You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF CAVITE
LUIS AGUADO NATIONAL HIGH SCHOOL
TRECE MARTIRES CITY
_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

WEEKLY LEARNING PLAN

Quarter 1 Grade Level 9


Week 8 Learning Area ARALING PANLIPUNAN
Date October 10-12 2022 Name of Teacher Rengie P. Sison
MELC’s Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo.
-Naipamamalas ang talino sa pagkonsumo sa pamamagitan ng paggamit ng pamantayan sa pamimili

Day 1 Objectives Topic/s Classroom-Based Activities Home-Based Activities


Mga Salik na Mga Napapanahong Paalala:
A.Nasusuri ang mga Nakaaapekto sa -Magsuot ng face mask
salik na nakakaapekto Pagkonsumo at -Panatilihin ang social distancing
sa pagkonsumo; Karapatan at -Palaging maghugas na kamay o gumamit ng alcohol/hand
B. Nakakasagot sa Tungkulin ng sanitizer
mga gawain ng buing Mamimili
husay. Balitaan:
C. Nabibigyang halaga Ibabahagi ng mga mag – aaral ang mga sariwa at maiinit na
ang mga salik na isyu sa loob at labas ng bansa. Magbibigay ng sariling
nakaapekto sa opinyon hinggil sa mga sariwang balita.
pagkonsumo.
Balik-aral:
Tukuyin kung anong Halaga ng Produksyon ang
binabanggit sa bawat pangungusap.
UPA SAHOD INTERES TUBO

1. Tinanggap ni Agnes bilang manggagawa sa pabrika


2. Kumita ang perang ipinasok ni Edith sa bangko.
3. Tumanggap si Mang Ed ng bayad mula kay Tata Selo sa
pagtatanim sa kanyang sakahan.
4. Bumili ng bagong kotse si Kuya Daniel mula sa kanyang
kita sa
negosyo.
5. Nagbayad ng Environmental Fee si Mang Kanor sa
pamahalaan
ng Bacoor bilang mangingisda.

Introduction:
Natutuhan mo na walang katapusan ang iyong
pangangailangan at
kagustuhan sa kabila ng kakapusan at kakulangan ng likas
na yaman,
produkto at serbisyo. Natutugunan ang lahat ng ito ayon sa
matalinong pagpili at pagdedesisyon sa kung ano ang
bibilhin at gagamitin.
Bilang mamimili, kinakailangan na maging kritikal sa pagpili
ng mga
produkto at serbisyo. Inuunawa at inaalam mo dapat ang
mga sangkap at ang kalidad ng produkto at serbisyo. Dahil
din sa kakapusan, mahalaga na malaman mo ang mga
wastong pamantayan sa pamimili at kung ano ang mga
nakaaapekto sa pagkonsumo upang maging kapaki-
pakinabang ang mga produkto at serbisyo na iyong mabibili.
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na masusuri mo ang
mga salik na
nakaaapekto sa pagkonsumo. Inaasahan din na
maipagtatanggol mo ang iyong mga karapatan at
magagampanan ang tungkulin bilang isang mamimili.

Development:

https://ph.news.yahoo.com/33-arrested-hoarding-p13-m-
gp75PErKGTJqzv1suCLScwDIxJF8fXoWP408irDdFGrCPPY7

Suriin ang larawan at sagutin ang mga katanungan.


1. Kailan ito kadalasang nangyayari?
2. Maiiwasan ba natin ang pangyayaring ito?
3. Nakaranas ka na ba ng ganitong sitwasyon lalong-lalo na
sa panahon ng pandemya tulad ng nangyari ngayon, ang
pandemya ng COVID-19?
SALIK NA NAKAIMPLUWENSIYA NG PAGKONSUMO
1. Pagbabago ng presyo- kalimitan mas mataas ang
pagkonsumo kung mababa ang presyo at mababa ang pag
konsumo kung mataas ang presyo
2. Kita-ito ay nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang
tao. Ayon kay Maynard Keynes, isang ekonomista na
malaki ang kaugnayan ng kita ng tao sa kaniyang
pagkonsumo
3. Mga Inaasahan-mga inaashang mangyayari sa hinaharap
ay nakakaapekto sa pagkonsumo sa kasalukuyan.
Halimbawa, kung inaasahan ng tao na may paparating na
kalamidad tataas ang ang pagkonsumo ng mga bagay na
dapat bilihin ng mga mamimili tuwing may kalamidad gaya
ng mga flashlights at mga pagkain
4. Pagkakautang- kapag maraming utang na dapat bayaran
ang isang tao, maaring maglaan siya sa bahagi ng kaniyang
salapi upang ipambayad dito. Samakatwid ang kangyang
pagkokonsumo ng bagay ay mababawasan
5. Demonstration effect- madaling maimpluwensiyahan ang
tao ng mga anunsiyo sa radyo, telebisyon pahayagan at
maging sa internet at iba pang social media. Nang dahil sa
mga ito mas tataas ang pagkonsumo ng tao sa isang bagay
dahil sa napanood, nakita o napakinggan.

Pamprosesong Tanong:
1.Sa iyong palagay, nakaapekto ba ang kalagayan ng
bansa sa uri ng pagkonsumo mayroon kayo sa pamilya?
2. Anu-ano ang isinaalang-alang mo sa pagtugon sa mga
salik ng pagkonsumo?

Engagement:
SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD. Jumbled words.
Ayusin ang mga sumusunod na salita. Isulat ang sagot sa
kwaderno.
1. ATIK - income o kita ng tao mula sa pagtitinda,
pagbebenta o pagtratrabaho
2. NAPAHON - kalagayan ng papawirin at kalagayan ng
hangin sa alin mang lugar sa bansa sa maikling panahon.
3. CINAP YINGBU - isa itong sitwasyon at kung minsan ay
nagiging ugali pa ng mga tao sa isang lugar na kung saan
bumibili sila ng halos lahat na uri ng pagkain o bagay sa
pag-aakalang maubusan ng suplay
4. LOSCIA EDIAM - ito ay ginagamit upang makasagap ng
mga balita sa lipunan, sa mga kaibigan, katrabaho o maging
sa hindi mo kilalang tao.
5. OYSNUNA - kalimitang napakinggan sa mga radyo o
telebisyon. Ito ay nagmumungkahi ng produkto upang
maakit ang mga konsyumer.
6. OYSERP - halagang ipinapataw sa mga produkto o
serbisyo sa pagbili at paggamit nito
7. NGATU - isang obligasyon at responsibilidad na kalimitan
ay dapat tumbasan o bayaran
8. OMUSNOKGAP - pagbili ng produkto at serbisyo upang
matugunan ang pangangailangan ng mga tao.
9. OKNSYMUER-iba pang katawagan sa mamimili.
10. ILIMIMIAM - mga taong bumibili at gumagamit ng
produkto at serbisyo.

Sagutan nag Gawain 2 ng inyong modyul sa inyong


kwaderno.
Day 2
a. Nasasagot . Engagement:
ang puzzle
ng mga salik
na
nakakaapekt
o sa
pagkonsumo.
b. Nauunawan
ang mga
Katangain ng
matalinog
Mamimili
batay sa
tekstong
binasa.

Basahin at unawin ang Katangian ng Matalinong Mamimili, pahina 31-


33 ng inyong modyul
Day 3
Mga Katangian
A. Natutukoy ang ng Introduction:
mga MATALINONG
katangian ng MAMIMILI
Mga Katangian ng MATALINONG MAMIMILI
matalinong Nais ng lahat na maging matalinong mamimili dahil ibig
mamimili. sabihin nito ay nasusulit natin ang bawat sentimong ating
B. Naisasabuhay ginagastos para sa bawat produkto.
ang Ang sumusunod ay ilan sa mga pamantayan sa pamimili.
natutunang
katangian ng
Development:
matalinong
Mga Katangian ng MATALINONG MAMIMILI
mamimili.
Nais ng lahat na maging matalinong mamimili dahil ibig
sabihin nito ay
nasusulit natin ang bawat sentimong ating ginagastos para
sa bawat produkto.

Ang sumusunod ay ilan sa mga pamantayan sa pamimili:


1. Mapanuri
Sinusuri ang produktong bibilhin.-Tinitingnan ang sangkap,
presyo, timbang, pagkakagawa, at iba pa.Inihahambing ang
mga produkto sa isa’t isa upang makapagdesisyon nang
mas mabuti at mapili ang produktibong sulit sa ibabayad.
2. Marunong Maghanap ng Alternatibo o Pamalit na
Produkto
Ang matalinong mamimili ay marunong humanap ng pamalit
na kalakal na makatutugon din sa pangangailangang
tinutugunan ng produktong dating binibili.
3. Hindi Nagpapadaya
Ang matalinong mamimili ay laging handa, alerto, at
mapagmasid sa mgamaling gawain lalo na sa pagsusukli at
paggamit ng timbangan.
4. Makatwiran
Isinasaalang-alang niya ang presyo at kalidad sa pagpili ng
isang produkto.
Isinasaisip din ang kasiyahan na matatamo sa pagbili at
paggamit ng produkto pati na rin kung gaano katindi ang
pangangailangan dito. Inuuna ang mga bagay na mahalaga
kompara sa mga luho lamang.
5. Sumusunod sa Badyet
Tinitimbang ang mga bagay-bagay ayon sa kaniyang
badyet. Hindi
nagpapadala sa popularidad ng produkto na may mataas na
presyo upang matiyak na magiging sapat ang kaniyang
salapi sa kaniyang mgapangangailangan.
6. Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo
Ang pag-endorso ng produkto ng mga artista ay hindi
nakapagpapabago sa pagkonsumo ng isang matalinong
konsyumer. Ang kalidad ng produkto ang tinitingnan at hindi
ang paraan ng pag-aanunsiyo na ginamit.
7. Hindi Nagpapanic-buying
Ang artipisyal na kakulangan na bunga ng pagtatago ng
mga produkto
(hoarding) ng mga nagtitinda upang mapataas ang presyo
ay hindi ikinababahala ng isang matalinong konsyumer dahil
alam niyang ang pagpapanic-buying ay lalo amang
magpapalala ng sitwasyon.

Engagement:
Assessment:
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkonsumo?
a. Maraming kalagayan ang isinasaalang-alang
b. Magkakaiba ang katangian ng mga nakakaapekto dito
c. Magkakaiba ang pangangailangan ng tao
d. Hindi tiyak ang pangyayari sa lipunan
2. Sa pagbabago ng presyo, sa anong pagkakataon
tumataas ang pagkonsumo?
a. kakaunti ang suplay
b. marami ang suplay
c. mataas ang presyo
d. mababa ang presyo
3. Alin sa sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi
naapektuhan ng
demonstration effect?
a. Hindi sumusunod sa uso
b. Nahuhumaling sa suot ng mga artista
c. Binibili ang mga napapanahong gamit
d. Suportado ang mga ini-endorso nga paboritong artista
4. Bakit nakakaapekto ang pagkakaroon ng utang sa
pagkonsumo ng tao?
a. Lumulobo ang kanyang utang kapag hindi nababayaran
b. Tumataas ang kanyang kakayahang makabili ng
produkto
c. Nababawasan ang kanyang kakayahan na makabili ng
produkto
d. Kakaunti ang naiipon sap era mula sa kita
5. Kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo, bakit mas
mainam na kunti ang utang?
a. Walang naniningil kapag nakatanggap ng sahod
b. Lumalaki ang ipon sa bangko
c. Walang utang na kailangang bayaran
d. Tumataas ang kakayahang kumonsumo

1.B
2.C
3.A
4.C
5.D

Inihanda ni:

RENGIE P. SISON
AP/ESP Teacher

Checked and Noted by:

ELLEN G. LOPEZ
Head Teacher III

You might also like