, at iba pa. Mahalaga ang gampanin ng paksa sa kabuuan ng
akademikong sulatin. Sa paksa mag-uumpisa ang pagpaplano upang maisakatuparan
ang makabuluhang akademikong sulatin.
2.Angkop na Layunin- Ang layunin ng magtatakda ng dahilan kung bakit nais
makabuo ng akademikong sulatin. Nakapaloob sa lyunin ang mithiin ng manunulat
kung nais na magpahayag ng iba’t ibang impormasyon kaugnay ng katotohanan,
manghikayat na paniwalaan ang argumentong inilalahad, suportahan o pasubalian ang
mga dati nang impormasyon, at iba pang layunin nakaugat sa dahilan ng pagkabuo ng
akademikong sulatin.
3. Gabay na Balangkas- Magsisilbing gabay ang balangkas sa akademikong sulatin.
Gabay ito upang organisahin ang ideya ng sulatin. May tatlong uri ng balangkas:
balangkas na paksa, balangkas na pangungusap, at balangkas na talata. Sa tulong ng
pagbabalangkas, napadadali ng manunulat ang kaniyang pagsulat ng sulatin.
Kadalasan ang balangkas din ang nagiging burador ng anumang sulatin. Ang paunang
balangkas ang magiging batayan sa pagrerebisa ng pinal na sulatin.
4. Halaga ng Datos- Nakasalalay ang tagumpay ng akademikong sulatin sa datos.
Maituturing na pinakamahalagang yunit ng pananaliksik ang daatos ng anumang akda.
Kung walang datos, walang isusulat, susuriin, o sasaliksikin. Nahahati sa dalawa ang
pinagkukunan ng datos: primary o pangunahing sanggunian at sekondaryang
sanggunian. Nakapaloob sa pangunahing sanggunian ang mga orihinal na dokumento
na naglalaman ng mahahalagang impormasyon ukol sa

9 CO_Q1_Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang-


(Akademik)SHS- Modyul 1
paksa. Sa sekondaryang sanggunian, makikita sariling interpretasyon batay sa
pangunahing impormasyon.

Primaryang Sanggunian Sekondaryang Sangggunian


● Talaarawan ● Reaksiyon sa isang:
● Pakikipanayam ⮚ Aklat
● Liham ⮚ Palabas
● Orihinal na gawang sining ⮚ Manuskrito
● Orihinal na larawan ⮚ Pahayag ng isang tao
● Orihinal na pananaliksik
⮚ Buod ng anumang akda
● Mga isinulat na panitikan

5.Epektibong Pagsusuri-Bahagi rin ng isang komprehensibog akademikong sulatin


ang pagsusuri. Upang maging epektibo, lohikal ang dapat na gawing pagsusuri. Hindi
makahihikayat ng mambabasa ang isang akademikong sulatin kung ang nilalaman
nito ay nakabatay lamang sa pansariling pananaw ng sumusulat. Kailangang
lagpasan ang opinion at mapalutang ang katotohanan. Ang pagsusuri ay nakabatay
sa ugat o sanhi ng suliranin at nagpapakita ng angkop na bunga kaugnay ng
implikasyon nito sa iniikutang paksa. Marapat lagpasan ng epektibong pagsusuri
ang mga tsismis o sabi-sabi. Ang paraan ng pagsusuri ng isang manunulat ang
sukatan ng lalim ng kaniyang ginawang obra o akademikong sulatin.

6.Tugon ng Konklusyon- Taglay ng konklusyon ang pangkalahatang paliwanag sa nais


na maipahayag ng akademikong sulatin. Makikita sa kongklusyon ang kasagutan sa
mga itinampok na katanungan sa isinulat na pag-aaral. Kadalasang nasa anyong
pabuod ang konklusyon na binuo batay sa natuklasang kaalaman. Mula sa
konklusyon, huhugot ng payo o rekomendasyon tungo sa pagpapatuloy na
isinagawang pag-aaral o akademikong sulatin.

Mga Uri ng Pagsulat

1.Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)


Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukas ng damdamin, at
makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Karaniwan itong bunga ng
malikot na isipan ng sumusulat na maaaring batay sa tunay na pangyayari o kaya
naman ay bunga ng imahinasyon o kathang-isip lamang. Maibibilang sa uri ng pagsulat
na ito ang maikling kuwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, gayundin ang mga
komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula, at iba pa.
2.Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)

Ang uring ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya
naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o
suliranin. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang Feasibility Study on the Construction
of Platinum Towers in Makati, Project Renovation of Royal Theatre in Caloocan City,
Proyekto sa Pagsasaayos ng Ilog ng Marikina.

10 CO_Q1_Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang-


(Akademik)SHS- Modyul 1
3.Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)

Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa mga sulating may kinalaman sa
isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Binibigyang-pansin nito
ang paggawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng
isang tao.
4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)

Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag.


Kasama na rito ang pagsulat ng balita, editoryal, lathalain, artikulo, at iba pa.
Mahalagang mga sumusulat nito tulad ng mga journalist, mamamahayag, reporter, at
iba pa ay maging bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga
balita at isyung nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan sa kanilang isusulat sa mga
pahayagan, magasin, o kaya naman ay iuulat sa radyo o telebisyon.

5.Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing)

Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o


impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon. Layunin din ng
pagsulat na ito na irekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng
mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa.
6.Akademikong Pagsulat (Academic Writing)

Ang akademikong pagsulat ay isang intelektwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay


nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang inidibidwal sa iba’t ibang larangan.
Layunin nitong paganahin ang imahinasyon, bukod pa sa pukawin ang damdamin ng
mga mambabasa.Karaniwan nang mayaman sa mga idyoma, tayutay, simbolismo,
pahiwatig at iba pang creative devices ang isang uring ito.

Pakatandaan!

PAGSULAT

Ideya nararamdaman tugon


konsepto saloobin aksiyon

ISIP KILOS

PAGSULAT

Gabay na Tanong:

1. Ano-ano ang katangian ng akademikong pagsulat?

2. Ano-ano ang mga pamamaraan upang maging komprehensibo at epektibo ang


akademikong sulatin?

11 CO_Q1_Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang-


(Akademik)SHS- Modyul 1
3. Bakit mahalaga ang akademikong sulatin sa buhay ng isang mag-aaral na tulad mo?

4. Paano magagamit ang isip, damdamin, at kilos sa pagbuo ng isang akademikong


sulatin?

5. Kung hindi magagampanan ng isang manunulat ng katangiang kailangan ng


akademikong sulatin, paano nito maaapektuhan ang mithiin ng sulatin na
magpahayag at makipagtalastasan?

Pagyamanin

Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin, marahil ay


naging malinaw na sa iyo ang kahulugan at kalikasan ng akademikong pagsulat. Upang
mapagtibay pa ang iyong kaalaman at tamang pag-unawa sa paksang iyong pinag-
aaralan, subukin mong gawin ang ilan pang gawain.

Gawain Blg. 1

Kilalanin ang uri ng sulating inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa linya.
Gayahin ang pormat sa iyong sagutang papel.
1.Pangunahing layunin ng pagsulat na ito ay pagbuo ng isang pag-aaral o proyekto.
______________________________________________________

2. May kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag. Kasama na rito


ang pagsulat ng balita, editorial, lathalain, artikulo, at iba pa.
________________________________________________________________________________

3. Anyo ng pagsulat na ang layunin ay mag-aliw, pumukaw ng damdamin at umantig


ng imahinasyon._________________________________________

4. Gamit sa pagsulat na pangkahalatang umiikot ang pangunahing ideyang dapat


nakapaloob sa sinusulat. _________________________________________
5. Anyo ng pagsulat na humahasa sa mga propesyonal gaya ng mga doctor, nars,
inhenyero, at iba.___________________________________________________

12 CO_Q1_Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang-


(Akademik)SHS- Modyul 1
Gawain Blg. 2

Isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng Akademikong Pagsulat gamit


ang concept map sa ibaba. Magtala ng maikling paliwanag sa bawat katangian.

Paliwanag:

___

___
Paliwanag:
Paliwanag:
___
___
___ Katangian
___
ng
Akademik
ong
Pagsulat
Paliwanag: Paliwanag:

___ ___

___ ___
Gawain Blg. 3. Bumuo ng isang sulatin. umili ng sariling layon sa pagsulat. Maaaring
ito ay impormatibo, mapanghikayat, malikhain, at pansariling pahayag. Ang konsepto
ng sulatin ay patungkol sa “Mga Mag-aaral sa SHS”. Isulat sa sagutang papel

Rubrik sa Pagtataya

Kaisahan 5
Nilalaman 5
Pagkabalangkas 5
KABUUAN 15

Isaisip

1. Tandaan!
Ang binasa ay tungkol sa Kahulugan at Kalikasan ng
Akademikong Pagsulat. Ngayong natamo mo na sa unang bahagi ang
sapat na kaalaman at kasanayang dapat malinang, sikaping gawin ang
Isaisip ito, upang mapaigting pa lalo ang kaalaman at pag-unawa sa
Akademikong Pagsulat. Sa gawaing ito batid kong tuluyan nang nalinang
ang kasanayang pampagkatuto.

13 CO_Q1_Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang-


(Akademik)SHS- Modyul 1
DUGTUNGAN TAYO....

Ilahad ang mga paghahandang dapat gawin sa pagsulat ng mga sulating may
iba’t ibang layunin.

Impormatibo Malikhain
Mapanghikayat
____________________ ____________________
________________
_

Ako Bilang Manunulat

14 CO_Q1_Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang-


(Akademik)SHS- Modyul 1
Isagawa

Habang lumalalim ang iyong pag-unawa sa paksa ay mapagninilayan mo kung bakit


mahalagang unawain ang kahulugan at kahalagan ng akademikong pagsulat.
Mapagtitibay mo ang ideyang ito sa tulong ng gawain na inilaan sa bahaging ito.

Ang Twitter ay isang social networking site na naglalaman ng mga maiikling


pahayag tungkol sa iba’t ibang paksa. Nakapagbibigay ito ng mahalagang impormasyon
sa loob lamang ng 140 titik.
Nasubukan mo na bang gamitin ang Twitter? Pumunta sa http://twitter.com at
gumawa ng account kung ikaw ay wala pa nito. Sumulat ng isang tweet tungkol sa
mahalagang natutuhan sa aralin. Tiyaking laman ng tweet ang mensahe kaugnay ng
kahalagahan ng sulating akademiko sa sarili, pamilya, at lipunan. Kailangang
magkasya ang pahayag o tweet sa loob ng 140 titik. Ipahayag ang paliwanag sa ibaba.

Screen shot ng ginawang pahayag sa Twitter:

Paliwanag tungkol sa ginawang “tweet”:


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

15 CO_Q1_Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang-


(Akademik)SHS- Modyul 1
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang katanungan. Isulat sa sagutang papel ang letra ng
tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.

C. Akademiko C. Journalistic E. Propesyonal


D. Teknikal D. Reperensyal F. Malikhain
1.Masining ang uring ito ng pagsulat.

2. Uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o


mapagkukuhanan hinggil sa isang paksa.
3.Nagsasaad ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa
isang komplikadong suliranin.

4. Layunin na paganahin ang imahinasyon, bukod pa sa pukawin ang damdamin ng


mga mambabasa.

5. Itinuturing na isang intelektwal na pagsulat dahil layunin na pataasin ang antas at


kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
6. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba pang akdang
karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.

7. Maituturing na halimbawa nito ang pagsulat ng police report ng mga pulis,


investigative report ng mga imbestigador, mga legal forms, briefs, pleadings ng mga
abogado at legal researchers at medical report at patient’s journal ng mga doctor at
nars.
8. Napakaispesyalisado ang uri ng pagsulat kung kaya nga may ispesipikong kurso para
rito, ang AB Journalism.

9. Karaniwan nang mayaman na sa mga idyoma, tayutay, simbolismo, pahiwatig at iba


pang creative devicesang mga akda sa uring ito.
10. Itinuturo sa mga paaralan bilang paghahanda sa isang tiyak na propesyon na napili
ng mga mag-aaral tulad ng Medicine, Nursing, Law at Criminology.

11. Uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na propesyon.


12. Uri ng pagsulat sa larangan ng literatura.

13. Makikita ito sa mga pamanahong-papel, tesis at disertasyon lalo na sa bahaging


Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura.
14. Ang paggawa ng bibliograpi, indeks at maging ang pagtatala ng mga impormasyon
sa note cards ay maihahanay sa ilalim ng uring ito.
15. Karaniwan nang mayaman sa idyoma, tayutay, simbolismo, pahiwatig at iba pang
creative devices ang mga akda sa uring ito.

16 CO_Q1_Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang-


(Akademik)SHS- Modyul 1
Karagdagang Gawain

Natapos mo na ang huling bahagi ng modyul na ito. At naniniwala akong buong


husay mo itong naisagawa. Tanggapin mo ang aking pagbati. Iminumungkahi kong
sagutin mo ang karagdagang gawain upang higit mong matiyak na talagang naunawaan
mo na ang mga araling nakapaloob sa modyul na ito. Simulan mo na!

Magsagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan at katangian


ng napiling uri ng akademikong sulatin sa tulong ng graphic organizer.

Uri ng Akademikong Sulatin

Nasaliksik

Kahulugan:

Katangian:

Sanggunian:

17 CO_Q1_Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang-


(Akademik)SHS- Modyul 1
Susi sa Pagwawasto

18 CO_Q1_Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang-


(Akademik)SHS- Modyul 1
Sanggunian
Bernales, Rolando A. et.al. (2017). Filipino sa Larangang Akademiko. Malabon
City. Mutya Publishing House, Inc.

Capulong, Allan. Ang Kahulugan at Katuturan ng Pagsulat: slideshare.net, 2016


https://www.slideshare.net/allancapulong1/pagsulat-akademik-shs-ppt

Elcomblus, Ang Kahulugan, Katangian at Layunin ng Akademikong Pagsulat:


elcomblus.com, https://elcomblus.com/ang-kahulugan-katangian-at-layunin-
ng-akademikong-pagsulat/

Julian, Aileen B. at Lontoc, Nestor B. (2016). Pinagyamang Pluma. Filipino sa


Piling Larangan (Akademik). Quezon City. Phoenex Publishing House, Inc.

Montes, Josh. Katangian ng Akademikong Pagsulat: quizizz.com,


https://quizizz.com/admin/quiz/5d18b1db8548cd001a6b57d2/katangian-ng-
akademikong-pagsulat

Reyes, Gelhi Ann. Akademikong Pagsulat: prezi.com, 2013,


https://prezi.com/ukqf7dcjv1rg/akademikong-pagsulat/
Villanueva at Bandril. (2016). Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik
at Sining). Quezon City. Vibal Group Inc.

19 CO_Q1_Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang-


(Akademik)SHS- Modyul 1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office Navotas


Learning Resource Management Section

Bagumbayan Elementary School Compound


M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City

Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: navotas.city@deped.gov.ph

You might also like