You are on page 1of 1

Buwan Ng Wika

Ang Buwan ng Wika ay ginaganap bawat taon sa Pilipinas buong buwan ng Agosto ay
ipinagdiriwang upang itaguyod ang ating wikang pambana.Ngayong taon ang tema ng Buwan ng Wika ay
"Filipino at ng Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha". Ang mga layunin nito sa taong
ito ay ganap sa ipatupad ang PRESEDENCIAL PROCLAMATION No. 1041, hikayatin ang lahat ng
ahensya ng gobyerno at pribadong sector na maging bahagi ng mga programang nagpapalaki ng
kamalayan sa wika at sibiko, at ipakita ang kahalagang wikang pambansa sa pamamagitan ng aktibong
pakikilahok sa lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa 'Buwan ng Wika'. Ngayong taon, ipinag
bibigyang halaga din ang ating mga Katutubong Wika. Ang ating mga wika ay kasingkahulugan din ating
kultura at mayroon itong natatanging kasaysayan at impluwensiya sa mga taong nagsasalita nito.

Pangunahing priyoridad ngayon ay itaguyod ang karapatan ng ating mga katutubo sa malayang
paghahayag, pag-access sa edukasyon, at pkikilahok sa aktibidad na sibiko gamit ang katutubong wika
bilang pangunahing pangngailan para mapanatili ang buhay ng mga pamana na wika na karamihan ay
malapit nang mawala. Ipinagkilala rin ang hindi matatawaran na halaga ng pangunahing pananaliksik
sa gham o basic science research, na malimit na tinutukoy bilang pundamental o pangunahing
pananaliksik na nagsisilbing pundasyon ng kaalaman na inilapat sa applied science. Ito ay isang
mahalagang hakbang dahil ang pkikilahok sa mga aktibidad ng kumonidad gamit ang katutubong wika
bilang pangunahing kinakailangan upang manatili ang buhay ng mga pamana na wika ay higat na
nanganganib na mawala.

Ngayon buwan ng wika, pinagbibigyang-halaga ang pagsasadambana sa dignidad ng mga


katutubong wika at sa kultura ng mga komunidad na nagmamayari nito. Bilang mamayanan ng ating
bansa dapat nating isipin na ang ating pambansang wika at ang nga katutubong wika ay bahagi ng ating
kultura at nararapat nating kilalanin sila bilang bahagi ng ating pagkakatao. Dapat patuloy nating
gamitin ang ating wika, pag-aaral nito, isulong ito, at mahalin.

You might also like